An Affair With My Man

3063 Words
    Hindi niya ugaling baguhin ang mga nasa plano na. Ngunit kanina pa sya nakakaramdam ng inip dahil sa haba ng meeting nila ng mga board of directors. Ngayon lang nangyari ito sa kanya, Naiinis siya sa sarili niya, dati ang mga ganitong pagkakataon ang hinihintay niya. Sa mga board meeting niya na ipagmamalaki kung gaano siya kagaling sa trabaho, kaharap ang mga shareholders  at mga matataas na tao sa likod ng kompanya. Pero ngayong  araw ay kakaiba, bukod sa wala na siyang nasabi sa buong meeting ay hindi pa niya naintindihan ang mga nangyari.     "Masama ba ang pakiramdam mo!?" agad na lumapit ang papa niya ng matapos ang meeting. Kahit matanda lumalabas pa ren ang pagka-ama ng papa niya sa pagkakataong pakiramdam nito ay hindi normal ang mga kilos niya.     "Hindi po papa!" tugon niya.     "Kanina ko pa napapansin na tila wala ka sa sarili!"  puna pa nito.     "Hindi kaya inlove na ang inaanak ko, at nagpaplano ng mag-asawa!" biro pa ng ninong Raul niya na isa rin sa board of directors. "At nahihirapan lang kung paano sasabihin sa inyo ni kumadre hahaha!"     "Naku pare, kami na nga ang nagtutulak diyan na mag-asawa na!"      "Ninong hayaan nyo kapag ako ay ikinasal ay tiyak na ninong uli kayo!"     "Dapat lang naman!" ngiting-ngiti na turan nito.      Sa lahat ng kaibigan ng papa niya ay ang ninong Raul niya ang paborito niya. Napakabait kase nito sa kanya. Ang alam niya ay ninong din ito ni Rake Agoncillo, kapatid ni Riyena. Ang dati niyang matalik na kaibigan.     PAGBALIK niya sa opisina ay agad niyang ipinacancel sa secretary niya ang appointment niya, mula lunch hanggang gabi. Kahit nabibigla at naguguluhgan ang secretary niya ay wala itong nagawa kundi sumunod na lang. Sanay ito na wala siyang inaaksayang oras pagdating sa trabaho. Sa loob ng mahabang panahon ay never pa siyang nagpacancel ng kahit anong transaksyon ng walang mahalagang dahilan. Kung nangyari man ang mga pagkakataon na nagcancel siya ng appointment ay tiyak na may mas mahalagang bagay na may kinalaman sa kompanya  o may kinalaman sa pamilya ang ginawa niya.     Nagpaorder na sya sa driver niya ng lunch na dadalhin niya sa Sabrina's clothing line. Plano niyang kumain sa opisina ng tita Sabby niya. Namimiss niya ang tita Sabby niya. "Nababaliw na talaga ako, dahil pati sarili ko ay niloloko ko!"  Ngayon nya lang gagawin ito, kung kailan patay na ang tita niya. Minsan man ay hindi niya nadalaw ang tiyahin sa opisina nito. Kung may pagkakataon na nagkikita sila ay madalas na sa bahay nito or sa labas sila nagkikita.         Ang totoo nakapagdesisyon na siya, noong araw din na dinalaw niya ang kompanya ng tita niya ay nakapagdesisyon na siya na ibebenta niya ang kompanya. Iyon ang plano niya, ang problema ay hindi siya gumagawa ng hakabang para ibenta ang kompanya.     Gumagawa na naman siya ng katangahan sa buhay niya, nahahalina na naman siya sa ganda ng isang Agoncillo. Nabubwisit siya sa sarili niya dahil hindi niya malabanan ang nararamdaman. Parang may humihila sa kanya na bumalik ng kompanya ng tita niya. Hinihila siya ng sarili niyang mga paa, dahil gustong-gusto niya na makitang muli ang napakagandang mukha ni Riyena.     KAHIT wala na si Sabrina, hindi pa ren nawawala ang kasipagan ng lahat sa trabaho. Katunayan lang ito ng kabutihan ni Sabrina noong nabubuhay pa ito. Hindi lang ito boss para sa kanilang lahat, parang isang tunay na kapamilya kung ituring sila ni tita Sabby.      Actually, hindi niya  trabaho na bantayan ang mga empleyado ng Sabrina's Clothing line pero bago umalis noong isang araw si    Sebastian ay nagbilin ito na sya muna ang bahala sa lahat, dahil sya lang ang pwede nitong pagkatiwalaan sa ngayon.     "Pakiusap huwag mo na akong tawaging kuya, dahil hindi kita kapatid! At kailanman ay hindi na mangyayari yun, dahil alam mo kung ano ang nangyari noon!" malinaw na malinaw sa isip niya ang mga binitiwan nitong salita. Tama naman ito, masyado lang seguro siyang naexcite ng makita niyang muli ang dating kasintahan ng kapatid. Hindi man lang niya naisip na baka galit pa ren ito sa pamilya niya.     Noong marinig niya ang mga bilin nito dahil sa siya lang daw ang pwede nitong pagkatiwalaan ay medyo gumaan na rin ang loob niya. Dahil kahit paano ay kinukunsider nito ang kanilang pagiging magkakilala.      Hindi man lang nagsabi ng mga plano si Sebastian para sa kompanya, iyon kase ang hinihintay ng lahat ng empleyado. Sadyang kinilala lang nito ang mga tao sa likod ng Sabrina's clothing line. Ni hindi nila alam kung kailan ito muling babalik o kung babalik pa ba ito. Tatlong araw na ang nakakalipas simula noong bumisita ito sa kompanya. Ang lahat ay naghihintay at umaasa na naway maging makatao ito sa mga gagawin nitong desisyon sa kompanya.      Basta siya ay naghahanda rin na kung sakali na ipagbibili nito ang kompanya ay kakausapin niya ang magulang at mga kapatid na pahiramin siya ng pera o mag-invest sa Sabrina's para makuha niya ang ownership ng kompanya. Alam niyang hindi siya pahihindian ng pamilya niya. Kung sapat na sana ang ipon niya ay hindi na siya lalapit sa pamilya niya. Kahit yata ang 25 percent ng Sabrina ay hindi niya mabibili gamit ang mga naipon niya at ang pera na buwan-buwan na dumadating sa bank account niya mula sa RA foods industries.     NAKANGITI siyang tinititigan ang katatapos lamang na design, isang babae na nakasuot ng simple pero eleganteng formal attire. Sa may pwesto nya agad siya nagpunta, pagkatapos mag-ikot-ikot ng pasimple sa empleyado.      Lahat ng damit na nilikha ng kanyang mga kamay ay espesyal para sa kanya, pero syempre merong pinaka espesyal sa lahat. Binuksan niya ang drawer sa ilalim ng table niya. Mula sa drawer ay inilabas niya ang isa blue folder, kasabay ng pagbuklat sa folder ay ang pagbungad ng isang napakaeleganteng wedding gown. Matagal na niyang ginawa ang bridal gown na gusto niyang suotin kung sakali na siya ay ikakasal. Tanging si Sabrina lamang ang nakakita ng design niyang iyon.        Hindi siya maluhong tao pero yung ikasal suot ang pinakamarangyang wedding gown ay pangarap niya. Lagi siyang nag-iimagine na lumalakad palapit sa harap ng altar suot ang wedding gown na siya mismo ang nagdesign. Pangarap sa kanya ang maikasal, pero wala naman siyang panahon para sa isang relasyon. Marami sa manliligaw niya ay sumuko na dahil hindi naman niya nabibigyan ng oras.      Pwede rin kase na hindi sya nagbibigay ng oras sa mga manliligaw niya dahil hindi pa sya handa sa relasyon. Maari ring wala pa sa mga nagpakita ng interes sa kanya ang tunay na nakakuha ng puso niya. Biglang sumulpot ang imahe ni Sebastian Villamor sa utak niya, bahagya siyang napaayos ng upo ng maisip si Sebastian.     Wala siyang alam kay Sebastian sa ngayon, kung anong buhay meron ito ngayon. Sa idad nito ay maaaring may asawa't anak na rin ito katulad ng ate Rio niya.      Kabaliwan na maisip niya si Sebastian habang tinititigan ang wedding gown na gusto niyang isuot kapag ikinasal siya. Bigla tuloy niyang naisip noong panahong nagsisimula na siyang magdalaga, kapag tinatanong siya ng mga kaklase niya about sa crush.      "Yenyen ang daya mo talaga!" maktol ni Anika. "Ikaw na lang kaya ang hindi nagsasabi ng crush mo!" matagal na siyang kinukulit ng mga kaibigan niya.      "Eh sa wala nga akong crush!" naiinis na natatawa niyang tugon dito.      "Huwag na nga kaseng kulitin si Yenyen, hindi kase yan aamin dahil ako ang crush niyan!" nang-aasar na sabat ni Rocky, isa rin sa kaibigan nila.     "Tumigil ka dahil sa akin ka!" nang-aasar ding wika ni Miles. Nagkatawan silang lahat sa sinabi ni Miles. Halata naman nila na hindi lang asaran ang namamagitan kina Rocky at Miles. In denial pa ang dalawa sa feelings nila.  Kung sinu-sino pa ang sinasabi ng mga ito na crush nila.      Parang siya lang. Hindi niya maamin kung sino ang crush niya dahil bawal siyang magkacrush sa crush niya. Bukod sa matanda ito sa kanya, boyfriend pa si Sebastian ng ate Rio niya. Kaya secret lang yung crush niya, walang dapat makaalam. Kahit sino ay hindi niya pwedeng sabihan dahil nakakahiya ang nararamdaman niya. Nagkakagusto siya sa future brother-in-law niya.     "Ako na nga lang ang crush mo Yenyen!" pakisali sa tuksuhan si Troy, ito ang napakabait niyang bestfriend.      "Sige best, ikaw na nga lang ang crush ko!" natatawa rin niyang pag-ayon dito. Malabo naman kase na maging sila ni Troy, para sa kanya si Troy ay isang tapat at mabuting kaibigan.     Kailan lang ay nakasama pa niya ang mga kaibigan. Masaya na sa kanilang buhay pamilya sina Miles at Rocky, samantalang si Anika naman ay tulad niyang dalaga pa ren at isa ng sikat na newscaster. At si Troy naman ay binata pa ren, pero hindi nawawalan ng girlfriend. Isang matagumpay na bussinessman si Troy. Si Rocky at Miles naman ay mayroong pinatatakbong hacienda, na minana ni Rocky sa lola nito. Yung huling pagkikita nila ay isang selebrasyon dahil sa wakas sa loob ng 3 years na pagsasama ay magkakaanak na rin ang mag-asawa. Dalawang buwan ng buntis ang kaibigan nila.     Minsan sa panahon ng kanyang kabataan ay nagkaroon siya ng lihim na crush kay Sebastian. Pero sabi nga past is past. Seguro ay hingaaan nya lang talaga ang binata, nakita nya kase kung paano nito minahal ng totoo at punong-puno ng respeto ang ate niya. Sa panahon ng kabataan niya ay nangarap siya ng tulad din nito ang maging boyfriend niya in the future.     Katok mula sa pinto ng opisina niya ang kumuha ng atensyon niya, kasunod niya ay ang pagbukas at pagpasok ng isa niyang staff na si Alice.     "Mam good morning po, ipinatatawag daw po kayo ni Mr. Villamor sa opisina niya!"     "Dumating pala siya!"      "Opo mam, kadarating lang po, at kayo daw agad ang hinahanap sabi ng driver ni sir Villamor!"     "Thank you Alice! Sige susunod na ako!"      "Sige po mam!"     Inayos niya lang ang mga gamit niya na sa table, at agad na rin siyang tumayo upang puntahan si Sebastian sa opisina nito na dating opisina ni Sabrina.     Kumatok muna siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng opisina. "Good morning po sir!" bungad niya sa binatang kampanteng nakaupo sa sopang nasa kanang bahagi ng malaking silid na iyon.     "Maupo ka!" hindi man lang nito sinagot ang pagbati niya. Sumunod na lang siya sa sinabi nitong maupo siya. "Sa ngayon ay hindi pa ako nagdedesisyon para sa Sabrina's clothing line, kaya pansamantala na hindi ko pa ito maharap ay ikaw na muna ang magiging assistant ko!" wika nito na hindi man lang siya tinanong kung gusto nya ba ang posisyon na inaalok niya.     "Pero sir, paano po ang trabaho ko bilang head designer?" hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.     "Magpahire ka ng bagong tauhan sa department nyo, then iangat mo ang posisyon ng isa mong tauhan ngayon sa design team bilang assistant head designer. Ikaw pa ren ang Head designer, magkakaassistant ka nga lang para magawa mo rin ang trabahong ibibigay ko sayo!" tuloy-tuloy na banggit nito na para bang wala na siyang karapatan na tumanggi.     "Hindi po ba kailangan pang dumaan sa proseso ang lahat sir? bagong posisyon po kase yun. Wala naman po kaseng assistant ang head designer natin, dati pa sir!"     "Puwes, meron na ngayon!" makatitig na wika nito "Huwag mong isipin ang budget para sa mga bagong posisyon. Ako na ang bahala sa mga ganung bagay!"     "Okay po sir!" ayon na lang niya.     Nakita niyang tumayo na ang kanyang boss, kaya tumayo na din siya.     "May iuutos pa po ba kayo sir?"      "Yes! gusto kong samahan mo akong maglunch!" tumuloy na ito sa mesang mayroong mga nakapatong na tatlong malalaking paper bag na mula sa mga sikat na restaurant. Hindi niya napansin yun noong pumasok siya ng opisina.      Isa-isa nitong inilabas ang mga pagkain mula sa mga plastik. "Tatayo ka na lang ba dyan?" untag nito sa kanya. Natigilan na kase siya ng marinig  niya ang paanyaya nito na saluhan ito sa pagkain.     "Sir hinihintay po kase ako ng team ko, sanay po kase sila na kasabay nila akong kumakain!" paliwanag niya dito. Kahit ang totoo ay si Sabrina talaga ang madalas niyang kasabay maglunch noong nabubuhay pa ito. Pero nahihiya talaga siyang sabayan ito. Tiyak na hindi siya makakain ng maayos sa harap nitro.     "Hahayaan mo na lang ba na mag-isa ako rito!" nakakunot ang noo na tanong nito. "Ang gusto ko lang sana ay maging maayos ang samahan natin, bilang assistant ko ay sayo ko ipagkakatiwala ang lahat sa kompanya. At para mas higit kitang makilala natural lang na makausap kita. At maaari ko lang gawin yun sa mga pagkakataon na hindi ako busy, tulad ngayon!"      "Sige po sir!" umayon na siya, tiyak namang wala rin siyang magagawa. "Maiintindihan naman nila na hindi ako makakasabay sa kanila ngayon!"     "Tatayo ka na lang ba dyan? bakit hindi ka lumapit dito, at tulungan mo akong iprepare ang mga pagkain!"     "Ay opo sir!" mabilis siyang lumapit sa tabi nito. Tinulungan niya itong ilabas ang mga natitira pang pagkain sa loob ng paper bag. "Ang dami naman po nito sir! May mga kasabay pa po batayong kakain?"     "Sa atin lang dalawa yan, kaya uubusin natin yan!"     Tila namilog ang magaganda niyang mga mata dahil sa sinabi ng binata. " Naku sir, mahina lang po akong kumain!"     "Isabay po kaya natin ang driver nyo sa pagkain sir!?"  suhestyon niya dito,  Sa sobrang dami ng pagkain tiyak na hindi nila mauubos.      "No need! tiyak na kumakain na siya, nabigyan ko na sya ng panglunch kanina!" lumapit ito sa may tagiliran niya para ipaghila siya ng upuan. "Upo ka na!" napakagentleman naman nito.     "Thank you sir!" pasasalamat niya sa ginawa nito.     Matapos maupo ay si Sebastian pa ang nag-abot sa kanya ng spoon and fork. "Thank you po!"     "Kain lang ng kain Yen!"     "Opo sir!" medyo naiilang pa siya habang inaabot ang mga pagkain sa mesa. Hindi siya sanay ng ganito. Kilala niya ang sarili, hindi siya mahiyain sa ganito. Pero ngayon, hindi niya maintindihan kung bakit hiyang-hiya syang kumain sa harap ni Sebastian.         "Kailan ka ba nagsimula dito sa kompanya ni tita?" tanong nito ng magsimula na silang kumain.     "Mahigit  3 years na rin po ako dito sa company!" tugon niya dito.     "3 years! at ganoon na agad kayo kaclose ni tita!?"     "Actually napunta ako dito sa kompanya niya dahil din sa tulong niya. Si tita Sabby ang tumupad ng mga pangarap ko. Dati nakaplano ang buhay ko, ayon sa gusto ni papa. Bago pa ako makatapos ng college, madalas na ako sa RA Foods Industries. May posisyon na naghihintay sa akin doon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala ko ang tita mo, pinamulat niya sa akin kung ano talaga ang pangarap ko. Mula doon ininvite nya ako na sumama sa kanya sa isa niyang fashion show sa Paris. Sumama ako noon. Pinayagan ako ng papa, dahil hiningi kong graduation gift ang travel na yun." natutuwa siyang ikuwento kung paano nagkaroon ng katuparan ang pangarap niya.     "After ng travel nyo sa Paris nagwork ka na kay tita?"     "No!" kahit natuwa sa kanya si Sabrina Rivas, hindi siya kinuha nito para magtrabaho sa kanya. "Nakita nya na mahusay ako sa arts and design. Hinamon nya ako na kumuha ng crash course sa fashion designing!" mga panahong hindi niya alam kung paano nya sa sasabihin sa pamilya niya ang mga plano niya.     "Ibig sabihin nag-aral ka muna sa ibang bansa bago ka nagtrabaho dito?"     "Oo mahigit isang taon din ako sa Paris! Pasalamat na nga lang ako dahil pumayag ang papa sa gusto kong gawin. Kilala mo naman ako di ba? mula pagkabata, walang sinabi ang papa na hindi ko sinunod!" takot sya sa papa niya, mahigpit ito pagdating sa kanya.     "Ang pinakamasunurin sa lahat ng Agoncillo!" ewan kung puri ba yun o insulto, lalo at galing kay Sebastian.     Marami pa itong tanong tungkol sa kompanya. At nasagot naman niya ng ayon sa mga nalalaman niya. Hindi dumako sa pamilya niya ang mga tanong ng binata. At alam niyang tama lang iyon dahil magiging komplikado lang mapapag-usapan ang pamilya niya.     Habang nag-uusap ay kumakain sila kaya hindi na rin nila napansin na halos maubos nila ang pagkain.      "Ang dami kong nakain sir!" agad na siyang tumayo ng pagkatapos kumain, upang kahit paano ay mabawasan ang kabusugan niya.     "Busog na busog din ako!" nakangiting wika ni Sebastian. Hawak pa niya ang tiyan habang patayo.     "Ako na po ang bahala sa mga kalat sa mesa sir!"     "Tutulungan na kita!" nagkasabay pa silang dinampot ang paper plate na ginamit ng binata. Sa kamay tuloy ni Sebastian napahawak si Riyen sa halip na sa paper plate. Nagtagpo ang mga mata nila matapos maramdaman ang mainit na balat ng isa't isa. Na agad din naman binitawan ni Riyen, pakiramdam niya ay napaso siya sa pagkakahawak sa kamay ng binata.     Nagdesisyon si Sebastian na ipaubaya na kay Riyen ang pinagkainan nila, habang inaayos ng dalaga ang mesa ay hindi maiwasang titigan ni Sebastian si Riyen. Maliit pa itong bata noon ay napakaganda na nito, maputi ito na parang isang anghel. Ang mga mata nito na mabibilog at palaging nakangiti ang palaging umaakit sa kanya sa tuwing pupunta sya bahay ng mga ito, madalas niyang buhatin ito noon. Pakiramadam nga niya ay mas malapit pa siya dito kaysa sa mga kapatid nito. Hindi siya nawawalan ng pasalubong para dito sa tuwing dadalawin niya si Rake. Kahit candy ay masaya na ito, basta may iniabot siya dito. Kahit pa noong maging kasintahan na niya si Rio ay malapit pa rin ito sa kanya.     Pero nagbago ang lahat noong naabutan siya ni Rio na nakayakap kay Riyen. Ang totoo ay walang malisya ang mga yakap na iyon pero naging masama ang dating nito kay Rio. Pinag-isipan siya nito ng masama. Naging dahilan iyon ng mabigat nilang pagtatalo, pero dahil mahal niya si Rio nakipagcompromise siya dito na iiwasan na niya na maging malapit sa kapatid nito.     Nalungkot siya sa desisyon niyang iyon. Alam niya na nagtaka rin si Riyen sa bigla niyang pagbabago noon. At para maiwasan na rin ang mga sitwasyon na close sila ng kapatid nito ay naging madalang na ang pagpunta niya sa bahay ng mga Agoncillo. Madalas ay sa labas na lang sila nagkikita ni Rio. May mga pagkakataon na hindi niya maiwasang pumunta sa mga Agoncillo, lalo na at may okasyon. Siniseguro ni Rio na hindi siya mawawala sa tabi nito ang kasintahan sa tuwing nasa paligid lang si Riyen.                                                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD