"S-Sir Ito..."
Napalunok si Vivi sa posisyon nila ni Ito. Nakapatong kasi yung kamay nito doon sa bandang kanan nang ulunan niya.
Parang nakikita lang niya ito sa mga romance manga na nababasa. Yung tipong magkakaroon ng sparkles tapos may lilipad na petals of roses out of nowhere.
"Pwede ba. Wag mo kong tawagin nang ganyan!" Inis na sambit nito sa kanya.
Napalunok siya uli. Ang lapit na kasi nang mabalbong mama. Ilang inches lang sa mukha niya. Naamoy na niya yung hininga.
Pero infairness ambango din. Amoy malinis. Parang lumaklak ng Listerine.
Tapos nakakatitig pa sa kanya.
Hindi niya akalain na maganda pala yung mga mata. Itim na itim yung kulay. Makapal tapos naka-curl yung pilik. Parang may bonggang mascara at extensions. Tapos yung kilay, ang kapal din na halos magkasalubong. Kaya siguro mukha laging matapang.
"And don't act like that you don't know me!"
Nahimasmasan nang biglang magsalita ito.
English. With accent.
Sa Hawaii nga pala ito naka-base base information na nakuha niya sa pang-i-stalk nila ni Byron sa mga social media accounts nito. Hindi na yon kagulat-gulat.
"Pero, Sir.."
"Ano ba?!"
"Galet na galet? Gustong manaket?" Marahan niya itong itinulak para makaalis doon. Medyo nakakangawit ding tumingala nang matagal. "Teka lang po, Sir."
"Wag mo akong tawaging Sir."
"Daddy nalang?"
"Vivi!"
Umirap siya dito. "Tanggalin mo muna kasi yang suot mo. Basa-basang ka. Di ka ba nilalamig?"
”Ha?"
"Halaman." Sagot naman niya. "Kaya tayo pumunta dito para palitan yang T-shirt mo. Unless may binabalak kang iba."
Napahilamos lang ito ng mukha at tumalikod sa kanya.
Parang may balak nga, ha.
Tinalikuran niya rin ito. Pumunta sa cabinet kung saan andoon ang mga pang give-aways nila. Nasa pinakataas na shelf ang kailangan niyang makuha. Sa mga boxes doon. Kailangan pa niyang gumamit ng stool para maabot.
"Ano bang ginagawa mo kasi? Bakit parang di mo ako kilala kanina?" Dinig niyang tanong ni Ito. May maktol pa ang tono. Parang bata.
Affected talaga? Why?
"Basta later ko nalang i-kwento ng precise. For now, kunwari, ngayon lang tayo nagkakilala. Sumakay ka muna, please. Reputasyon ko nakasalalay dito." Sagot niya habang hinahanap ang tshirt na kakasya kay Ito doon sa mga kahon.
Extra-large ang nakuha niya. Pwede na siguro yung size, ang laki ba naman ng katawan.
"Di ko kasi naikwento kay Tita yung nangyari satin. 'Lam mo na, yung naglasing ako ng bongga tapos nakitulog ako sa bahay ng di ko kilala. Tapos sa lalaki pa. Alam niya kasi pa-virgin ako saka dalagang pilipina." Tuloy niya.
Ang hirap din nang ganoon sitwasyon. Sa harap lang ng mga friends niya siya nagiging totoo sa sarili niya.
"Ah...Ok." Sagot naman ni Ito.
"So gets mo na, ha? Wag kang mag-i-kwento ng kahit na ano. Mag-behave ka. Wag mo akong ibubuk--" Nanlaki nalang ang mga mata niya paglingon. Nagtanggal na pala ng damit ang loko habang nakatalikod siya.
Di siya nainform. Nakalabas na naman yung dibdib. Saka abs. Tapos yung kitang-kita na naman niya yung line ng buhok doon pababa. Mamasa-masa din.
Juskoday. Kaya niya ito napapanaginipan ng mahahalay, eh.
Napahakbang siya sa stool nang hindi tinitingnan yung apakan. Nagkamali siya nang tantsya at nadulas. Napatili siya sa pagkakabigla.
Napakapit sa malalaking karton sa itaas pero nahila lang iyon at kasama niyang nahulog. Tumama ang likod niya sa sahig pero hindi na niya naramdaman pa ang pagbagsak ng mga mabibigat na kahon sa kanya. May katawan nang humarang.
"Oh my god.."
Nakita nalang niyang nasa ibabaw na niya si Ito. Halos nakadagan na. Nakaunan din ang ulo niya sa isang kamay nito.
Sinalo siya. Sinalag pa nito yung mga nahulog para di siya matamaan.
"I-Ito..."
Shit! Si-nave niya ako!
Ang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil sa pagkakahulog o dahil sa posisyon na naman nila ngayon.
"Vivi?" Tanong nito. Kitang-kita niya ang pag-flex ng mga muscles nito. Mukhang nagpipigil para di siya tuluyang madaganan. "Ok ka lang?"
Napaawang nalang ang bibig niya. Di siya agad nakasagot.
"Kuya! Anong ginagawa mo!"
Agad niyang naitulak si Ito papalayo nang marinig yon. Natanaw na niya sa nakabukas nang pinto yung kapatid ni Ito, pati na rin ang Tita Angelu na papalapit na.
"Vivi what happened? Are you ok?" Tinulungan pa siya nitong tumayo.
"Kuya! Anong ginawa mo na naman! Nakahubad ka pa talaga!" Ani nung kapatid ni Ito. Hinampas pa ito ng malakas sa braso. Parang nanay lang na may nahuling kalokohan ang anak.
"Aray! Wala ha. Tanungin mo pa." Napangiwi lang lang ito saka napahawak sa balikat. Mukhang nasaktan, hala. Kawawa naman.
"May ginawa ba sayo tong kuya ko?" Baling naman ng kapatid ni Ito sa kanya.
"Viviana?" Nag-aalala namang tanong ng Tita niya.
Ay hala lagot! Akala siguro nila, nag-mi-miracle work na sila ni Ito. Nakapatong ba naman kasi tapos nakahubo pa.
"Oh my god! Wala pa po kaming ginagawa. I mean...siya. Wala pa...I mean...Wala po siyang ginawa." Putol-putol niyang sagot. Ang hirap mag explain lalo na at naabutan sila sa ganoong sitwasyon.
"Na-nahulog lang po ako sa hagdan nung kinuhuha ko itong tshirt....Ahm...buti nasalo po ako ni Sir Ito. Hindi po ako masyadong nasaktan."
"Carrie, sabi sayo, eh." Sabat naman ni Ito.
"Magbihis ka na nga, kuya! Akala ko makukulong ka naman, eh."
Ano daw?
Bumaling sa kanya yung kapatid ni Ito. Kinuha yung hawak parin niyang Tshirt. "Ako na dito, Vivi. Pasensya ka na kay Kuya, ha."
"Naku, wala po yon. Ako nga po dapat magpasalamat." Sambit niya.
Napakagat siya ng labi bago humarap kay Ito. This time, totoo na siyang nahihiya. Kung di siguro ginawa nito yon, naospital na siya.
"Uhm..T-Thank you po, Sir." Sambit niya.
Nakita niya na napalunok ito. Tumango lang at di na nagsalita.
"Oh, alright, then." Sabat naman ni Tita Angelu. Hindi nga lang niya mag-gets kung ba't ang laki ng ngiti habang papalit-palit ang tingin kay Ito at sa kanya.
"Let's go, Vivi." Hinila na siya nito sa pintuan papalabas.
"Dito ka muna. He didn't really..."
"No, Tita. Si-nave lang niya talaga ako. I promise." Sabi niya dito.
Ngumiti naman si Tita Angelu. "That's good to hear."
"Hi, Tita!"
Si Byron ang pumasok sa studio. May kasama din itong ilang assistant. Kasunod din nito si Pilar. "Vivi girl! You're here pala!"
Hindi niya alam na kasama pala sa appointment itong dalawa. Sabagay, biglaan din naman ang pagpunta niya dito.
"Where's the bride? Dala ko na now yung mga designs sa bridesmaids." Sabi nito Byron pagkabeso nito sa kanila. "Wait. Ba't namumula ka girl? Kumain ka ng sili?"
"May pa-Fafa na naman si Madame?" Ani naman Pilar.
Natawa naman si Tita Angelu sa inasal ng dalawa. Designer si Byron, tapos make-up artist naman si Pilar. Mukhang alam din ng dalawa yung pakana lagi ng Tita niya.
"Later na yan, prepare muna kayo, nasa dressing room lang yung bride." Sabi ng Tita niya at giniya doon ang mga kaibigan. Pano kaya kapag nalaman ng dalawa na si Ito yung prospect ng Tita niya. Maloloka panigurado.
Pero may tiwala naman siya sa dalawa. Hindi naman siya ng mga yon ilalaglag
Huminga siya nang malalim at naupo sa silya. Medyo nahimasmasan na siya.
Pero may gumugulo lang sa utak niya. Yung sinabi nung kapatid ni Ito.
Makukulong? Na naman?
"Bakit?"