Ika-apat na araw na ng pananatili namin dito sa El Nido. So far, nagugustuhan ko na yung bakasyon namin dito. Mas nag-e enjoy na 'ko sa mga bonding kasama ang mga kaibigan ko at si Enzo. Tumatawag pa rin naman si mama sa'kin dahil siguro namimiss na ako. Kilala ko si mama, hindi naman siya tatawag ng wala lang. Kaya it's either, nag-aalala siya o namimiss niya lang ako.
Maganda naman ang naging takbo ng buong araw ko ngayon. Nagising ako ng maaga at nagkape kasama ang mga kaibigan ko. Marami kaming ginawa ngayong araw na 'to. Banana boating, surfing at buong araw na swimming. Lahat na siguro ng water sports, ginawa na namin. Lahat naman kami nag-enjoy, maging si Enzo na tinutulungan naming unti-unting maka-let go sa feelings niya para kay Janna. Atleast ngayon, tumatawa at nakikipagbiruan na siya sa'min. Natutuwa lang ako sa mga pangyayari. Wala lang naman, I'm just happy for him.
After a long day, nandito ulit kami ngayon sa labas. Magkakatabi kaming anim, nagke-kwentuhan ng kung ano-ano. Tawanan lang kami ng tawanan sa mga kwento ng bawat isa. Hanggang sa mapunta yung usapan sa'kin. Hay, eto na naman tayo.
"Bakit ba hanggang ngayon wala ka pang girlfriend, Rylan? Gwapo ka naman, magaling kumanta at sigurado, maraming magkakagusto sa'yo." seryosong tanong ni Enzo na kaharap ko.
Eto na namam tayo, eh. Lagi nalang ito yung tanong na binabato sa'kin. Nasagot ko na naman di'ba? Priority ko muna ang pagta-trabaho. Hindi ba malinaw 'yon sa kanila? Ugh.
"Ay, sinabi mo pa Enzo! Hearthrob 'yan noong high school at College kami! Halos babae na nga ang magkandarapang manligaw dyan, eh. Siya lang 'tong ayaw." inis na sambit ni Luna na sinamaan ako ng tingin. Aba't talagang?!
"Eh, diba sinabi ko na sa inyo na---"
"Priority first? Na work muna bago love life? Hay, as always!" pagdugtong ni Kate sa sinasabi ko.
"Himala ang tawag dun, kapag nagka-girlfriend 'yang si Rylan! Hahaha!" bulalas ni Renz na sinundan ng tawanan nilang lahat.
Tawanan lang sila ng tawanan na kinainis ko. Bakit ba sila gano'n? Masyado silang excited na magka-love life ako. Sa ayoko pa, eh.
"Sige lang, tawanan niyo pa 'ko! Ganyan naman kayo, eh." inis na sambit ko sa kanila.
"Eh, bakit nga kasi hindi ka pa maggirlfriend? Imposible namang trabaho lang yung dahilan?" tanong pa ni Enzo.
Ano ba 'yan? Pati ba naman siya? Makikisali pa sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko? Hindi pa ba sapat yung rason na ibinigay ko?
"Hay nako, huwag mo nang tanungin 'yang si Rylan. Wala nga yatang balak mag-asawa 'yan, eh. Gusto yatang tumandang binata. Hahaha!" hirit naman ni Vin na nagpatawa ulit sa kanilang lahat.
Sige lang, tumawa lang kayo. Sa loob-loob ko, inis na inis na ako sa kanila. Bakit ba ang hilig nilang makialam sa pansarili kong buhay? Hindi naman nila hawak yung buhay pag-ibig ko, ah? Ayokong magmadali.
"Asawa agad? Alam niyo kayo? Masyado kayong excited na magka-love life ako. Diba nga sabi ko, darating din ako sa puntong 'yan? Hintay lang." seryosong tugon ko sa kanila.
"Eh, paano nga darating yung puntong 'yon? Kung palagi ka nalang subsob sa trabaho. Mali 'yon. 22 ka na, patanda ka na nang patanda. Rylan, we're not teenagers anymore. Kaya kung kami sa'yo? Hanap-hanap din." sambit naman ni Luna na nakapagpaisip sa'kin.
May punto naman siya. Kaya lang kasi, wala naman akong ideya sa pag-ibig na 'yan eh. Hindi ko alam kung kailan ko mararanasan magmahal at kung saan ko makikita yung taong mamahalin ko. Kaya habang wala pa, nagtatrabaho muna ako. Sa isip ko kasi, hindi ko pa ma-imagine magka-love life.
"Sige nga? Paano?" kompyansa kong tanong sa kanila.
"Date someone, maraming babae dito sa El Nido pare!" sambit ni Renz.
"Masyadong casual, ayoko. Hindi ako sanay sa ganung set-up." diretsong sagot ko.
"Alam mo, Rylan? Kung hindi ka pa talaga handa, edi magsimula ka sa pinakamaliit na hakbang. I'm sure makakatulong sa'yo 'to. Why don't you ask God for signs?" suhestyon ni Kate na hindu ko masyadong naintindihan.
"Yown! Tama ka besh! Yun ang gawin mo, Rylieee! Effective 'yan!" sabik na pagsang-ayon ni Luna.
"Signs? Ano 'yon?" naguguluhang tanong ko sa kanila.
"Ano ka ba naman, pare! Signs, ibig sabihin nun basehan ng mga gagawin mong desisyon!" sambit ni Vin.
"Teka, hindi ko pa rin talaga gets eh." tugon ko.
"Hay nako, Rylan! Signs? Di mo alam? Signs, ibig sabihin hihingi ka ng idea tungkol sa gusto mong gawin na bagay. Humingi ka kay Lord ng signs kung ano yung gusto mo sa isang babae. Kailangan sikreto mo lang 'yon sa sarili mo at kapag nagkatotoo 'yon, ibig sabihin nahanap mo na siya!" nakangiting paliwanag ni Kate.
"TRUE! Kailangan yung mga gusto mo sa isang babae, 'yon ang hingin mong signs kay God!" dagdag pa ni Luna.
Ilang sandali pa ay naunawan ko na yung gusto nilang sabihin. Gusto nilang humingi ako ng signs kay Lord para sa taong mamahalin ko. Hindi ba parang ang childish naman nung ganun?
"Signs? Hindi ba mga teenagers lang ang gumagawa noon?" alangang sambit ko sa kanila.
"Hoy, hindi ah! Yun yung ginamit kong method dati nung single pa ako. Kaya eto, may love life na ako at sigurado akong siya na talaga." kinikilig na sabi ni Kate.
"Oo nga, pare? Try mo lang. Wala namang mawawala." pagsang-ayon ni Renz.
Hanggang sa pagbalik namin sa hotel ay iniisip ko pa rin yung mga pinagsasabi nila. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa ganung bagay dahil never pa akong humingi ng sign.
Bago ako matulog ay 'yon pa rin ang nasa isip ko. 2AM na pero mulat na mulat pa rin ako. Hindi ako makatulog dahil sa letseng sign na 'yon. Hindi ko naman kailangan no'n, eh. Bakit ba hindi pa ako patulugin ng isip ko?
3AM na at hindi pa rin ako makatulog. Fine! Sige na, gagawin ko 'to para sa ikatatahimik ng isip ko. I'll ask Lord for a sign! Susubukan ko.
Tumayo ako para umupo sa kama ko. Pumikit ako at nag-sign of the cross.
"Lord, para lang po sa ikatatahimik ng konsensya ko. Wala po akong alam sa mga sign na 'yan pero gusto ko lang pong subukan. Para na rin po sa ikatatahimik ng mga bunganga ng mga kaibigan ko. Kung sino man ang babaeng makikita kong nakasuot ng damit na mayroong red and white stripes bukas, 'yon yung taong para sa'kin." sambit ko at saka iminulat ang aking mata.
Pagkatapos noon ay nahiga na ulit ako. Alam kong kabaduyan yung ginawa kong 'yon pero sinubukan ko lang naman. Alam ko namang hindi totoo 'yon at wala ring patutunguhan 'yong mga sinabi kong iyon. Sino bang maniniwala na mangyayare 'yon? Ginawa ko lang 'yon para matahimik ang isip ko at nang sa ganun, makatulog na ako.
Ilang sandali pa ay hindi ko namalayan ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko. Nawalan na ako ng malay sa aking paligid at tuluyan nang nakatulog.
KINABUKASAN...
Nagising ako 10AM na ng umaga, resulta ng late kong pagtulog kaninang madaling araw. As usual, may eyebags ako at wala pa sa kondisyong bumangon mula sa pagkakahiga. No choice, kailangan kong tumayo para sa araw na 'to. Dumiretso agad ako sa loob ng banyo at naligo para maalis ang antok ko. Matapos 'yon ay nagbihis na ako at nagready nang bumaba sa baba ng hotel. Nagshades na rin pala ako dahil hindi ako komportable sa eyebags na sumisilip sa mga mata ko. Hays.
Bumaba ako sa mismong hotel at naabutan ko yung mga kaibigan kong kumakain sa may bench. Agad nila akong tinawag ng mapansin nila ako. Pumunta naman ako sa kinauupuan nila, gutom na rin kasi ako.
"Oh? Naka-shades? Bakit?" tanong ni Luna.
"Puyat ako, eh. 3AM na 'ko nakatulog kanina. Malaki ang eyebags ko." sagot ko sabay dampot ng hipon na kinakain nila.
"Ano na naman ba kasi yung iniisip mo kagabi at napuyat ka ng ganyan?" tanong ni Kate na nagpaalala sa'kin ng isang bagay.
Sign nga pala yung dahilan kung bakit ako napuyat ng ganito. Letseng sign na 'yon? Pahamak.
"Nasaan nga pala si Enzo?" tanong ko sa kanila nang mapansin kong wala siya.
"Umakyat ulit sa hotel, di mo ba nakasalubong? Nagpalit ng damit, natapunan kasi ng gravy." sagot ni Vin habang nginunguya ang kinakain niya.
Tumango nalang ako atsaka kumuha ng kanin at ulam dahil kanina pang kumakalam ang sikmura ko.
Maya-maya pa ay sa kalagitnaan ng kainan naming lima ay biglang nagsalita si Renz.
"Ayon na pala si Enzo, oh." turo niya mula sa likod ko kung kaya't lahat kami ay napatingin sa direksyon niya.
Nang ibaling ko ang ulo ko sa tinuro ni Renz, nagulat ako sa nakita ko.
Si Enzo, nakasuot ng red and white stripes na sando. No way.