Choke Me, Daddy

1483 Words
"Luh, di naman dito kwarto namin, Ito." Hindi niya pinansin ang sinasabi ni Vivi. Tuloy lang siya sa paglalakad habang hila-hila ang kamay nito. Naiinis siya. Lalo na nung nakitang nakikipag-usap at nakikipagtawanan pa si Vivi sa unggoy na yon. Ba't kasi kailangan sa garden pa? Ba't kailangan sa dilim? Bakit kailangan nagtatawanan? Tapos dinig na dinig pa niyang sinabi ni Vivi na wala silang relasyon. Lalong uminit ang ulo niya. 'Pangatlong kwarto sa fourth floor. I-lock mo nalang para walang istorbo.' Kailangan niyang ayusin ito. Kailangang malinaw ang lahat. Dapat siya lang. Sa kanya lang dapat si Vivi. Tumigil sila sa isang pinto. Eto na yong sinasabi ni Dimaguiba kanina. Walang ngang tao doon. "Oy...Daddy. Bakit mo ko dinala dito? Saka ba't namumula ka?" Makulit na tanong pa nito. "Stiff ka uli?" Hindi parin niya pinansin si Vivi. Tiningnan lang niya yung kabuuan ng kwarto matapos niyang i-lock pagpasok nila. "Hmmm. Maganda yung room, ah," sabi lang nito. Wala namang kakaiba. Mas malaki nga lang kasya sa mga kwarto sa baba. Kasing laki rin noong ginagamit ngayon nila Carrie sa kabilang wing ng bahay. Mukhang bihira ding gamitin pero malinis at maayos. May nakadisplay na mga gitara sa gilid. Andoon din yung estante ng mga awards at plake. Nasa gitna noon ang isang malaking kama at malaking headboard. "Anong meron?" Bumalik ang tingin niya kay Vivi. Inusisa nito yung bawat sulok ng kwarto. Parang batang curious lang sa mga nakikita. Patalon-talon pa. Namumula na rin ang pisngi at medyo makulit na. Lasing na. Damn..lasing pala. May parang umuusig sa kanya na hindi tama ang gagawin niya. "Vi-" "Ay wow! Tingnan mo o, may posas dito," sabi nito nang tingnan yung nakalapag sa may side table. "Saka ano to? Ba't may pamalo? May kamag-anak ba si Buds na pulis?" Napakunot siya ng noo nang mapansin din nito yung mga nakasabit sa dingding. Hindi na tuloy niya naituloy ang sasabihin. Alam niya kung para saan yon. "F*ck." "Luh, ang laki pala ng dog niya. Parang ang luwag ng collar o, kasya sa leeg ko. Dalawa pa. Itong isa may bola. Hangkyut." Sambit nito. Kinuha pa nito yung pahabang patpat na nakasabit din. "Ay ano to? Pamalo sa horse?" Tangina. "Wag mong hawakan yan." Saway niya kay Vivi. Hinila niya ito at nilayo doon. "Bakit?" "Basta." Tangina talaga. Mali. Mali yon. Mali talaga. Doon lang siya natauhan ng husto. Hindi niya dapat dinala si Vivi sa kwartong yon. Hindi talaga dapat. Hindi katulad nito yung ibang mga babaeng nakasama niya noon na init lang nang katawan lang ang habol niya. Iba si Vivi. Maski nga si Kristina hindi niya pwedeng ikumpara dito. "P*ta ka talaga, Dimaguiba." Bulong niya. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya. Nagpadala kasi siya bulong ng demonyo. "Ano yon, Daddy?" Umiling lang siya. Nadinig yata. "Matulog ka na dito. Ang lakas ng nung hilik ng mga kasama mo. Di ka makakatulog don," sabi niya. Sana lang at tanggapin nito yung palusot niya. "Wag mo lang hahawakan yang mga yan." Tinalikuran na niya ito. Humakbang na siya para lumabas pero hinarangan siya ni Vivi sa pinto. "Ito sandali." "Vi...Vivi." Nakatingala ito sa kanya. Titig na titig habang nakahalukipkip pa. Maluwag ang collar ng suot kaya nasisilip niya na yung naiipit na... Mabilis siyang umiwas nang tingin. Fuck. "'Lam mo hindi ako tanga. Hindi din ako inosente. Alam ko kung para san tong kwartong to. Alam ko yung gusto mong gawin sakin," sabi ni Vivi. Napaatras siya tuloy. "Teka." Pinagpawisan tuloy siya nang malamig. Huli na para umatras. "Magse-s*x na ba tayo ngayon?" "Hindi...wait. Sandali." Tinulak siya nito at napaupo sa kama. Napalunok pa siya ng ilang beses. Ibang klaseng babae talaga. Ang lakas kahit maliit. "Dadaanin mo ako sa dahas, genern? Iha-handcuffs mo ko sa kama para di makapanlaban." Tuloy nito. "Isusuot mo sakin yung ball gag para di ako makapag-ingay." "Hindi.." "Tapos i-ispank mo ako sa pwet gamit yung whip." "Hindi nga." Paano ba niya lulusutan to? Oo nga binalak niya talaga pero hindi sa ganong karahas na paraan. Hindi naman niya alam na ganto yung kwartong sinabi sa kanya ni Buddy. Sasapakin na niya talaga yon. "Bakit hindi?!" Sigaw ni Vivi. "Ha?" "Ha-Hahampasin ko mukha mo," sabi nito. Sumampa ito sa kama, sa kandungan niya. "Akala ko ba gusto mo ko?! Ba't ayaw mo 'kong molestyahin?!" Napanganga siya. Parang nanigas na ang buong katawan. Hindi na siya makagalaw. Halos nakadagan na si Vivi. Ramdam na ramdam niya yung malambot na--fuck...walang itong suot sa loob. "Vi-Vivi." "Like this,?" Marahan itong umangat. Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa leeg. Saktong-sakto ang sukat noon doon. "Choke me, Daddy.." Fuck. "Sandali." Inalis niya to sa kandungan at inuupo sa kama. "Lasing ka." Tama. Siguro dala lang ng alak yon. Kaya walang preno. Tumawa lang nang matinis si Vivi. "Hindi no. Wala pang isang bote yung nainom ko." Tumayo siya at napahilamos ng mukha. Pucha.."Di kita dapat dinala dito." "Ano bang nangyayari sayo Ito? Kanina ka pa." Seryosong nang sambit ni Vivi. Hindi nga talaga lasing. "May problema ka?" Napalunok tuloy siya. Alam niya talaga kapag hindi na ito nagbibiro. Nag-iiba nang dating. "Ma--Matulog ka na." Aniya. Mabilis siyang lumabas ng kwarto at sinara yon. Kailangan niyang lumayo. Baka mawala siya sa katinuan at kung anong magawa niya. Muntik nang maputol yung pisi nang pagtitimpi niya. "Ah!" Napahilamos uli siya ng mukha nang malakas. Kailangan niyang mahimasmasan. Dumiretso siya sa kusina. Ilang beses na siyang nakapunta dito kaya kabisado na niya tong bahay. Kailangan niya ng malamig na tubig baka sakaling huminahon ang puso niya. "Tsk. Tsk. Tapos ka na agad, Esguerra? Ang hina naman." Malas lang at itong si Dimaguiba pa ang naabutan niya doon. Lumingon siya dito. Nakasandal ito sa counter at may hawak pang bote ng alak. May dalawang bote pa sa tabi na wala nang laman. Mukhang naglalasing mag-isa. "Ba't ganon yung kwarto mo?!" Asik niya. "Pinahiram ko na nga, ikaw pa galit. I'm just being hospitable." Sagot nito. "T*ngina mong gago ka!" Agad niya itong nilapitan at hinapit ang kwelyo. "Binalakan mo din si Carrie na dalhin doon?! Ang dumi mong magtrabaho!" Dapat talaga binaril na niya to kanina. Ok lang na makulong uli. "Oy. Hindi. Di yon para sa kanya." Sagot naman nito. Hinawi nito ang kamay niya at umatras. "Ano?" "Saka malinis mga yon. Bagong-bago, kala ko kayo na bibinyag." Tumawa lang si Dimaguiba at tinapik siya sa balikat. "Uminom ka muna. Pamapakalma. Stress ka masyado." Napasabunot siya ng buhok. Dumiretso nalang siya doon sa ref nito at binuksan. Punong-puno yon ng alak. Kumuha nalang siya ng isa. "Daming padala. Di ko naman mauubos mag-isa yan." Sabi nito. Naalala niyang endorser nga pala si Dimaguiba ng beer na yon. Asensado na talaga. "Yung issue pala kay Carrie napagawan ko nang paraan sa assistant ko saka sa doon PR team. Di pa naman gaanong kumalat kaya naagapan. Magagaling mga tao ko sa ganyan." Alam naman niya yon. Kaya nga walang lumalabas na kalokohan ng gagong to sa madla. Wala na sana itong carrrer ngayon. Kahit papaano nagpapasalamat na rin siya. "Gago ka parin." "Gago tayo pareho." Sabi nito sabay tawa. "May record ka rin, wag kang magmalinis. Inareglo lang yung sayo." Umiling nalang siya at uminom. Oo, inaamin niyang iniisip niya talagang gawin yon kay Vivi kanina. Gago nga siya. Pero hindi niya magawa. Iba ito sa mga babaeng nakilala niya. Saka lasing din, di niya pwedeng samantalahin sa ganoon ayos. "Sandali. Wag mo sabihing di mo talaga ginamit yung kwarto? Wala kang ginawa? Bagong buhay na ba talaga?" Sabi lang ni Dimaguiba. "Welp, kung ayaw mo. Akin nala--" Sinamaan niya ito nang tingin. Napahigpit din yung kapit niya sa leeg ng bote. "Joke lang. Joke lang!" Sabi lang nito. Umatras pa. Kung naabot niya baka nabigwasan na niya. "Halata ko namang trip na trip mo si Vivi kaya nagparaya ako. Gigil na gigil ka kanina nung kausap ko eh. Tago pa more. Mukha ka tuloy kapre." Napangiwi nalang siya. Kung umasta talaga pinatawad na niya sa panloloko kay Carrie noon. Kahit sabihin pang tumulong ito sa problema ng kapatid niya, hindi parin mabubura yung kalokohan nito. "So ano na, Esguerra? Ano nang gagawin mo?" Uminom nalang siya uli at di na ito pinansin. Malaki pa problema niya. Alam niyang nabawasan yung pag-asa niya kay Vivi dahil sa ginawa. Medyo natakot din siya. Baka matulad siya dati. "Go to her if you like her. Wag kang magmukmok dito. Wag kang gumaya sakin." Sabi ni Dimaguiba. Napalingon siya dito. "Pinagsasabi mo?" Ngumisi ito sa kanya. "Sinasayang mo ang pagkakataon." Napaawang ang bibig niya. May punto naman ito. Si Vivi naman ang nag-iniate kanina. "I think she likes you too. Ba't magpapakipot ka pa?" "Eh?" Hindi niya rin naman malalaman kung nandito siya kasama nung tsonggong to. "Salamat sa pagiging demonyo mo," aniya kay Dimaguiba. Binaba niya ang bote sa counter at tinalikuran ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD