Author's pov "Nasaan siya?" "Nasa guess room." Nagmadaling umakyat si Yves papunta sa kinaruruunan ni Ayumi. Nung marinig niya ang emergency voice call ni Ayumi agad siyang bumyahe at tinawagan si Shawn. Nakahinga siya nang maayos ng sinabi ng kanyang kambal na nasa maayos na kalagayan na ang kanyang best friend. Pagdating niya sa guess room nadatnan niya ang kanyang Ina na binabantayan si Ayumi. "Kamusta siya Mommy? Okay lang ba siya? May nangyari bang-" "She's fine. She looks fragile anak, naaalala ko ang sarili ko sa kanya nuon. Wala rin akong magulang at kung hindi dahil sa kay Lolo Greg malamang Wala ako sa kinatatayuan ko ngayon," saad ni Sheen bago tumayo. "Alagaan mo siya." Pagka-alis ni Sheen umupo si Yves sa tabi ni Ayumi at hinawakan ang kamay nito. "Sorry wala ako par

