PANGARAP niyang makapagsuot ng bridal gown katulad ng ate niya at ng mama niya. Pero dahil si Sebastian ang pinili niya, dapat makuntento siya kung anong klaseng kasal ang gusto ni Sebastian para sa kanila.
At dahil nga ayaw nito na tumutol pa ang pamilya niya sa relasyon nila. Nagdesisyon si Sebastian na magpakasal na lang sila sa huwis. Para lang silang bumili ng pagkain sa isang drive thru fastfood, dahil sa bilis ng pangyayari.
"Walang ng magagawa ang family mo!" wika nito habang pasakay sila ng kotse. pinagbukas pa siya nito ng pinto ng kotse.
"Seguro bigyan mo muna ako ng time na sabihin sa pamilya ko ang ginawa natin!" wika niya sa asawa.
"Kilala kita!" baling nito sa kanya matapos ayusin ang mga seatbelt nila " matatagalan bago mo masabi sa kanila ang sitwasyon natin!"
"Nag-aalala lang namn ako sa mararamdaman ng mama at papa!"
"Kailan pa kita makakasama kung pagbibigyan kita diyan sa sinasabi mo?"
"Give me at least one week para masabi ko sa magulang ko na nagpakasal na ako!"
"Hindi ko kaya ang one week!" turan nito " ihahatid kita ngayon sa bahay nyo pero bukas susunduin na kita inyo!"
"Pero Basty.....!"
"Wala ng pero-pero, kung hindi mo masabi. Ako mismo ang magsasabi sa kanila!"