Ayumi's pov "Good morning po," bati ko sa mga tao sa kusina. Maaga akong nagising para sana ipagluto ang pamilya Clemente sa pagtulong sa akin. Nadatnan ko ang ilang kasambahay na maaga nag-aayos na ng iluluto. "Maaga kang nagising, Iha. Gutom ka na ba?" Tanong ni Manang. "Wala pa si Chef kaya wala pang makakain. 'Wag kang mag-alala dahil maya-maya ay nandito na siya." "Gusto ko po sanang ako ang magluto Manang. Pwede po ba 'yun? Nakapagpaalam naman na po ako kay Tito Gavin," saad ko. "Aba okay lang, nakapagpaalam ka naman na kaya pwede mong gawin ang nais mo. Ano bang mga kailangan mo ng maihanda na namin?" Tanong ni Manang. "Ako na lang po, Manang." Nag-alangan pa si Manang kung hahayaan akong mag-isa pero napilit ko rin kaya inutusan niya na rin ang iba na iwanan ako. Napili kon

