My Man And His In-laws Again

213 Words
    HINDI siya natatakot na harapin ang pamilya ni Riyen. Wala naman silang pwedeng maging problema. Isa lang naman ang seseguraduhin niya, hindi niya papayagan na ilayo ng pamilya nito ang dalaga sa kanya.      Kanya si Riyen anuman ang mangyari. Walang maaring  humadlang sa pag-iibigan nilang dalawa.  Kampante siya na pipiliin siya ni Riyen. Alam niya na kahit saang aspeto tingnan ay halos lunudin niya si Riyen. Sagana ito sa oras na binibigay niya, kahit pa busy siya sa opisina. Anumang mamahaling bagay na makita niya ay binibili niya para rito kahit hindi pa hingin ng dalaga. At senesegurado din niya na lagi niya itong napapaligaya sa kama. Kahit saglit lamang na masolo niya ito ay ipinararamdam niya kung gaano siya kasabik dito. Hindi niya hahayaang magkulang siya sa kahit anong aspeto ng kanilang relasyon.     Nararamdaman at nakikita niya kung paano mabaliw si Riyen sa pagmamahal na ipinararamdam ko. Dama niya sa mga kapit at daing nito kung gaanong kaligayahan ang ibinibigay niya rito. Noong una ang akala niya kapag naikama niya ito ay mawawala na ang init na nararamdaman niya dito, pero nagkamali siya. Sa bawat araw na nakakaniig niya ito ay lalo niyang minamahal ang dalaga. Lalong naging mapaghanap ang katawan niya, paghahanap ng init na tanging kay Riyen nya lamang matatagpuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD