Pinanlakihan ko ng mga mata si Kazimir kinabukasan dahil balak niya na naman akong lapitan kaso nakatingin sa akin ang dalawa kong kaibigan. Marahil ay nagtataka kung bakit close kami ni Kazimir. Ilang araw na kasi naming kasama si Kazimir kaya hindi nila ako matanong. May hiya rin kasi sila kahit papaano pero alam kong uulanin na naman ako ng mga tanong kapag kaming tatlo na lang ang magkasama. Nasa isang restaurant kami ngayon at nandito rin ang mga kaibigan ni Kazimir. Seryoso rin sila at mukhang masungit kagaya ng kasama ko ngayon. Pero minsan talaga, ang galing niyang kumalabit. Usap na naman daw. Eh, ilang beses na ba kaming nag-usap nitong mga nakaraang araw?! Nakakainis talaga itong lalaking ito. Wala na siyang balak magpahinga. Mabuti sana kung parehas kami ng stamina?! Ang b

