Chapter 3

1947 Words
I'm still mad. Kahit ilang araw na ang nakalipas pakiramdam ko kahapon lang ang lahat. Hindi ko pa din matanggap na ganoon ang nangyari. Parang gusto ko siyang takpan ng unan sa mukha. "Boss, sinong papatayin mo?" natauhan ako dahil sa biglaang pagsasalita ni Jerry sa'kin. Nagulat pa ako dahil nabitawan ko ang kutsilyo. "P-papatayin?" patay-malisya kong usal dito. Tumango naman ito sa'kin. "Nakakatakot ka, Boss. Alam mo kung paano ka humawak ng kutsilyo." umaarte pa itong natatakot. Kaya napangiwi ako sa kanya. Dahil sa inis ko kay Sebastian at Marcious, gusto kong itarak sa leeg niya itong kutsilyo ngayon. "May gusto kasi akong saksakin ngayon." biro ko rito. Pero totoo iyon. Natawa naman ito bigla dahil sa sinabi ko. "Kinakabahan naman ako sayo, Boss." unti-unti itong umatras papalayo sa'kin, at umiwas din siya ng tingin. Napailing naman ako sa kanya. Ang duwag naman niya. Hindi naman siya itong gusto kong saksakin. Hindi na ako tumuloy sa pagtulong sa pag-arrange ng bouquet. Nag-asikaso na lang ako ng mga dapat kong tapusin. Ayokong magpakastress sa mga ganoong tao. I need to focus. Pero pag-uwi ko, ang panget ng bumungad sakin. I raised my eyebrow on them. Ito na naman siya sa ganda gandahan niyang pakulo. Sirang sira na talaga ang buong linggo ko. Kaylan ba ko magkakaroon ng isang linggo walang nangyayari hindi maganda. I'm f**k up! "I'm very proud of you, Iha." masayang saad ng mama ni Saina. "Kanino pa ba ako magmamana, Mommy." mayabang na usal ng kapatid kong hilaw. Ang lalawak ng ngiti nila sa mga labi nila. Parang anytime mapupunit na ang kanilang mga labi dahil doon. Ang ganda nilang tignan, pero para sa'kin masakit sila sa mata at nakakarindi sila sa tenga. Habang naglalakad ako biglang nagsalita si Brenda. "So, nandito na pala ang anak ng kabit ng Papa mo." sarkastikong usal nito. I rolled my eyes on the wind. She really loved to teased me. "Did you miss?" huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Kita ko ang pangangasim ng mukha nito. "Bakit naman kita mamimiss? Sana nga hindi na kita makita." inis na usal nito. At sabay oa silang umirap sa'kin. "Kung ayaw mo akong makita ka..." huminto ako at mariin ko silang tinignan. Bigla akong ngumiti sa kanila ng malapad. "Pumikit ka." kita ko ang galit sa mga mukha nila. Gusto kong matawa sa kanila. Umalis na ako ng tuluyan doon at hindi naman na silang kumibo. Pagkarating mo sa kwarto ko, nagpahinga lang ako saglit para pumunta sa kusina dahil nakaramdam akong gutom. Nakakaubos ng energy iyong dalawa. "Iha, kumain ka na?" alok sa'kin ni Nanay Selly. Mabilis naman akong umiling rito. I smiled at her. "Ikaw, Nay. Kumain na po ba ikaw?" marahan naman itong tumango sa'kin. "Oo, kanina pa." malumanay na usal nito. Kumuha naman ito ng plato para ikuha ako ng pagkain. Pipigilan ko sana pero sumenyas ito na umupo na lamang ako. I sit on a highland chair while watching her get food for me. Hindi ko maiwasan mapangiti, sa bahay na ito they are truly people who really care and love me. Kaya sobrang na-treasure ko ang maliliit na bagay na ginagawa nila sa'kin. Pero sa kabilang banda, masakit isipin na sarili kong pamilya ay hindi ako gusto. Sabagay, sino ba naman ako sa pamilyang ito? Anak sa ibang babae. I didn't even see Mommy like that, she was too beautiful to be called another woman. Hindi ko naman masisi si Papa kung nainlove siya kay Mommy dahil maganda ito. Pain pinched my heart knowing that I'm slowly losing my memory with Mommy. I was too young that time when she passed away. Kaya kunti na lang ang naalala ko, pero hinding hindi ko makakalimutan ang tinig niya. I once dreamt of seeing her again. I'm getting emotional. Hindi nakakaganda ng araw ang ganitong eksena. Nawawala ang pagiging maangas. "Ma'am, I already sent the flowers of Mr. Sy." magalang na saad ni Venny sa'kin. Huminto naman ako sa ginagawa ko at binigyan ko siya ng tingin. "Thank you... By the way, did the other set of flowers already arrived?" usal ko rito. Tumango naman ito sa'kin. "Yes, Ma'am.. Naayos na din po namin." saad nito. "Thank you. Nakapasok na ba si Syl?" tanong ko rito. Umiling naman ito sa'kin. "Hindi pa po, Ma'am. Nasa ospital pa din po ang Nanay nya." saad nito sa'kin. "Would you ask her what hospital her mother admitted?" sabi ko rito. "I will update you for her response." sabi nito. Tumango lang naman ako rito. "Ma'am, hindi niyo po talaga kami pinababayaan." usal nito sa'kin. I smiled at her. "Bakit ko naman kayo pababayaan? It's my way of being grateful to you guys." malumanay kong usal rito. She's big emotional. "Kahit na, Ma'am... We didn't expect that you would treat us like this. Kasi naman simula ng magtrabaho kami sa inyo. You never shout at us whenever we do something wrong." saad nito. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Ano ba kayo? I won't be here without you, people." simple usal ko rito. Her lips smiled so sweet. "Madaming thank you pa din, Ma'am." sabi nito sa'kin. "Alright go back to work. Ayoko ng emotional scene ngayon." biro ko rito. Natawa naman ito sa'kin. Bumalik na din siya sa trabaho niya. Tinuon ko na muli ang buo kong atensyon sa trabaho ko. Ilang araw din kasi akong hindi pumasok dahil wala akong gana. Hindi din kasi ako umuwi sa bahay, at doon ako kay Marcious tumuloy. Kahit naiinis ako doon sa soon-to-be husband ng kapatid kong hilaw, tiniis ko na lang. Tutal ayokong magstay sa bahay dahil paulit-ulit lang sa'kin na sasabihin ang bawat nagawa kong kasalanan. Kaya mas gusto kong makitulog kay Marcious para kahit paano may pahinga pa din ako, pero madalas wala dahil ang kulit niya din. "Babe!" maligalig na usal ni Marcious sa'kin. Kaya mabilis akong mapalingon, walang pakundangan niyang binuksan ang pintuan ng opisan ko at tuloy tuloy lang ang pagpasok niya. Hindi ako natutuwa sa itsura niya, dahil naiinis pa din ako tuwing naalala ko iyong nangyari sa condo niya. "Hindi ka ba marunong kumatok." galit kong usal rito. Pero malawak ang ngiti nito sa labi. Hindi ko maiwasan mapataas ng kilay dahil doon. Maligalig itong lumapit sa'kin. Parang hindi ko gusto ang ngiti niya sa'kin, ano na naman kayang tumatakbo sa utak niya? Ang sarap niya tulog iuntog para naman kahit paano hindi niya masira araw ko. "Ang sungit mo naman." sagot nito sa'kin. Napangiwi naman ako dahil doon. Mabilis itong umupo sa upuan na nasa harapan ng table ko at prenteng umupo ito. "Don't waste my time, Marcious.. Anong nag-udyok sayo na puntahan ka rito?" deretsang saad ko rito. Mariin ko siyang tinitigan. Imbes na masindak siya sa paraan ng pagtingin ko, deretso lang siyang nakatingin sa'kin. "Alam mo kumalma ka nga muna--- parang anytime sasakmalin mo ko." may takot pa ang tono nito. He covered his body with his hand. I rolled my eyes because of that. "Marcious, bakit ka ba kasi nandito?" may diin ang tono ng boses ko. Nakahalumbaba ang ito sa'kin. He's acting like a f*****g cute puppy. Sabagay, mukha naman siyang aso. Umasim lalo ang mukha ko dahil sa pinaggagawa niya. "Don't be mad at me, Babe.. Let's just breathe to make you calm down." pero inirapan ko lang siya. At tumawa naman ito ng bahagya. "I recommend you to my friend." usal nito. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Sinong friend mo?" saad ko rito Itong mga kaibigan niyang bachelors', I know some of them, pero wala akong pakialam doon. Dahil balita ko magagaling silang lahat mangbola ng mga babae. Mabuti na lang kahit pa-paano matino pa itong Marcious, dahil kundi puputulin ko alaga niya. "Si Verom. Nandun na sila sa may labas nagpresinta na kasi akong tatawagin ka." simpleng sagot niya sa'kin. "Anong problema niyang kaibigan mo?" mataray kong usal rito. Napanguso naman ito sa'kin. "Babe naman, ang sungit sungit mo..." sabi nito. "Aba'y parang mali ko pa.. Deretsahin mo na ko kung anong kailangan niyang kaibigan mo." seryosong saad nito. "Malamang bibili kami ng bulaklak wala naman ditong damit hindi ba." pabalang na usal nito. "Ako ba ay ginagago mo." galit na usal ko rito. Mabilis itong umiling sa'kin. "Sorry, ang sungit mo naman kasi--- hindi mo pa din ba ako napapatawad." malambing na usal nito. "Huwag mo ng ipaalala at baka hanapan kita ng barong diyan na susuotin mo na ngayon, at bibigyan kita ng libreng bouquet." saad ko rito. He pouted. "You were too harsh..." maktol nito. "Deserve mo iyon." usal ko rito. Tumayo naman na ako para puntahan ang kaibigan niya. At nakasunod siya ng tingin sa'kin. Anong balak ng lalaking ito? Magtitigan na lang kaming dalawa rito. Sumenyas akong tumayo na siya, at mabilis itong tumango. Pinagbuksan niya naman ako ng pintuan, at inirapan ko lang siya. Bulong siya ng bulong matapos noon. Pero hinayaan ko na lang. "Tang-ina! Ang tagal mo namang lumabas." bungad na saad ng isang lalaki. "Jaden, pwede bang itikom mo ba iyang bibig mo kanina pa ko naririndi." usal ng isa pa nilang kasama. "Bibig mo kaya itikom mo?" pabalang na usal nung Jayden. "Can you both shut up?" napahinto naman ang dalawa sa bangayan dahil sa pagsasalita ng isang lalaki. Kahit ako nagulat dahil sa boses noo. "Bro, ito nga pala di Sierra, siya iyong tinutukoy ko sayo." saad ni Marcious. I heard there 'wooahh'. I cannot deny that they are really good looking. Pero wala akong interes sa kanila. This is the first time I have met these people. Bagkus sa wala akong oras lumabas ng bahay, hindi din ako mahilig sa kahit anong gatherings or events. "I'm Verom. Nice to meet you." ngumiti na lamang ako at tumango. "Kaya pala hindi kaagad lumabas... umamin ka anong ginawa niyo?" malisosyong usal noong Jaden. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Anong akala ng hinayupak na ito? Parang gusto ko siyang ingudngod ngayon. Mabilis siyang binatukan ni Verom. "Pwede ba Jaden umayos ka. Kalalaki mong tao masyado kang malisosyo." galit na usal nito. Napakamot naman ito sa batok niya. At bigla itong nag peace sign sa'kin. "Huwag mo kasi akong itulad sayong hayop ka... Kahit sino na lang gagalawin mo." saad ni Marcious dito. Akmang magsasalita ito mabilis na tinakpan ng isang lalaki ang bibig nito. "Itikom mo na lang iyong mouth mo." sabi nito. Bumaling naman siya Sakin at ngumiti. "I'm Percy... We're very sorry he is really talkative. Papansin lang siya kaya ganito." malokong saad nito. Napatango na lang ako sa kanya. "Tang-ina! Ang baho ng kamay mong hayop ka..." inis na usal ni Jaden ng tanggalin ang takip nito sa bibig. Tumingin naman ito sa'kin at lalapitan sana ako ng bigla siyang harangin ni Marcious. "Magpapakilala lang ako." maktol nito. "Pwede ka naman magpakilala ng hindi lumalapit." saad ni Marcious. "Oo na nga." pero sa tono ng pananalita niya para itong dismayado. Tumayo ito ng tuwid at tumingin sa'kin. "Hi, Miss... I'm Jaden--" sa sobrang titig niya sa'kin nagkakaroon ako ng pagkailang. "Wait! did we meet already?" nagulat ako sa tanong niya. "N-no.. This is the first time I've met you." mabilis kong saad rito. Pero kita sa mukha niya na hindi naniniwala. "Talaga ba? Parang hindi.. wait let me remember." saad nito sa'kin. "Stop that, Jaden. She already said, na ngayon lang kayo nagkita." usal ni Verom. Pero hindi nakinig si Jaden. I saw how his eyes glow. "I remember.. You were that girl, I knew it. It was you" masayang usal nito sa'kin. Nagtataka naman akong tumingin rito. Saan kami nagkita ng lalaking ito? _______________________________________ ❤️ Happy reading, KAWETNESS ❣️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD