Ayumi's pov Pagdating namin sa Manila agad akong pumunta sa condo ko para maghanda para mamayang gabi. Hindi pala sumama si Ayesha sa amin at sinabing tsaka na siya luluwas pag wala na si Yves, ang bilis ngang napapayag eh mukhang takot rin kay Shawn. Sabagay tinakot ba naman nitong kukunin ang mga pamangkin pag hindi pumayag na lumuwas, kaya walang choice si Ayesha. Mas okay na rin 'yun kasi nangako si Shawn na sasagutin financially ang lahat ng pangangailangan ng ma-ina pati na rin si Ayesha. Ang bait ng future boyfriend ko, swerte ng magiging anak namin sa kanya. Tapos ako magiging housewife, aalagaan sila. Haitz. iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Shawn Yvan Clemente-gwapo, matalino, hot, astig at mayaman. Nasa kanya na ang lahat ako na lang ang kulang. Habang naghahanap ako ng

