
Title: Sa aking pinakamasama
Genre: Supernatural/Fantasy
By: Margaux Reign
.
Ang kwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakatulad o pagkaka hawig sa ibang kwento ay nagkataon lamang. May kasunod din po itong typo at grammatical error kaya advance sorry po agad thank you.
.
Chapter 1
.
"Bunny sandali lang! Wag mo naman akong takbuhan o, pakakainin lang naman kita eh!"
.
Sigaw ko habang hinahabol ang isang kunehong nakita kong nanginginain ng damo sa gilid ng gubat malapit sa bahay ng aking tyahin.
.
Namataan ko ito habang abala ako sa pag hahanap ng mga panggatong para sana sa iluluto kong tinolang manok. Naubos na kasi ang kahoy na naimbak ng aking tyuhin kaya nag pasya na akong mag hanap ng mga tuyong kahoy sa aming likod bahay. Subalit habang namumulot ako ng kahoy ay napansin kong mas madaming naka kalat na tuyong sanga sa loob ng gubat kaya doon ko nalang napag pasyahang mag hanap. May kadiliman ang lugar subalit nahihiya naman akong utusan ang pinsan kong si kuya gun dahil abala din ito sa pagpapakain ng mga alaga niyang manok.
.
"Sandali lang naman ako...marahil, hindi naman siguro nila ako hahanapin."
.
Bulong ko saka tinutunton ang daan papasok sa madilim na kagubatan. Wala kang ibang ingay na maririnig sa loob kundi mga huni ng mga ibon at tunog na matinis ng mga kuliglig na nagkalat sa kapaligiran. Pakiramdam ko tuloy parang may nagmamasid sa akin at hindi ko mabatid kung saan.
.
Nakadama ako ng kilabot. Subalit mas lalo pang nagtaasan ang aking mga balahibo ng makarinig ako ng kakaibang kaluskos buhat sa mga tuyong dahon na nakakalat sa paligid. Sa patuloy kong pag lalakad, bumungad sa akin ang isang kunehong nanginginain sa gitna ng malawak na damuhan. Napawi nito ang takot na nadama ko dahil ito ang kauna-unahang beses na nakakita ako ng kuneho sa malapitan. Madalas napapanuod ko lang sila sa tv o nakikita sa mga libro kaya nakadama ako ng tuwa ng makaharap ko ito ng personal.
.
"Tinakot mo ako bunny, ikaw ba yung sumusunod sa'kin kanina?" Tanong ko sa mabalahibong hayop habang nilalapit sa kanya ang carrots na nakita ko sa bandang daan. May tao atang sadyang nag tanim ng mga carrots sa gubat dahil maayos itong nakahilera sa gilid ng daanan. Hindi naman siguro kabawasan kung kukuha ako ng isa hindi ba? Ipapakain ko lang naman ito sa kuneho at hindi ko naman iuuwi sa bahay. Subalit mukhang suplado ang kunehong nakita ko dahil hindi man lang niya binigyang pansin ang inaabot ko sa kanya.
Napasimangot ako. "Ayaw mo ba to? Hindi ba ito naman ang paborito niyo?"
.
Malambing kong bigkas habang winawagayway sa harap niya ang carrots subalit imbes na pansinin ako ay tinalikuran ako nito iniwasan.
"Napaka supladong kuneho naman nito!" Pag-aalburuto ko. Muli ay nag tangka akong lapitan siya para mas lalo niyang mapansin ang hawak ko kaya ng dahil doon ay kumaripas ito ng takbo palayo na parang nagulat sa pag lapit ko.
.
Muli akong napasimangot at may panghihinayang na napatingin sa carrots na hawak ko. "Sayang naman ito kung hindi makakain."
Imbes na bumalik sa bahay ay muli kong sinundan ang kunehong pumasok sa madilim at masukal na kagubatan.
.
Sa kakahabol ko, hindi ko na napansing napapalayo na pala ako. Sandali akong natigilan at lumingon sa pinanggalingan ko kanina lang. Nakaramdam ako ng labis na panlulumo habang iniikot ang paningin. Wala na kasi akong bakas na daanan na makita sa paligid. Ang daanan na tinakbuhan ko kanina ay nag mistulan ng isang masukal na damuhan at napapalibutan na lamang ng mga nagtataasang mga puno.
.
"Anong ng gagawin ko ngayon, naliligaw na ata ako." Bulalas ko habang palinga-linga sa paligid. Dala pa ng katahimikan sa lugar kaya nakadama na din ako ng paninindig at pananayo ng balahibo.
.
"Pano na yan? Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na to, ano ng gagawin ko ngayon?"
Nag-aalalang bulong ko habang sinisimulang maglakad lakad. Masukal ang gubat kaya sigurado akong maraming nagkalat na mababangis na hayop dito. Tanging ang patpat lang na hawak ko ngayon ang tanging panlaban ko sa kanila.
.
"Sana naman lord wala kang palabasin na kahit isa man lang sa kanila!" Umusal ako ng dasal habang hinahawi ang mga nag tataasang damo na humaharang sa daraanan ko.
.
"Sana hindi pa napapansin nila tiya at tiyo na nawawala ako, pag nagkataong mapansin nila baka magalit sila sakin at palayasin ako! Wag naman sana!" Kinakabahang bulong ko.
.
Sila nalang kasi ang tanging mayroon ako ngayon. Mag-isa nalang ako simula ng pumanaw ang aking ina. Iginupo siya ng malubhang karamdaman kaya tuluyan ng bumigay ang kanyang katawan. Meron pa naman akong ama at nakatatandang kapatid subalit hindi ko naman alam ang eksaktong kinaroroonan nila dahil simula ng pinanganak ako hindi ko naman nakita ang kanilang wangis. Bukod kila tiya Sally wala na akong kilalang kamag anak na mapupuntahan. Kaya bago pa mahuli ang lahat kaylangan ko talagang makalabas sa gubat na to.
.
Sa gitna ng aking pagmumuni- muni ay nakakita ako ng mataas at matayog na punong nakatayo sa aking harapan. "Tama!"

