bc

Aking Tereserye

book_age16+
1.1K
FOLLOW
11.2K
READ
sex
badgirl
drama
city
abuse
virgin
intersex
asexual
expirenced
victim
like
intro-logo
Blurb

Ang buhay ay parang telenovela lang minsan pagdadaanan natin ang mga pagsubok at hamon sating mga buhay.

ano ba ang Mang yayare kung nararanasan mo ang naranasan mo ang buhay ng ating bida kahit dagal mo pa kapalit at maruming mababae kana,? may mag mamahal paba? sa katulad nya tonghanyan ang kwento na pina magatan Aking Teleserye

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Mahal ko po anak ninyo! Hindi ko po siya pababayaan! Mahal ko po ang anak ninyo SEÑIOR JUAQUIN!"Pag mamakaawa ni Antonio isa sa mga trabador sa kanilang malawak na lupain na lihim na kasintahan ng anak ni SEÑIOR JUAQUIN.. "Makakain ba ang pagmamahal na yan? Mahirap ka tauhan nga lang kita! Kaya walang mapapala ang anak ko sa isang hampas lupang tulad mo! Na mas madumi pa sa putik! Hindi ako papayag na ang isang langaw na tulad mo ay makapiling ang anak ko!"panghahamak ni Señior Juaquin kay Antonio ang lihim na kasintahan ng kaniyang anak natuklsan na kasi niya ang lihim na pagmamahalan nito. 'Papa... Minamahal ko po si Antonio! HayahAn ninyo na po ang pagmamahalan namin! Nagmamakaawa po ako Papa!"lumuluhod na pakiusap ni Esmeralda ang mayamang anak na iniibig ni Antonio. At ito rin ang kaisang isa anak ni SEÑIOR JUAQUIN ng kaniyang yumao ng asawa.. "ANak hindi ka nararapat sa dukha na iyan! Kaya ilalayo kita sa kaniya! Ang mga katulad natin ang nararapat sayo!"muling sabi ni SEÑIOR JUAQUIN. At agad niya hinila palayo si Esmeralda kay Antonio. Kasabay nun.. Sinenyasan ni SEÑIOR JUAQUIN. Ang mga tauhan niya na kaladlarin palabas ng Mansion si Antonio at doon Bugbugin. "Esmeralda! Esmeralda!"tawag pa ni Antonio. "Antonio!"umiiyak na sabi ni Esmeralda habang hila hila siya palayo ng kaniyang ama. At nakaladkad na nga si Antonio palabas ng Mansion at doon pinagtulungan na siyang bugbugin ng mga tauhan ni SEÑIOR JUAQUIN... "Aaaahhhhhhh!" "Masyado ka kasing mataas mangarap! Yan ang napapala mo!'"sabi pa ni Arturo isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ni SEÑIOR JUAQUIN.. "Aaahhhhh!" Dinig na dinig ni Esmeralda ang mga sigaw ni Antonio. Habang pinag tutulungang bugbugin ito ng mga tauhan ng kaniyang ama. 'Papa maawa kayo kay Antonio.."pagsusumamo ni Esmeralda. "Hindi ko naman siya papatayin. Ipapaintindi ko lang sa kaniya na kailaman hindi niya maaabot ang Tala sa langit! Mananatili siya sa maruming Lupa kasama ng mga Dukha na katulad niya!"sabi ni SEÑIOR JUAQUIN. At agad niya ikinulong ang anak niyang si Esmeralda sa Kuwarto nito. "Papa! Palabasin mo ako Papa! Maawa kayo kay Antonio mahal ko po siya!"muling pag susumamo ni Esmeralda. At wala nga siyang napala sa pakiusap niya at tuluyan na siyang iniwan ng kaniyang Ama..... "Esmeralda.... Hindi pa rin ako susuko... Di tayo susuko sa pagmamahalan nAtin...""sambit ni Antonio habang nakahandusay at bugbog na nga ito. "Itigil mo na ang pangangarap mo ng gising! Napaka taas mo kasi mangarap! Kaya masakit ang pagbagsak mo,"sabi muli ni Arturo sabay sipa sa Sikmura ni Antonio. "Aaahhhhh!" At nagtawanan pa ang mga kasamahan ni Arturo..... Habang si SEÑIOR JUAQUIN. Ay patungo na muli sa kanila at hahatawin nga niya ito ng gamit niyang Tungkod.. "Hampas lupang nilalang!"gigil na sabi ni SEÑIOR JUAQUIN at hinataw na nga nito si Antonio ng kaniyang Tungkod na gawa sa Bakal.. "Aaahhhhh!! Nagpatuloy ang pagmamalupit ni Señior Juaquin kay Antonio. At napakasakit nga ng bawat hampas ng tungkod nito na gawa sa bakal. "Aaahhhh!" Halos puntiryahin lamang ni Señior Juaquin ang kanang binti ni Antonio.. "Ano? Magtatanda ka na ba? O kulang pa iyan para sayo'"sabi ni Señior Juaquin matapos nitong tumigil sa p*******t kay Antonio. " Señior Juaquin...... Gusto ko po makita ang anak ninyo kahit sandali lang.."sambit ni Antonio na hirap na magsalita. "Hindi ka pa rin nadadala? Salot ka sa buhay ng anak ko! Kaya kailaman di mo na siya makikita!"galit na sabi ni Señior Juaquin. At sa gigil ni Señior Juaquin hinampas niya ang mukha ni Antonio ng kaniyang Tungkod. At nawalan na nga ito ng malay. "Señior Juaquin nawalan na ng malay ang taong ito."sabi ni Arturo. "Sige ilayo na yan sa Mansion! Ihatid ninyo siya sa bahay nilang masahol pa sa Daga.."sabi ni Señior Juaquin. At nilagyan nga ni Señior Juaquin ng pera ang bulsa ni Antonio.. "Abuloy ko na yan sayo kung sakaling mamatay ka.. Pero kung hindi naman? Ipangpagamot mo na lang baka sabihin mo wala na akong puso SA mga dukhang tulad mo"sabi pa ni Señior Juaquin at pumasok na ito sa Mansion. At sa pagbabalik ni Señior Juaquin sa Mansion. Pinagka intersan pa nila Arturo ang pera na inilagay ni Señior Juaquin sa bulsa ni Antonio. "May pang inom na tayo! Ayos! May magandang dulot din pala ang Antonio na ito."sabi ni Arturo. At isinakay na nga nila sa Kotse si Antonio para ihatid sa tahanan nito. At doon ay basta basta na lang nila inihulog ito sa tapat ng bahay nila Antonio mula sa Kotse. Agad naman nagbukas ng pinto ang magulang ni Antonio. Ng madanig nilang tila may humintong kotse sa tapat nila. Pero agad ngang nakaalis ang kotse na lulan nila Arturo. At ang kaawaawa nilang anak na si Arturo lamang ang kanilang nakita sa labas. At agad ngang nag aalala ang mga magulang ni Antonio para sa kanilang anak. Lalo pa at hindi nga ito magising at bugbog pa ang katawan. "Anak sinong may gawa nito sayo!"pag aalala ng kaniyang ina. Nag silakbo nga agad ang galit ng kaniyang ama. Dali dali ito nito kinuha ang Itak at papatay talaga siya para sa anak maiganti lang ito. "Anak sabihin mo sinong may gawa nito sayo!"sabi ng kaniyang ama. "Huwag mo na isipian yan.. Dalhin mo na natin sa Ospital ang anak natin kailangan niyang magamot."sabi ng ina ni Antonio na labis ang pag aalala. At agad nila isinakay sa Trycle ang anak para maipagamot ito. At abot langit ang dalangin nila na maging maayos ang kalagayan ng kanilang anak. At laking pasasalamat ng magulang ni Antonio sa Diyos. Nang hindi nga ito nasawi sa labis na bugbog na natamo nito. Kaya lang tinapat agad sila ng Doctor na matindi ang Fracture sa kanang binti ng anak nila. Kaya malaki ang posiblidad na mapilay na ang kanang binti ng kanilang anak. "Kung sino man ang may gawa nito! Magbabayad sila."galit na sabi ng ama ni Antonio. At umiiyak na niyakap na lamang ng nanay ni Antonio ang kaniyang ama. Ang mag asawa ay wala din kaalam alam sa lihim na pakikipag relasyon ng kanilang anak kay ESMERALDA NA ANAK NI SEÑIOR JUaquin. At dinala na ng mga Doctor sa Recovery Room ang kanilang anak para doon na magpagaling. At agad binigay sa kanilA ng Doctor ang magiging bayarin nila sa Ospital. At may kalakihan nga ito para sa tulad nilang hindi mapalad sa pananalapi. "Ibebenta ko na lang ang isa sa mga Kalabaw natin para may maibayad tayo sa mga bayarin rito sa Ospital."sabi ng ama ni Antonio. "Ang anak natin paano na ang kanang binti niya? Paano na.."lumuluhang sabi ng kaniyang ina. Kaisa isa lang din nilang anak si Antonio. Kaya ganoon na lang din nila ito kamahal. Samanta agad kumalat nga sa San AGUSTIN ang nangyari kay Antonio. Kaya naman dali dali nagpunta sa Ospital si Elena Na kababata ni Antonio. Si Elena ay may pag tingin kay Antonio. At alam ito ni Antonio pero dahil ang tunay niyang minamahal ay si Esmeralda ay hindi niya masuklian ang pagmamahal ni Elena sa kaniya. "Antonio! Antonio."umiiyak na sabi ni Elena ng makita niya si Antonio na nakalagak sa Ospital. "Elena kung may alam ka sa kung sino ang gawa nito sa anak namin? Sabihin mo Sabihin mo sa amin pakiusap.."agad na sabi ng ama ni Antonio dahil sa batid nilang malapit ito sa anak nila. "Isa lang po ang naiisip ko.... SI SEÑIOR JUaquin po... MalAmang nalaman na nila ang pakikipag relasyon ni Antonio sa anak nito kaya ganito ang nangyari."lumuluhang sabi ni Elena. At nagulat ang mag asawa sa Rebelasyon ngang iyon. Magkaganon man hindi nga papayag ang ama ni Antonio na hindi maipaghiganti ang anak at susugod nga ito sa Mansion. "Huwag na... Wala tayo magagawa mayayaman sila!"pigil ng ina ni Antonio. "Wala akong pakialam sa pera nila! Igaganti ko ang anak natin!"galit na sabi ng ama ni Antonio. At hindi na ito nagpapigil pa Patungo na ito sa Mansion para harapin si Señior Juaquin. Samantala sa Mansion... "Dadalhin na kita sa Manila bukas na bukas rin para mailayo ka sa Hampas lupang iyon. Sana naman ngayon alam na niya kung saan siya lulugar? Sa maduming Lupa.."sabi pa ni Señior Juaquin sa Anak na patuloy ang pagtangis. "Papa.... Hayahan ninyo po ako sa piling ni Antonio.... Kahit na kapalit nun ang pagtanggal ninyo sa akin ng karapatan sa Yaman natin... Tanggapin ninyo lang po kami.."pag susumamo ni Esmeralda. "Ikaw ang nag iisa kong tagapagmana! Hindi ko pahihintulutan na mabahiran ka ng dugong mahirap! Nakakasuka! Kaya kalimutan na siya kalimutan mo na ang lalaking iyon,."muling sabi ni Señior Juaquin. At iniwan na niya ito sa kuwarto nito. Sarado din mula sa labas ang bintana kaya hindi rin magawang makatakas ni Esmeralda..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.5K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook