Marahang nag-inat si Vivi. Di pa naman siya dinadalaw ng antok. Sina Pilar, kanina pa humihilik doon sa kwarto na binigay sa kanila. Andaya lang.
Wala siyang tulog kagabi at ngayon nga, pagabi na uli. Sira na naman body clock niya. Mukhang kailangan niya na namang magpagod para makatulog uli.
Huminga siya nang malalim. Presko talaga hangin doon kina Buds. Tahimik. Puro green din ang nakikita niya dahil malalago ang halamang nakapaligid. Parang isang malaking garden yung lugar na nilagyan lang bahay sa gitna.
Kaso ang hirap lang makakuha ng signal. Kailangan pang lumabas ng bahay.
Tulad ngayon.
Kakatapos lang niyang i-message si Ela para ibilin yung mga deliveries saka kung ano-ano pang anik-anik sa bahay. Mababa ang sales pero hindi na sila kukulangin sa budget. Marami pa naman events. Marami pang ibang rakets.
"Hay....Para sa kaperahan.." Aniya.
Nagpapaka-busy siya para sa mga kapatid. Pero minsan naiisip niya kung na-apreciate ba ng mga ito ang mga pinaggagawa niya. Wala naman siyang hinihinging kapalit kundi thank you lang. Masaklap lang kahit yon hindi niya narinig kahit minsan.
Pero panganay siya. Ganoon talaga siguro yun.
Napansin niyang may mga decorations at props pa sa garden na di pa naililigpit. Nag-photoshoot kasi kanina doon yung bagong kasal. Mabuti talaga at nabitbit ni Byron si Joey. Ang bongga tuloy ng kinalabasan elopment photos kahit na hindi plinano gaano.
Nagsimula siyang magsalansan ng mga gamit. Yung mga vases na nandoon mga antiques pa. Galing pa doon sa storage nila Buds. Pati na rin mga chinawares saka yung malalking salamin. Nakakatakot ngang gamitin dahil alam niyang mamahalin. Mabuti nga at pinahiram sa kanila.
"Bakit ikaw gumagawa niyan?"
"Ay anak ng tikbalang!" Napatalon siya sa gulat. Napahawak pa siya sa dibdib nang makita kung sino yon. Buti walang nabasag sa mga hawak niya.
"Hey. Vivi, right?" Si Buds pala.
"Kakagulat ka naman." aniya. Akala naman kasi kung sinong maligno na.
Tumawa lang ito. Napanguso naman siya.
Ba't yung tawa parang may tono. Parang kumakanta parin? Pero PArang pamilyar. Napansin niya lang.
"Ok lang. What are you doing anyway?" Sabi nito.
"Inaayos ko na para madaling iligpit."
"May mag-aayos naman niyan mamaya. Why are you here? You ok?"
Napasabit naman siya ng buhok sa tenga. Medyo nakakahiya nga dahil pawisan na siya. "Umm..nagpapaantok lang."
"Iwan mo na yan. Lika dito kung gusto mong magpaantok." Inangat ni Buds yung hawak. Dalawang bukas na bote ng beer yon. "Baka makatulong."
Wow. Ha. Lasingan ba to?
Lumapit naman siya at kinuha yung isa. Sayang naman. Libre.
"Thanks." Sabay pa silang naupo sa isang bench doon. Medyo may spacing nga lang. Nagdadalaga ata tong si Buds.
"Inaya mo pala ako kagabi, no. Eto na ba yon?" biro niya sabay inom. Ramdam niya agad ang lamig at pait ng alak sa lalamunan. Medyo naubo pa siya kaya hinimas naman ni Buds ang likod niya. Tumawa pa.
"Yep. Sort off," sabi nito. "I have tons of that. Wala lang talaga akong kasamang uminom kaya di nababawasan.
May commercial nga pala ito sa brand ng beer na yon. Iba talaga pag celebrity.
"Salamat pala sa accomodations ha. Wala kasing malapit na hotel dito," aniya.
Dito narin sa bahay ni Buds nag-mini reception. Mabuti at nakaorder sila ng food at nadeliver on time kahit na medyo bundok na yung lugar. Yung cake nga, inorder lang sa local bakeshop na niremedyohan para magmukhang bridal cake. Tapos yung mga flowers na ginamit, galing din sa garden nung bahay.
Naging problema lang yung mukha ni groom dahil puro pasa at bangas. Mabuti na-cover ng mabuti ni Pilar
Bongga talaga, buti ang creative ng team nila. Nairaos nang maayos.
"Not a problem. Ang ganda nga ng gawa niyo. I'll recommend you to my friends, I promise."
"Sa friends mo lang? Di sa mismong kasal mo?"
"Well, I wish...pero mukhang imposible." Tapos tumawa uli. Ayan na naman.
"Wait lang...alam mo nadinig na talaga kita somewhere." Saka parang ang weird lang talaga na napakapamilyar na naman nung boses ni Buds. Hindi dahil kumakanta ito o ano.
"Ah yung video dun sa party...ka boses mo. Sabi na--" Napatakip siya bibig at napatingin uli kay Buds. "Oh my god."
Ngumisi lang ito. "Yes. That was me."
Napatakip uli siya ng bibig sa bigla nitong pag-amin.
"Shutaca...seryoso?!"
Napakamot ito ng buhok. Baka na offend sa nasabi niya. "Hindi... hindi ako nang ju-judge, ha," sabi niya. "Kaso kasi... umm... si...yung..girl."
"That wasn't Carrie. Di ko magagawa yon sa kanya, I respect her. Di rin niya magagawa kay Leo yon, she loves him too much."
Napainom siya ng alak tapos napabuga ng hangin. Buti naman. Nakakaloka kung ganon.
"Someone stole my laptop during one of our tours. Doon yata nakuha." Paliwanag ni Buds. "I don't know what their issue is, talagang si Carrie ang dinamay nila. I'll make sure they''ll pay for it."
Pero pwede naman nga yon. Naka super impose yung face doon sa ibang katawan. Pero grabe, nag effort para siraan yung isang tao? May ganoon pala talagang kasama.
"Maganda tong bahay mo," sabi niya. Maiba lang. Mawala lang doon sa topic nila kanina. Medyo maselan. Di pa naman sila gaano ka-close. "Ikaw lang ba talaga nandito ngayon?"
Parang ang isolated nung lugar kasi. Though may iilang lalaki siyang nakita na nakauniform kanina na naghatid saka kanina sa courthouse. Tapos yung iba tagahatid ng kailangan nila. Di niya sigurado kung mga tauhan nito mga yon.
"Bukas pa dadating yung mga helpers. Mga body guards ko lang ang nandito. Pinagday-off ko kasi dahil...dahil kay Carrie." Sagot ni Buds sabay buntong-hininga.
Parang lalong namali yung tanong niya. Kay Miss Carrie uli napunta. Napalagok tuloy uli siya ng alak.
"Sabi niya gusto niyang mapag-isa kaya dinala ko siya dito. Pero ayos na rin at naayos nila yung problema. Mabuti naman."
Echos. Hindi siya naniniwala. Alam niyang may pagkakataon nang mailayo si Miss Carrie far far away pero hindi ginawa ni Buds.
Madami itong datung. Edi sana may happy ending na ito ngayon.
"Hey, bakit ganyan ka makatingin?" Sabi ni Buds sa kanya.
Napababa tuloy siya ng mata. Di naman siya sinasadyang titigan. Ang martir kasi baka maging rebulto.
"Bakit mo tinulungan pang makasal si Miss Carrie? Hindi ba mahal mo siya?"
"Wow. What a question to ask." Sabi ni Buds sabay inom uli.
"Sorry. Ang pranka ko. Feeling close ba?" dala din siguro nitong alak. "Pero masakit ba?"
"Oo masakit." Sagot lang ni Buds sa tanong niya.
"Tanggap ko na hindi ako yung nagpapasaya sa kanya ngayon." Sagot naman nito.
"Kahit kaya mo din siyang pasayahin?" Aniya sabay inom na rin.
"Oo parin." Sagot uli ni Buds. "Masakit pero yon ang tama."
Napaangat siya uli nang tingin. "Tama?"
"Matagal na sila, madami na ngang pinadagdaanan yung dalawa. Pero alam kong hindi titigil ang mga nasa paligid na paghiwalayin sila hanggang di sila kasal. I know Leo's family. This is the best way to stop them."
Ngumuso siya. "Wait... hindi ka talaga nag-attemp na, you know. Agawin si Miss Carrie."
Umiling ito at uminom uli ng alak.
"Hindi mo na talaga ipinaglaban yung feelings mo?"
"Hindi na. It was the right thing to do, Vivi." Sabi nito. "Minsan kailangan mong isakripisyo ang nararamdaman mo dahil yon ang tamang gawin. Yon ang makakabuti sa lahat."
"Ouch, parang ako yung nasaktan para sayo...sorry naman." Sabi niya dito.
Ngumiti lang ito. "Ok lang."
Ngumiti din siya. Nakalahati na pala niya yung alak. Medyo nararamdaman na niya yung sipa.
"Sandali. Ok lang ba to? Na nakikipag-usap ka ngayon sakin?" Biglang tanong ni Buds.
"Ha? Anong ok lang?" Sabi niya sabay inom.
"I mean, hindi ba magagalit si Daddy mo?"
Napabuga niya tuloy yung nasa bibig. Nakakasira ng poise lang. Bigla ba naman yung tanong. Saka madiin yung pagkakasabi ng "Daddy". Nakakaloka.
Ngumisi lang si si Buds. Binigyan pa siya ng pamunas na tissue. "Kaya mo yan."
Natawa uli tuloy siya. "Ang cool mo pala kahit sikat ka," sabi niya. "Di ko talaga akalaing friends kayo ni Ito."
"Friends?" Tanong ni Buds sabay tawa uli. "No, we're not."
Kumunot ang noo niya. "Hindi dahil jinowa mo yung little sister niya?"
"Uhuh."
"Hala...." Sabi niya. Naalala niya yung ginawang pambubugbog ni Ito doon kay Leo kanina.
"Yang mata mo..." Naituro niya yung peklat doon sa may bandang mata ni Buds. Kaya mukhang di pantay yung pagkakadilat. Buti nalang at gwapo parin. Lalo ngang dumagdag sa appeal. "Wag mo sa sabihing si Ito gumawa niyan nung naghiwalay kayo ni Miss Carrie?"
Ngumisi ito uli. "Oo pero matagal na to. Di na niya ako mapapatumba uli."
"Saka dapat lang. Kasalanan ko din naman dahil ko yung nagloko." tuloy ni Buds. "Protective talaga yon kay Carrie...at malamang sayo din. Kaya ako nagtatanong," sabi nito sabay lagok.
"Luh. Di naman kami," sabi niya. Medyo ramdam na niya yung epekto nung ininom nila. Mukhang aantukin na siya talaga. "Di ko naman siya boyfriend."
"What?"
"Biruan lang yon." Sagot niya. "Mukha kasi siyang tatay ko. Ano ka ba? Di ba obvious sa height?"
"Well, I know he was into that kind of kink..."
"A..ano?" Mahina lang kasi yung pakakasabi noon na halos bulong na. Mabuti at matalas ang pandinig niya.
"Ah. Wala. Wala." Sabi ni Buds sabay tawa. "Seriously, hindi talaga?"
"Hindi nga."
Naramdaman niyang umusog si Buds mas malapit sa kanya. Halos masiksik na nga. Natawa naman siya sa pinaggagawa nito.
"Hmm. Maganda ka parin talaga kahit walang makeup." Sambit nito. Tumitig pa ito nang malapitan.
Napahagikgik naman siya. Ang bilis lang kilos. Kakasabi lang niyang wala silang relasyon ni Ito.
"Echos ka rin. Wag kang ganyan," sabi niya dito sabay iwas ng tingin. "Seryoso. Wag ako. Ayokong maging panakip butas."
Pero napaisip din siya. Si Ito kasi kakabasted lang doon kay Kristina. Di kaya nagustuhan lang talaga siya nun dahil doon? Naghanap agad ng iba?
Saka di padin kasi pinapalitan yung naka-save na pangalan sa phone. Kitang-kita niya yon.
"No, I'm telling the truth. Maganda ka nga," sabi uli ni Buds. "Want to be a model or something? Papasikatin kita."
Napalo niya ito nang malakas sabay tawa. Tunog D.O.M. kasi. Yung mga nangre-recruit na producer ng p**n. Kaya siguro nagka-scandal.
Ilang minuto din silang ganoon. Tawa lang ng tawa. Napatigil lang siya nang makakita nang maliit na ningas sa may puno. Tapos may aninong malaki. Parang kapre.
"Huy, Buds. Buds. Ano yon? Ano yon?!" Kalabit niya.
"Ha..." Sambit ni Buds. Napatingin din ito sa tinuturo niya. Pero sumunod doon ang malakas na tawa. "Psst. Esguerra, lumabas ka nga. Nahuli ka na. Parang tanga to."
"Ito?"
Lumabas naman ito nang nakapamulsa. Wala na yung sigarilyo nito kanina. Mukhang naitapon na kung saan.
"Kanina ka pa dyan?" Tanong niya.
"Vivi, ba't di ka pa natutulog," sabi lang nito ang lumapit na. Parang tatay lang ang tono. Hindi sinagot ang tanong niya.
Tumayo si Buds. Nakita niyang tinapik nito si Ito sa balikat tapos ngumisi. Parang may sinabi na kung ano. Tumalim naman yung tingin nung isa.
Napalunok tuloy siya.
Di na niya nadinig kasi. Baka kung ano na. Lumakad na kasi papaalis si Buds. Naiwan tuloy sila ni Ito doon.
"Ummm..Ito?"
Umiling ito. Mukhang masama talaga ang loob.
"Halika na. Matulog ka na tayo."