Author's pov "Ladies and gentlemen, let us all welcome the owner of ASH Group Corporation, Mr. Ashton Cuevas together with her daughter Miss Ayumi Gayle Santiago!" Sigaw ng Emcee. Nagpalakpakan ang lahat maliban sa pamilya Clemente at sa mga taong nakaka-alam ng pagpanaw ni Ayumi ilang taon na ang nakakaraan. Napako si Shawn sa kanyang kinatatayuan pagkarinig ng pangalan ng kanyang ex. "There's no way," bulong nito at hindi inaalis ang tingin sa stage. Bumukas ang malaking kurtina sa stage at lumantad sa harap nila si Blue o mas kilalang Ashton Cuevas kasama si Ayumi na naka-red dress. Ang theme ng party ay black and white kaya kapansin-pansin talaga ang suot ni Ayumi dahil siya lang ang namumukod tanging nagsuot ng red. "Ay wow may pasabog ang kaibigan natin. Tignan mo naman oh na

