Author's pov Nagkagulo sa mansyon dahil sa paghahanap ng kambal kay Ayumi na nawala habang nagkakagulo ang lahat. Dumating na rin ang mag-asawang Clemente na nagmadaling umuwi ng mabalitaan ang nangyari. "Kailangan kong makita si Ayumi. Tatawag ako ng pulis-" "Hindi pwede," sabay na sabi ni Ivan at Shawn. "Ano ba?! Nawawala si Ayumi at hindi ko alam kung nasaan siya tapos ayaw niyong tumawag ng pulis. Pinaulanan na tayo ng bala at bomba pero tahimik pa rin kayo!" Galit na sabi ni Yves habang nakatingin sa mga tao sa kanilang bahay. "Calm down," inis na sabi ni Erza sa kapatid. "How can I calm down, Ate? Hindi ko alam kung nasaan ang bestfriend ko na nawala habang pinaulanan ng baril at bomba ang bahay tapos lahat kayo kalamado, ayaw niyong tumawag ng pulis." Kakapasok lang ni Blue s

