PICNIC

1138 Words
CHAPTER 12 Sa nakalipas na tatlong araw ay panay ang dikit ni Vlad Kay Karina, bagay na kinaiinis ni Markus. Tingin niya kasi nilalandi ng dalaga ang kanyang kaybigan. "uyyy! dude, picnic naman tayo sa ilog bago kami umalis bukas ng umaga" ungot ni Enzo habang abala ang lahat sa kani kanilang cellphone na nakasalampak silang lahat sa sahig sa entertainment room. "mamaya daw tayo pumunta Sabi ni Karina, naghahanda pa siya ng pagkain natin" sagot ni Vlad habang ang tingin ay nasa cellphone pa din. Napatingin naman lahat sa kanya ang kanyang mga kaybigan. "umamin ka nga Vlad, nililigawan mo ba si Karina?" seryosong tanong ni Vincent. "hindi pa" balewala namang sagot nito sa mga kaybigan. "hindi pa?" nanlalaki pa ang mga matang tanong ni Kyle. "you mean to say.... May balak Ka talagang ligawan siya?" Hindi naman malaman ni Markus kung ano ang mararamdaman dahil sa deretsahang pag amin ng kaybigan na gusto nitong ligawan ang kanyang asawa. Parang gusto niya itong sapakin, pero ano nga bang pakialam niya.... Mas mabuti nga iyon Para hindi na siya mahirapan makipaghiwalay dito pag nailipat na sa kanyang pangalan ang lahat ng mamanahin niya. "dude, sa asawa talaga ng kaybigan natin?" hindi makapaniwalang Saad naman ni Enzo. "I don't mind dude" singit ni Markus. "mabuti nga yun Para Mas madali sa akin ang hiwalayan siya pagdating ng panahon." balewang pagpapatuloy ng binata. Nagkatinginan naman ang tatlo at di makapaniwalang napapailing nalang dahil sa sagot ng kaybigan. "don't worry dude, I'll take care of Karina" seryoso si Vlad na nakatitig Kay Markus. "tsk tsk tsk!..... Sana wag Kang umiyak pag wala na sayo asawa mo dude" si Enzo na tinapik pa sa balikat ang kaybigan pagkatayo at tuluyang lumabas ng entertainment room. ******** Natutuwa si Karina na pinagmamasdan ang mga magkakaibigan habang masayang naghahabulan sa tubig. "Para Kang tanga diyan na pangiti ngiti Misis Salvatorre" tukso sa kanya ni Marie, habang nag iihaw sila ng liempo at tilapya. meron pang talong at okra. "baliw ka talagang bruha ka" sabay irap niya sa kaybigan at pinagpatuloy ang pag iihaw. Natawa naman si Marie sa kaybigan. "masyado ka naman kasing obvious na pinagnanasahan mo yang demonyo mong asa......" hindi naman naituloy ni Marie ang sasabihin ng biglang sumulpot si Vlad. "hey ladies.... tulungan ko na kayo diyan" sabay kuha ng binata sa pamaypay na hawak ni Karina at siya na ang nagpatuloy sa pagpapaypay sa apoy. "naku huwag na po sir.... nakakahiya nan po sa inyo. enjoyin niyo nalang po ang huling araw niyo dito, dun nlang po kayo sa mga kaybigan niyo. Kaya na po namin dito" natataranta naman si Marie sa pagtabi sa kanya ng binata. "oo nga naman dun kana Vlad, Kaya na namin dito" pagtataboy naman ni Karina sa kanya pero mapilit ang binata Kaya hinayaan na lang Nila itong mag ihaw. "masaya silang naghaharutan habang nag iihaw ng Isa isang umahon ang mga magkakaibigan at lumapit sa kanila. "Matagal pa ba yan? gutom na kami" pabalang na tanong ni Markus na masama ang tingin sa kanila ni Vlad. "Parang masarap kumain ng jelly ngayon" bigla namang singing ni Kyle na pangisi ngisi pa. "naku hindi masarap ang jelly dude Lalo na kung mapait." sabay tawa naman ng malakas ni Vincent. "Mga sira ulo talaga kayo, tulungan niyo nalang Kaya kami dito Para makakain na tayo. puro kayo kalokohan." mainit na naman ang ulo ng mahal na Hari ng kasungitan, sa isip isip ni Karina. nagkatinginan muna sila ni Marie bago pumunta sa may lamesa Para ihanda ang mga dahon ng saging na gagawing pang sapin sa Mesa Para sa kanilang boodle fight. Malapit na din ang oras ng tanghalian Kaya hinanda na Nila ni Marie ang mga pagkain. nagluto siya ng adobong baboy at manok sa gata, naghiwa din siya ng papaya at pakwan Para sa panghimagas at syempre ang kanyang masarap na Leche flan. ******* "Kainan na..." masayang bulalas ni Kyle ng matapos ng ihain lahat ang mga pagkain. natawa naman Sina Karina at Marie sa binata Para kasi itong Bata na nabigyan ng magandang regalo kung makaasta. Nagsipaghugas na ng kamay ang lahat bago humarap sa lamesa. Nagulat pa si Karina ng biglang tumabi sa kanya si Vlad habang sa kabila naman si Marie. "Okey let's eat" masayang sigaw ni Vincent. Magugulo silang kasama sa kainan pero masaya naman at nalilibang siya sa mga ito kahit papaano hindi niya naiisip ang asawang pinaglihi ata sa Sama ng loob. Nagulat siya ng biglang iniumang ni Vlad sa kanya ang kamay nitong may hawak na hinimay na tilapya na may kasamang kanin at kamatis. "isubo mo na, nangangalay na ako oh" Tila reklamo naman ni Vlad ng titigan lang siya ng dalaga. tiningnan muna ni Karina Isa Isa ang mga kasama bago nag aalangang isubo ang pgkaing nasa kamay ni Vlad. Tumahimik naman lahat at nakatingin lang sa kanilang dalawa ang mga kasama Nila, hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang masamang tingin ni Markus ng tuluyan niyang isubo ang pagkain na isinusubo sa kanya ng kanyang kaybigan. Dahan dahan namang napapalakpak Sina Vincent Kyle at Enzo sa nangyaring subuan. "uwian na.... May nanalo na." pang aasar pa ng mga ito. Balewala namang ipinagpatuloy na lang ni Markus ang pagkain, bakit parang gusto niyang sapakin ang kanyang kaybigan. bakit parang sumasakit ang dibdib niya sa nasaksihang ka sweetan ni Vlad sa kanyang asawa. ****** Kinaumagahan ay maagang nag ayos ng gamit ang mga magkakaibigan. Ngayon na kasi ang huling araw ng kanilang panggugulo sa buhay ng kanilang kaybigang si Markus. Kelangan na nilang umuwi ng Maynila Para harapin naman ang kanilang mga sariling buhay. "Maraming salamat Karina, see you!" paalam ni Kyle. "gago! nagpasalamat ka sa kanya samantalang sa akin hindi." nakasimagot naman si Markus sa kaybigan. Nagtawanan na lang sila sa naging tugon nito sa kanya. kahit kelan talaga napaka seloso nito sa lahat ng taong mahalaga dito. bagay na hindi nila nakikita sa kaybigan pag si Marga ang kasama. wala kasi itong pakialam kahit lumandi pa ito sa ibang lalaki, ang importante naibibogay nito ang pangangaylangan niya pagdating sa kama. "Naaku nag selos pa daw si papa Markus" umakto pa si Enzo na yayakapin si Markus ng bigla siya nitong batukan. "aray naman dude" daing ni Enzo sa kaybigan. "ang sarap ng pabaon mo sakin" "Lumayas na nga kayo.... mag ingat sa pagmamaneho" bilin ni Markus sa mga kaybigan. "sige, salamat sa pagdalaw" ngumiti pa si Karina sa mga ito at kumaway. "bye Karina, see you next week" si Vlad bago tinapik ang balikat ni Markus at tuluyang sumakay sa kanyang sasakyan. what the hell? next week?" gusto pa sanang tanungin ni Markus ang kaybigan kung anong ibig sabihin nito sa next week pero mabilis na itong pinaharurot ang sasakyan. paglingon niya sa kanyang asawa ay pumasok na rin Pala ito sa loob ng mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD