Who's Your Daddy

1727 Words
Tangina. Mahinang napamura si Ito habang pinapanood na bumaba ng hagdan ang kapatid. Maayos naman ang lagay nito. Mukhang kakabangon nga lang sa kama. Pero isa lang ang ibig sabihin noon. Kusa itong sumama kay Dimaguiba. Ang buong akala naman niya, nakidnap na talaga. Nag-alala siya ng sobra. Sila. Yung buong angkan nila. Nagdala pa siya ng baril dahil akala naman niya nasa panganib na. Tapos nagpatawag pa siya ng mga tauhan ng mga Uncle nilang Heneral para tumulong sa paghahanap. Ang laking gulo. Nakakabuwisit. "Buddy, I trusted you. Sinabi kong wag mong sabihing nandito ako." Maktol pa ni Carrie. "Hindi ah. Wala akong ginawa. Pumunta lang sila dito." Sagot naman ni Dimaguiba. Putcha talaga. Wala talaga siyang tiwala sa pagmumukha ng asungot na yon. Abang na abang na parang bwitre. Kumuha lang nang pagkakataon para maagaw yung kapatid niya. Ang tagal nang panahon na. Di pa din maka move on. "Carmelita." Tawag niya sa kaptid. "Why are you here, Kuya?" Tanong nsmsn ni Carrie sa kanya. Tapos lumingon ito doon kay Leo. "What happened to your face?" "Babe..." Tawag naman nitong isa. Napangiwi siya. Lampa kasi kaya nagka-ganyan. Pero kung siya papapiliin, mas gusto niyang si Leo nalang kaysa doon kay Dimaguiba. "Thank God, you're safe. Umuwi na tayo." "Pero..Hindi ka dapat nandito. Umalis ka na." Umatras si Carrie. Kitang-kita niya naman ang panlulumo nitong isa. "But--" "Let's call the wedding off, Leo." Putangina! "Carmelita, ano bang ginagawa mo?!" Sigaw na niya. Oo nga't kapatid niya ito, pero hindi niya kayang kunsintihin ang pinaggagawa ngayon. Bukod sa nakakahiya, hindi gawain ng matinong babae o matinong tao yon. "Kung aatras ka sa kasal, hindi sa ganitong paraan! Hindi yung sasama ka kung kani-kaninong lalaki!" "Kuya..." "Iuuwi kita." Lumapit siya at hinila ang braso nito. Medyo napalakas yon, hindi niya sinasadya. "Esguerra, sandali--" "Tumigil ka, Dimaguiba!" sigaw niya. Mabuti at may pagtitimpi pa siya. "Tinuluyan na dapat kita noon. Kung sakaling si Rosaria ang nandito, may nakabaon nang mga bala sayo." "Kuya! Ano ba?! Walang kinalaman si Buddy dito." Tangina, pinagtanggol pa. "Uuwi na tayo." "Ito. Don't hurt her!" Si Leo naman. Hinila nito si Carrie sa kanya at niyakap na. Bwisit. "Tangina ka, wag kang makialam ditong lampa ka. Carrie, halika--" "Ano ba!? Sandali!" Biglang may malakas na humila sa braso niya. Napalayo siya at kasunod na naramdaman ang mahapding sampal sa mukha. "Umayos ka nga!" "Vi...Vivi?" Masakit yung mukha niya. Sobra. Parang may apoy ang kamay nito at nag-iwan ng sugat na mahapdi. Hindi niya akalaing sa kabila ng size, ganoon ito kalakas. Naramdaman niyang tumalon ang puso niya. Ngayon lang ata siya natakot sa isang babae nang ganoon. D*mn. "Vivi teka. Teka," sambit niya nang humakbang na ito papalapit. "W-wag." "Daddy, tigil na. Sasampalin uli kita." Nadinig niyang may nabasag sa di kalayuan. Si Dimaguiba pala, nahulog yung baso habang nakanganga sa kanila. "D-Daddy?" "Daddy, daw?" "Sinong Daddy?" "Daddy ni Vivi?" Parang choir pa na sabay-sabay nagsalita ang lahat. Pero hindi na niya yon napansin dahil nakatuon na ang atensyon niya kay Vivi. Nakapamewang pa ito at masama ang tingin sa kanya. "Nakalimutan mo na bang nagkagulo na kanina? As if maiisip pa niya kung sino sasamahan niya. Nakakadagdag ka ng stress, ah! Di mo man lang inisip yung mental stress na nararamdaman ng kapatid mo ngayon tapos hihila-hilahin mo pa ng ganoon?! Anong klaseng kapatid ka?!" Mas masakit yung sinabi nito sa sampal. Hindi talaga niya akalaing ganoon si Vivi. Napatingin siya kay Carrie. Doon niya napansing namumugto ang mga mata nito. Nakayakap naman Leo habang inaalo. Masyado nga siyang padalos-dalos. Hindi na niya naisip yung nararamdaman ng kapatid niya. "Itatago mo na yang baril o makakatikim ka uli." Madiing pang utos ni Vivi. "Oo..oo na." Dali naman siyang sumunod naman at sinukbit ang baril sa likod. Hindi na nga niya napansing hawak parin niya yun. "Ikaw naman kasi, Miss Carrie. Bakit bigla kang nag-disappear? Di ba sabi ko mag-usap muna kayo ng fiance mo" "I--I..." "Babe, if this was about the video. Nabura na yon. Nakakulong na yung gumawa noon." Dinig niyang sambit ni Leo. "Umuwi na tayo." "It's not about that." Sagot naman ni Carrie. Kumalas ito ng yakap. "Everyone is talking s**t about you. Na gold digger yung mamapangasawa mo. Na hindi ako ka-level mo. I'm nothing." "Wag niyo na ngang ituloy kung--" Tumingin naman sa kanya si Vivi nang matalim bago niya natapos ang sasabihin. Hindi tuloy siya makasabat kahit gusto niya. "Sige, tuloy lang." Hindi niya alam kung bakit ganoon mag-isip si Carrie. Ang kapatid niya ang kasama ni Leo noon nang bumagsak ang negosyo ng pamilya ng Punongbayan. Ang kapatid niya din mismo ang tumutulong dito para mag-umpisa uli. Mabuti nga at nakabangon pa. Yung side pa ng lampa ang may ganang magyabang ngayon. "Hindi yan totoo. Alam mong hindi. Wala ako ngayon kung wala ka." Sambit ni Leo. Lumuhod pa sa harap ng kapatid niya. "I'm sorry if I did let you feel that way. I want to make it up for everything. Please give me a chance. Will you still marry me?" F*ck. Biglang nangati ang kamay niyang bumunot ng baril. Nakapwesto na sa likod ang kamay niya kaso biglang tumingin uli si Vivi. "Wog mong subukan." Parang naramdaman niya uli yung sampal nito kanina. Saka na siguro. "L-Leo..." "Mahal na mahal kita. I promise that I will protect you. Hindi ko na hahayaang may manakit sayo uli." "Kuya.." Lumingon sa kanya ang kapatid niya. T*ngina. Ba't siya? Relasyon niya ba yun? "Bahala ka kung papatawarin mo yan." Sabi niya. "Pero kung mauulit ito, samin ka tumakbo wag kung kanik-anino." Lumingon siya kay Dimaguiba. Nanonood lang ito habang umiinom parin ng alak. Diretso na nga sa bote. Mukha namang walang balak tuumutol. "Leo.." Sabi naman ng kapatid niya nang humarap doon. Napahilamos siya ng mukha. Tangina nang mga to. Ang tagal! "Ano ba?! Stop! Cut! Cut!" Biglang sabat nung Pilar na kaibigan ni Vivi. Ang lakas pa ng boses, umaalingawngaw sa buong bahay. "Alam niyo mas bongga kung magpapakasal nalang talaga kayo today para wala na silang ma-say. As in boom, kasal na kami, wala na kayong pake, genern! Dami niyo kasing hanash! Kakalurkey!" Mukhang umay na tulad din niya. Maski yung ibang mga kasama, ganun din. Asiwa na ang mga mukha. "My ghossh, I feel like I'm watching a teleserye." "Sa tru." "Actually...pwede nga na ngayon. Tama si Pilar." Biglang sabat ni Vivi. "As in, ngayon na talaga." Napatingin siya dito. Tumango naman ito. "Hindi naman kailangan ng bonggang cermony. Importante lang naman yung signatures sa marriage certificate. Andyan na yung papers nila Byron, diba?" "Yiz. Dala ko. Nabitbit namin sa sobrang rush." "See." Sabi naman ni Vivi nang nakangiti. "P-Pwede ba talaga?" Tanong naman ni Carrie. "Kung gusto mo. I have our rings." Sagot ni Leo. Naalala niyang ito naman talaga ang gusto ni Carrie. Yung simpleng kasal lang. Wala nang ibang kasama saka walang nanonood. Pagkakataon na nga ito. "Hindi mo pa sinasagot, Carmelita." Sambit niya. Marahan namang tumango ang kapatid niya sa harap ni Leo. Napakagat pa ng labi bago sumagot. "Yes." "Guys! Nag yes na!" Sigaw ni Vivi. Parang batang tuwang-tuwa na na man. Umalis ito sa tabi niya lumapit sa mga kaibigan. "Byron dala mo yung dress niya for the engagement party, right? Pwede na yon. Joey, yung videos kaya mo diba? Kaya ba Pilar yung make up?" "Elopement ba ang peg Vivi gurl? Pero sino mag-officiate? Waley tayong kilalang judge o mayor dito." Sabi naman nung Byron. "Ako meron. Tatawagan ko." Sabat naman ni Dimaguiba. Napakunot siya ng noo. Seryoso ba to? "Ano, Esguerra? Ba't ganyan ka makatingin?" Lumingon ito sa dalawa at ngumiti. "Ang mahalaga sakin masaya si Carrie." "Gago ka parin." Bulong niya. Hindi lang siya makapaniwalang magpaparaya ito nang ganoon ang gugong na to. Ilang taon din nitong inaabangan ang kapatid niya. "So yey. Wala palang problema!" Sambit ni Vivi. Lumapit na siya at niyakap si Carrie. Nang mahigpit. Nangako siya noong namatay ang mga magulang na ipagtatanggol ang kapatid kaya ganoon nalang ang reaksyon niya nang nalamang hindi maganda ang trato nil Leo dito. Ngayon lang niya na realize na napasobra pala siya. "Sorry kanina, bunso." "Kuya, ok lang. I'm so sorry din. Pinag-alala kita." Kumalas na siya at marahang hinalikan ang noo nito. "Wag ka nang mag-alala. Magsumbong ka lang, kaming bahala nila Tsong sa mga umaaway sayo. Madali lang palutangin mga yon." "Kuya naman." Ngumiti lang siya at tinapik naman si Leo sa balikat. "Ingatan mo yan. Madadagdagan yang uka mo sa mukha kapag sinaktan mo ang kapatid ko." "I will. Salamat, Kuya." Putangina...kuya? Naningkit naman ang mga mata niya. Kundi sumulpot si Vivi sa tabi baka nasapak niya uli si Leo. "Ay..Miss Carrie, Sir Leo. Seven in the morning daw available ang judge mamaya sabi ni Sir Buds." Sabi pa nito. "Don't worry about the venue. Sa courtroom lang kasi sila pwedeng magkasal since--" Tinalikuran nalang niya ang mga ito at hinayaang mag-usap. Lumabas muna siya nang bahay. Nadidinig niya na rin na nagkakagulo na yung iba sa pagpla-plano kung paano ira-raos yung kasal na yon. Ang bilis ng pangyayari. Di siya makapaniwala. "Kuya daw...tangina...nadagdagan yung kapatid ko, ah." Mahinang bulong niya. Napaupo siya sa isang plant box. Ikakasal na nga talaga si Carrie. Sigurado na. Matutupad na niya yung pinangako sa mga magulang na magkaroon ito nang maayos na buhay. Napahawak siya sa dibdib. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya nang ganoon. Ang pangit makita lang ng iba. Dapat masayang-masaya siya ngayon. Hindi na niya alam kung saang direksyon na siya pupunta. Nagawa na niya yung dapat niyang gawin sa buhay. Puta... "Ito?" Napapunas siya sa mukha. Napuwing na ata siya dahil mainit yung mga mata. Naluluha na. Ang dami kasing halaman sa paligid. Malamok pa. "Ok ka lang?" "Vivi." Marahan niyang inangat ang tingin. Nakatayo si Vivi sa harap niya. Nakatingin lang. "Hindi ako umiiyak ha. Hindi. Wag kang mag-isip ng ganyan." "Bakit---" Tapos bigla itong ngumiti sa kanya na parang alam na nito ang nangyayari. "Ok lang yan. Your feelings are valid. Alam kong nabigla ka din. Go mo yan, ilabas mo lang." Ano? "Hindi naman nakakabawas ng p*********i yan pag-iyak. Keri lang." Hinila niya papalapit si Vivi at mabilis na niyakap. "D-Daddy?" "Thank you, Vivi." Sambit niya. "Uy..I owe you something nga, diba? Remember? Ito na yun." Umiling siya. Hindi lang dahil doon. "Buti at nandito ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD