C H A N First day of class sa taong ito. Maraming mga bago sa mga kaklase ko, may tumaba at may pumuti. Iyong iba ay mayroon na ring boyfriend at girlfriend. At ako, hindi ko alam kung ano'ng bago sa akin. Walang nagbago sa nararamdaman ko para kay Miguel. Kahit na magkasama kami araw-araw ay hindi ako nagsasawa dahil araw-araw din niya akong pinapasaya. "May dilig ka naman kagabi kaya ka ganiyan makangiti, 'no?" Siko ni Kitty sa akin. Nasa loob kami ng classroom at abala ang professor namin sa pagtuturo ng kaniyang lesson. Nakangiti akong nakatingin sa harapan habang iniisip ang mga pinagsamahan namin ni Miguel at napansin iyon ng katabi ko. "Ano'ng dilig pinagsasabi mo, hindi naman ako halaman," bulong ko sa kaniya. Kahit na nasa may likod kami nakapuwesto ay bawal pa rin mag-ingay

