Author's pov Ang huling mission ay magaganap sa iba't bansa. Tatlo ang magkakasama sa bawat grupo. Kasama ni Katana ngayon sina Venom at Reaper sa America, ang mission nila ay malaman kung sino ang mga traydor sa organization na nakabase sa lugar. Dahil nagkaruon ng advantage si Katana sa ika-apat na pagsubok siya ang naatasan na mamuno sa grupo nila at binigyan sila ng mas mahabang panahon para magawa ang mission. "Any plan?" Tanong ni Reaper. "Wala kaya matulog na kayo," baliwalang sabi ni Katana. Nakaface mask siya ngayon at nakahoodie kaya hindi kita ang mukha niya. "Wala? Are you serious? We are not playing here!" Inis na sabi ni Reaper. "Kakarating lang natin dito at hindi pa nating napupuntahan ang base tapos gusto mong magplano agad ako? Mag-oobserve tayo bukas sa base at wa

