Huminga nang malalim si Vivi habang naglalakad. Alam niyang kasunod niya si Ito.
Panigurado, tong mamang balbas-sarado yung irereto sa kanya ng Tita niya. Sa dinami-dami talaga lalaki sa mundo.
I'm so malas.
Malaking problema yon para sa . Ang alam ni Tita Angelu isa siyang babaeng marangal, mahinhin, di makabasag-pinggan. Maria Clara ang peg. Kaso nga at ang impresyon sa kanya ni Ito, Maria Ozawa.
Paano kung chumika-chika ang kapreng yon? Paano kung ikwento nito kay Tita Angelu kung paano sila nagkakilala. Kung paano siya namigay ng dede pics dito.
Baka itakwil siya ng Tita niya kapag nalaman ang lahat pinaggagawa. Siya pa man din ang lagi nitong pinagmamalaki na pinakamatino DAW sa kanilang magkakapatid. Ang pag-asa ng pamilya na maglalayag ng bandera nila. Mawiwindang sa kanya ng bongga, panigurado
Napakagat siya ng labi. 'No, be proffesional, Vivi.' Paalala niya sa sarili.
Saka niya muna iisipin. Bahala na. Kailangan muna niyang harapin ang trabaho. Gogora na siguro naman si Ito after the meet and greet.
"Vivi!"
Si Lisa yon. Assistant din ng Tita niya. Mas bata sa kanya at dalawang taon nang nagtratrabaho doon.
Malapad ang ngiti ng gaga. Tapos nang natuon naman ang atensyon sa lalaking kasunod niya, lalong ngumisi.
Kasabwat, ampucha.
"Hi, Sir Ito. Si Miss Carrie po nasa loob na. Pasok na po kayo."
"Ah. Ok, thanks." Tipid na sambit lang ni Ito. Tapos dumiretso na ito doon sa isa pang pinto papasok doon pinaka studio.
Huminga siya nang malalim at bumalik ang tingin niya kay Lisa. Parang sinilihan ang pepe ang loka.
"Vi! Gwapo tong bago, diba? Lakas ng dating no? Galing naming pumili ni Madame Angelu."
"Sorry. Di ko type." Nguso niya. Sabi na, eh.
"Choosy mo talaga, nakakailan na kami, ha." Ismid naman nito. "Kaya wala ka pading boyfriend."
"Ikaw wala ka paring boobs." Sambit niya bago niya ito talikuran.
"Grabe, nakaka-offend ka ha."
Dadagdag pa kasi. Ka-chummy niya si Lisa minsan, aso pasmado bunganga. Nakakairita. Ang sarap sapakin.
"Hi, Good Morning." Bati niya pagpasok ng studio.
Nakita niya agad ang tiyahin. As usual, pretty parin kahit medyo pormal ang suot ngayon. Naka coif pa ang itim a buhok na walang anino ng white hair. Wala ding wrinkles sa mukha.
Hindi talaga halata ang edad. Mukha lang silang magkapatid.
"Oh, Vivi. Finally, you're here." Sabi sa kanya ni Tita Angelu sabay beso. "You look so good today."
Ngumiti siya. Alam na niya yun.
Prim and proper siya ngayon. Walang bahid ng kahalayan.
"By the way. This is the bride, Carmelita." Tuloy na pakilala ni Tita Angelu. "And her brother, Carlito."
Kaharap na niya si Ito ngayon. May kasamang babae sa tabi. Yun na yata yung sinasabi nitong kapatid.
Ngumiti siya. Infairness, ang ganda. Ang kinis, walang pores ang mukha. Maamo, mukhang Mama Mary. Ang layo ng mukha kay Ito na mukhang mafia boss na papatay ng tao.
"Hi, I'm Vivi. Nice to meet you, Miss." Malumanay at tipid na sambit niya habang nakikipagkamay.
"Sir."
Nakita pa niya ang kusot ng ilong ni Ito dahil sa ginawa niya. Naninibago siguro. Nginitian lang niya ito, kunwari di niya kilala.
"Vivi made the invitation I showed you last time, the one that was sent to Dubai. Dala niya ngayon yung ibang samples." Sambit ni Tita Angelu.
"Oh, good! So pwede na naming makita?" Exicted naman sabi noong bride.
Tumango siya nang marahan. "Sure, Ms. Carmelita."
"Car, nalang please." Sabi nito sabay ngiti.
"Am...sure..sure, Miss Car."
"Aw, Vivi here is so mahiyain. She's still single, actually."
Napakagat siya ng labi. Marahan niyang nilagay ang naligaw na buhok sa tenga. Jusko, kung alam lang talaga ng Tita niya.
"Oh. Ok then." Nakita niyang yumakap yung bride sa braso ni Ito. Tapos ngumiti sa kanya. "Kuya, samahan mo muna ako, ha. Mukhang mag-e-enjoy ka rin naman dito."
Lalo siyang napakagat ng labi. Pambihira, pati yata yung bride, kasabwat na rin.
Napatingin naman sa kanya si Ito. Tapos kumunot ang noo. "Ah. Sige."
Ngumiti siya nang pilit.
Kaya mo yan, Vivi, sambit nalang niya sa sarili.
****
"Kuya Ito. Oi."
Napalingon siya kay Carrie na katabi niya sa couch. May kasamang siko yon. Medyo masakit.
"Ano?"
"Ba't di ka nagsasalita? Tinatanong kita kung ok na suit mo."
"Ako na bahala doon. Kukunin ko nalang sa pinatahian ko." Sagot naman niya. Umayos na siya ng upo sa kinauupuan. "Nasan na ba yung fiance mo?" Tanong niya sa kapatid.
Ang sabi andito na at kasama yung byenan na hilaw pero wala naman. Kaya nga siya sumama para back-up. Hindi pwedeng mag-isa si Carrie. Buong entourage, halos puro kamag-anak at kakilala ng side nang lalaki. Iilan lang silang kasali. Baka nga apihin, mga mayayaman pa naman. Di siya papayag doon.
"Male-late daw si Leo." Sagot sa kanya ni Carrie. "Si Tita--I mean, si Mama na nag-aayos ng wedding gown. May pa-party pa siya para i-announce yung engagement namin ni Leo."
Ngumisi siya at umiling. Wala naman siyang alam tungkol sa mga party at sosyalan na ganyan. Pero syempre excited din siya. Para sa kapatid niya yon.
"Mas hands-on pa sayo biyenan mo ha." Pabiro niyang sabi.
Huminga na naman nang malalim si Carrie. "Sinabi mo pa."
May napansin siya sa buntong-hininga na yon. Parang iba. Baka stress na sa preparasyon, naisip niya.
"Ok ka lang?" Tanong niya.
"Ok lang, Kuya." Sagot nito. "Nakakapagod lang. Saka kinakabahan din. Marami na namang tao doon sa party, di ko kilala."
Oo nga pala. Baka magkaroon na naman ng anxiety attack tulad noon. May phobia sa crowd ang kapatid niya. Kaya nga mas gusto nalang niyang andito siya para mabantayan.
"Yaan mo, kakausapin ko si Leo na wag ka nang pa-attend-in."
"Kuya...hindi pwede yon. Nai-annouce na nila. Mga kasosyo nila sa negosyo yung na-invite."
"Edi samahan nalang kita." Sambit niya. May tiwala naman siya kay Leo na di papabayaan ang kapatid sa mga sitwasyong ganoon pero mas makakasiguro siya kung andoon din siya.
Bumalik ang mga mata niya sa doon sa kanina pa niya tinitingnan.
Si Vivi.
Nakaupo ito sa table na di kalauyan sa kanila. Kausap si Ms. Angelu at katapat ng laptop. Mukhang may pinapakita doon tungkol sa kasal. Parang pamaypay pa na puro kulay. Naaalala nga niya na nabangit nito noon na nag-oorganize nga ito ng events. Hindi naman niya akalaing magiging konektado ito sa kasal ni Carrie. Ang liit naman ng mundo talaga.
Pero ang nakakainis lang. Parang kung umasta kanina, hindi siya kilala.
Saka nakakapanibago din. Ang pino kasi gumalaw ngayon. Ang hinhin. Parang di makabasag pinggan. Iba doon ka-chat niyang baliw.
"Maganda naman kuya, diba?" Tanong ni Carrie. May hawak itong invitation na nakaprint sa parang transparent na salamin. Di niya alam kung anong tawag doon pero mukhang kakaiba. Kulay light blue katulad nung motiff nung kasal nito.
"Oo. Maganda." Tumango nalang siya. Wala naman siyang gaanong alam doon. Si Carrie ang creative sa kanilang dalawa.
Kumuha siya ng ice tea na nakahanda sa lamesita at nilagok. Kay Vivi parin siya nakatingin. Hindi naman siya nahahalatang nakatitig, busy kasi doon sa kausap.
Maayos naman pala ang hitsura kapag pormal, napansin niya. Malayo doon sa maiksing suot at nakalabas ang lahat ng kaluluwa na nakatulog sa kotse niya.
Pero kahit na, mukhang nasobrahan naman sa pagkamahinhin ngayon. hatalagang nagpapanggap lang. Palaging iniipit yung mahabang buhok sa tenga. Ipit na ipit yung binti na parang ayaw masilipan doon sa damit.
Pabebe, putcha.
Lalo tuloy nagusot ang mukha niya.
"Single daw kuya. Pormahan mo na, di ba ganyan yung mga trip mo? Loli na mahinhin."
Napabuga siya ng iniinom kasunod noon ang sunod-sunod na pag-ubo. Natapon din yung iced tea. Nabasa yung lamesa pati t-shirt na suot.
Akala niya si Rosaria lang yung mambubuska sa kanya, pati din pala si Carrie.
"Grabe ka kuya, nakakahiya!" Sambit ng kapatid habang nilalayo yung mga invitations na nakapatong sa lamesa.
"Pinagsasabi mo kasi?!" Singal niya dito habang pilit na pinupunasan ng tissue yung ang suot. Kung wala sila sa labas baka nabatukan na niya ito.
"Sir..."
Napaangat siya nang tingin at nakita ni Vivi. May dala nang towel na puti na inaabot sa kanya Napakunot siya lalo ng noo.
Sir?
"Ok ka lang po, Sir?" Tanong pa uli nito. Hindi na siya nakapagsalita. Di din siya makagalaw. Nakatingin lang siya dito.
Tanginang babae to. From Daddy to Sir. Di niya malaman kung anong mas nakakabaliw pakinggan.
"Oh, what happened?" Lumapit na rin si Ms. Angelu sa kanila.
"Ah, wala po nabilaukan lang po ako." Sambit niya nang mahimasmasan.
Nakakahiya. Nagkalat pa siya. Basang-basa ang tshirt na suot. Buti kaunti lang sa pantalon.
"Sir yung--"
"Thank you." Kinuha nalang niya ang towel kay Vivi at pinunasan ang sarili.
"It's alright. Gusto mo nang pamalit." Ngumiti si Ms. Angelu sa kanila. "Vivi, may extra plain shirts doon sa fitting room. Samahan mo muna siya para makapagpalit."
"Huh?" Napatingin siya kay Carrie. Sinesenyasan siya nitong tumayo na.
"Go ka na, kuya."
Wala siyang magawa kundi tumayo. Nakakahiya din kung aabutan siyang ganito ang hitsura ng pamilya ni Leo.
"Sir, dito po." Sambit ni Vivi.
Napangiwi siya. Ayan na naman. Sir na naman.
Sinundan niya ito papapunta papasok doon sa isang kwarto. Mukhang walk-in closet yon. Puro mga puting damit na nakaplastic ang laman. Mga wedding gown yata.
Napangiwi siya nang kusang sumara ang pinto sa likod niya. Silang dalawa lang ni Vivi ang andoon sa loob.
"Ah, Sir." Sambit nito nang humarap sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit may kakaiba talaga doon sa pagtawag nito sa kanya ng "Sir" lalo na yung "Daddy". Parang hindi siya makahinga.
Ano bang nangyayari?
"Sir...umm. Ano pong size niyo? Small? medium? Large?" Tanong nito. Napakagat pa ng pang-ibabang labi.
"Extra large?"
Tangina ha.
Mabilis niyang hinila si Vivi at pinasandal sa isa sa mga cabinet doon.
"Um...Sir Ito..wag po.."