C H A N Magkaharap kaming dalawa ni Miguel dito sa kusina habang ang tunog lang ng mga kubyertos ang siyang tanging naririnig. Kumukuha ako ng tiyempo upang pag-usapan naming dalawa ang sinabi sa akin ni Kitty. "You have something to tell, right?" Tumingin ito sa akin na ikinagulat ko. Kinuha ko ang baso ko at nilagyan iyon ng tubig. Bago ko siya sinagot ay uminom muna ako dahil may lamang pagkain ang bibig ko. "N-Naalala mo iyong batang sinasabi ko sa 'yo dati?" Kumunot ang noo nito sa sinabi ko kaya ipinaalala ko sa kaniya iyong batang nakita ko noon sa bahay ampunan na walang kasama at nag-iisa lang sa lilim ng puno. "Why?" nagtatakha pa rin nitong tanong at mukhang hindi pa rin nakukuha ang ibig kong sabihin. "G-Gusto ko siyang alagaan," sabi ko na halatang ikinagulat niya. Mabi

