Ramdam niya ang pagtama nang malamig na alon ng sa mga pinti. Ramdam din niya ang buhanging bumabalot sa mga paa.
Ngayon lang ata siya uli nakapunta sa beach sa loob na matagal na panahon. Nami-miss niya talaga ito.
Nakarinig siya nagpag-splash sa di kalayuan. Napunta doon ang atensyon niya. May tao atang nagswi-swimming.
Napalunok siya nang unti-unti itong umahon. Pamilyar sa kanya ang katawan.
Si Ito.
Napalunok siya uli.
Marahan nitong hinawi ang basang buhok papalayo sa mukha gamit ang nga daliri. Dahan-dahan ding bumababa ang tubig dagat sa katawan nito.
Sa mabalahibong katawan nito.
Sinundan pa niya ang bawat patak nang tingin. Doon sa matambok na dibdib. Sa mga pandesal sa tyan. Pati doon sa guhit ng buhok nito sa may pusod pababa doon sa nakatago na sa loob ng trunks nitong suot.
"Maam..andito na tayo."
Agad siyang nagmulat ng mga mata. Putangina. Nakatulog na naman siya.
Napasuklay siya ng buhok at napahilamos ng mukha. Sa dami ba namang mapapaniginipan, si Ito pa. Langya kasi, nagpadala na naman ng picture nga abs kahapon, di tuloy siya nakatulog kagabi. Di na nga rin siya nakapag-reply sa taranta. Malay ba niyang sasakyan nun yung trip niya.
Letseng kapre yon.
"Maam, dito na po drop off niyo." Sambit uli ng grab driver. "Kanina pa po tayo dito sa tapat."
"Pa...Pasensya na, Kuya.."
Agad niyang kinuha ang bag at binigay ang bayad. Dinagdagan pa niya iyon dahil sa abala.
Pumikit lang siya sandali kanina pero napalalim na ang tulog. Ang haba naman kasi ng byahe sa Ortigas extension sa traffic, nakakaantok talaga.
Saka siguro namimiss na niyang magbakasyon. Laging nag-aaya sina Pilar na mag Palawan kaso di matuloy dahil mga trabaho niya. Yung last na naligo siya sa beach ay yung buhay pa ang Mama niya. Nagpromise pa yon na dadalhin sila ng Cebu tapos ipapakilala sa mga lola pero never na natuloy. Napabuntong-hininga nalang siya.
"Salamat po, Kuya."
Inayos niya ang sarili at kinuha ang nga gamit. Sinigurado niyang wala siyang naiwan. Agad siyang bumaba ng sasakyan at pumasok ng building.
Sa penthouse noon ang opisina ng Tita Angelu niya. Pinsan ng daddy niya tapos ninang na niya rin.
Party planner ito ng mga sikat at mga high society. Naging PA siya nito noon noong kasagsagan ng kahirapan nila sa buhay. Ito na rin niya ang tumulong sa kanila sa lahat ng problemang naiwan ng ama. Sobrang laki ng utang na loob niya dito kaya di niya mahindian sa ngayon kahit biglaan yung pagpapatawag sa kanya.
Napatingin siya sa oras sa relo at nakita niyang 10:05 na. Late na siya ng five minutes. Kahit anong aga niya talagang umalis, kapag tinamaan ng traffic male-late at male-late talaga. Nakakahiya tuloy.
Tumawag muna siya kay Tita Angelu bago umakyat sa office. Timplahin niya muna ang mood para alam niya kung paano ia-approach yung client. Pinadala kasi nito ang portfolio niya para makapili ng designs yung ikakasal. Siya na daw ang magpre-present ng mga invitation saka ilang designs.
Weird lang. Personal talaga, pwede naman niya yong ipadala sa email tulad nang laging ginagawa.
"Hi Tita. Sorry, na-late ako."
"Oh, it's ok, Vivi dear. We are just starting." Dinig niyang sagot ni Tita Angelu. Ang lumanay ng boses, talaga. Di makabasag pinggan. "Nag-worry lang ako kasi kanina ka pa daw seven umalis sabi ni Ela. Where are you?"
"I'm here na po. Paakyat na." Narating na niya sa tapat ng elevator.
"Alright, I'll be waiting." Sambit nito tapos biglang tumawa nang slight. Kinabahan siya. Mukhang may kakaiba doon.
"I want you to meet someone too. Paparating na rin siya. You two will click, I promise." Tapos noon ay in-end yung tawag.
Napanguso siya. Kaya naman pala siya pinapunta.
Minsan talaga, bugaw din tong Tita niya. Kung kani-kanino na siya nirereto.
Dati doon sa single na bestman ng groom. O sa pinsan ng bride na ka-edad niya. Malala pa nga minsan, doon sa tito ng debutant, keri pa daw kasi yung may mga edad na, at least established na sa buhay.
Mukhang wala na siyang magagawa. Light make up lang nilagay niya sa mukha kanina, hindi pa naman siguro hulas. Sinuklay nalang niya ng mga daliri ang buhok.
Sana gwapo.
Well..lagi namang gwapo. Magaling pumili si Tita Angelu.
Saka matatangkad. Kaya siguro walang kinahihinatnan lagi yung mga tinutulak nito sa kanya dahil di sila compatible sa height. Isa pa, palagi siyang busy. Marami siyang ganap sa buhay. Yung mga lalaking yon, yung trip, yung sa kanila lang iikot yung mundo ng babae. Hindi siya ganoon.
Pumasok na siya sa elevator nang bumukas ang pinto. Pero bago pa sumara yon, may biglang humabol at pumasok din.
Napaatras siya.
Porma palang ng katawan, kilala na niya.
Ay. Tangina. Si Ito.
Hindi naman siya nito napansin, siguro dahil na rin sa liit. Nakatalikod din ito.
Jusko naman kasi. Napanaginapan niya lang ito kanina nang mahalay tapos heto na. Ano ba naman kasi ang ginagagawa nitong mamang ito dito?
Pumindot na ito ng floor. Pareho sila ng pupuntahan. Sobrang liit talaga siguro ng mundo.
Napaangat siya nang tingin.
Talagang matangkad si Ito. Naka four inches heels na siya ngayon pero hanggang dibdib lang siya. May lahi talagang kapre.
Pero ang ganda ng hubog ng pwet ng mamang mabalbon. Bilog na bilog. Halata din yung masels nito doon sa pants. Maski na doon sa gray tshirt an suot.
Kaso ayon nga, mabalbon. Pati pala braso nito mabuhok din. Wow.
Dati naman di niya gusto yung ganoon sa lalaki. Nadudumihan siya. Pero bakit kay Ito, mukha paring mabango.
Actually mabango nga. Ang sarap amuyin ng cologne.
"Vivi?"
Tumingala siya at nakita niyang nakatingin ito sa kanya.
Patay. Huli. Wala na siyang kawala.
"Eh hello. Nandyan ka pala." Sabi niya sabay ngiti nang pilit. Buti nalang hindi siya naabutan kanina nang sinisipat ang pwet nito. Mas nakakahiya yon.
Ngumiti ito sa kanya tapos biglang umiwas nang tingin. Nakita niyang napataas pa ito ng kilay pagtapos tumikhim Medyo low cut kasi yung dress niyang suot, baka may nasilip na dahil sa tangkad nito.
Natawa siya. Kunwari pa, malamang pinagpantasyahan din nito yung picture ng dede niyang pinadala noon.
"Umm..top floor ka din, no?" Tanong nito. Parang lalong bumaba ang tunog ng boses dahil kulob ang lugar.
Parang kontrbida talaga ang datingan.
Nakakatakot.
Pero at the same time parang kiniliti noon yung kung ano sa loob ng dibdib niya. Yung tipo ng boses kasi yung bigla nalang maghahaltak sa pader at nanamnamim ang buong katawan.
Ah. Shet. Di magandang isipin yon ngayon. Silang dalawa lang ang nandoon.
"Ok ka lang? Ang pula mo ah." Puna nito.
"H-ha...Ah. Ok lang. Mainit kasi sa labas kanina." Palusot naman niya kahit medyo nautal. Pinaypayan pa niya ang sarili.
Medyo pinagpawisan siya ng slight.
"Di ka na nag-reply ha." Sambit uli nito. Tumabi ito sa kanya. Bahagya pa tong dumikit bago bumulong.
"Nabusog ka ba sa mga pinadala ko?"
Napakagat siya ng labi. Ang landi din ng lalaking to, naisip niya.
"Busy lang ako trabaho, grabe siya, oh." Sagot niya sabay hampas sa braso na parang close sila.
Kala pa naman niya nung una, ang stiff at seryoso. May saltik din pala. Iba talaga kapag nakawala na sa jowa.
Pero syempre di siya pwede magpatalo. Humalukipkip siya at kusang inipit ang dibdib.
"But I'm still hungry, Daddy." Sambit niya sabay kagat ng labi. "I want to see more."
Biglang umiwas nang tingin si Ito sa kanya. Nakita niyang namula ang buong leeg at tenga. Natawa naman siya doon.
Yan. Naging stiff na naman. Baka may iba ding nag-stiff. Kaso parang di bakat. Waley. Baka juts nga talaga.
Seyeng nemen.
Bumukas ang elevator at bumaba na siya. Kasunod niya doon si Ito na mabagal ang lakad. Mukhang pinapauna siya.
"So, " aniya. "Ano bang sadya mo dito?" Mukhang pareho nga sila ng pupuntahan.
"Ah Kasi...Yung kapatid ko, ikakasal. May meeting sa coordinator. Pinasama lang ako."
Oh. s**t.