Author's pov "Mom naman-" "Kahit anong sabihin mo hindi mo na mababago ang desisyon ko. Pupunta ka ng probinsya at mananatili ka duon sa loob ng isang linggo dahil sa ginawa mo," seryosong sabi ni Sheen sa anak nitong si Yves. "Pinagtanggol ko lang naman ang bestfriend ko, wala akong nakikitang mali sa ginawa ko para parusahan niyo ako at itapon sa probinsya. Ikaw rin naman ang nagsabi sa akin na kailangan protektahan ko ang mga babaeng mahalaga sa akin," pangangatwiran ni Yves. Natatawa namang nakabantay si Erza sa kapatid dahil isang oras na nitong kinakausap ang ina para hindi matuloy ang parusa para rito. "Sinabi kong ipagtanggol mo pero hindi sa babae. Nanakit ka ng babae anak at 'yun ang ayoko. Hayaan mong makipag-away si Ayumi sa babae dahil kaya niya na 'yun, ang kailangan mo

