Ayumi's pov "Saan tayo pupunta Master?" Sinundo niya ako sa room ng madaling araw, akala ko umpisa na ng pang-apat na pagsubok pero hindi pa pala dahil natutulog pa ang mga kasama ko sa kwarto. "May gustong makita ka." "Sino po?" "Ace and Gems." "Sino po sila?" Tanong ko. "Ang gems ay mga dating assassins ng organization habang ang Ace ay mga kasama ko na hanggang ngayon ay naglilingkod pa rin sa Black Mamba," sabi nito at hinarap ako. "Kahit anong mangyari 'wag mong tatanggalin ang mask mo. Iwasan mo ring sumagot ng mahaba. Be mysterious, Katana." Naglakad pa kami sa mahabang pasilyo, nagtaka pa ako dahil pader na ang nasa harap namin pero may hinawakan lang ito at bumukas ang pader. Wow, secret place. "Master kailan po ang susunod na pagsubok?" "Wala pang sinasabi kung kailan

