We planned to spend our remaining days here at Atok, Benguet. Napili ni Kazimir na mag-camping kami sa Goat Cliff Rock Adventures and Camping. Ni hindi ko nga namalayan na sumunod sa amin ang mga bodyguard ko nang makarating kami sa Kibungan para makapag-isip-isip si Kazimir. Hindi ko alam kung inutusan sila ni Kazimir na magbitbit nang malaking tent at mga iba pang gamit na kakailanganin namin. Basta ang alam ko lang ay nirentahan niya ang camping site na ito nang ilang araw para lang daw masolo namin ito. Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang lamig. Matagal-tagal na magmula nang magpunta ako sa lugar na malamig kaya naninibago ako lalo na ngayon. Kulang na lang ay umulan ng snow rito dahil sa sobrang lamig. Inabot kami ng gabi nang matapos naming ayusin ang tent at ang mga biniling

