Ayumi's pov "Nasaan si Katana?" Tanong ni Ken. Nandito ako ngayon sa condo at pinapanuod sa phone ko ang meeting ni Master Blue, ng mga assassins na kasamahan ko at ni My loves. Sinabihan ako ni Master Blue na 'wag ng pumunta at manuod na lang sa pag-uusapan kaya naglagay ito ng cctv sa kwarto kung nasaan sila ngayon. Kita ko sa mukha ni My Loves ang pagkabagot kaya hindi ko mapigilang mapangiti, kahit anong pagpapa-cute ni Ivory sa kanya wala itong epekto. Aba dapat lang na magsungit siya sa mga babae, unfair naman sa akin pag hindi. "May pinagawa ako sa kanya," saad ni Master Blue. "I don't have time to listen all day. What's the plan tonight?" Bagot na bagot na ang my loves ko. Buti na lang wala ako duon dahil paniguradong matutulala na naman ako habang nakatingin sa kanya. Ang g

