C H A N Nakahiga na ako sa kama naming dalawa ni Miguel. Nakatingin ako sa kisame at nag-iisip kung papaano ako magpapaliwanag sa kaniya dahil kanina ay wala akong pagkakataon na magpaliwanag. Palagi na lang siyang umiiwas sa akin pagkatapos naming kumain. Tumingin ako sa tabi ko at bumuntonghininga nang makita ko siyang nakapikit na ang mga mata. 'Di ako sigurado kung tulog na ba siya pero mukhang tulog na nga dahil sa ang amo na ng kaniyang mukha kahit na nakakunot pa rin ang noo nito. Napangiti ako nang mapait. Ito ang unang beses na nagkatampuhan kaming dalawa at hindi agad namin naayos. Gustuhin ko mang ayusin namin ito ngunit siya naman ay umaayaw. Iniiwasan niya ako at hindi man lang pinapansin nang makapasok ako rito sa condo. "Hayst..." Muli akong napabuntonghininga at saka tu

