Natigilan ako sa pagnguya ng makita si Enzo at ang suot niyang 'red and white' stripes na sando. Eksakto doon sa kulay ng damit ng hinihingi kong sign kagabi. Bakit parang mali yata ang binigay na sign ni Lord? Hindi naman si Enzo yung taong hinahanap ko, eh. Lilinawin ko lang, babae ang hinahanap ko. Hindi lalake.
Habang nakatitig ako sa suot na damit ni Enzo ay lumapit na siya sa'min at umupo sa tabi ko. Ako nama'y lumingon-lingon sa paligid upang tingnan kung mayroon pang tao akong makikita na nakasuot ng red and white stripes na damit. Pero nabigo ako, wala akong makita.
"Uy, pare. Sinong hinahanap mo? Okay ka lang?" tanong ni Enzo na hinawakan ang balikat ko.
"Ah, wala. Pinagmamasdan ko lang yung mga tao dito sa resort. Mukhang pa-unti ng pa-unti kasi." sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain ko.
Tumango nalang siya at nakipagkwentuhan na kila Renz at Luna. Ako nama'y tinapos na ang pagkain ko at nagpasyang magpaalam muna sa kanila para umakyat sa kwarto ko.
"Teka, kabababa mo lang ah? Aalis ka na agad dito?" seryosong tanong ni Enzo.
"Ah, magpapahinga muna ako saglit. Medyo puyat ako, eh." nakangiting sagot ko at nagpaalam na sa kanila.
"Sige, basta babalik ka pare mamaya ha?" bilin ni Vin.
"Oo, ako pa ba? Haha." tugon ko.
"Itulog mo muna 'yang eyebags mo! Hahaha!" biro naman ni Luna na ikinatawa nila.
Hindi ko naman na sila pinansin pa at hindi na lumingon pa sa kanila. Dumiretso na ulit ako sa hotel at pumunta na sa kwarto ko. Medyo wala kasi ako sa kondisyon ngayon, eh. Nahihilo ako at inaantok pa.
Nang makapasok na ako sa kwarto ay agad kong inalis ang suot kong shades at nahiga sa kama. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang matulog. Ilang sandali pa ay biglang sumagi sa isip ko yung sign na hiningi ko kagabi. Nakita ko nga yung sign na hinihingi ko, sa lalake naman. Tumayo ako at umupo sa kama bago nag-isip ng isa pang sign na hihingin ko.
"Babaeng may dalawang taling sa tiyan." sambit ko.
Naisip ko kasi, maraming mga babaeng nakasuot ng kanilang mga underwears lang. Sa pamamagitan noon, makikita ko yung kabuoan ng tiyan nila kung may taling talaga sila doon. Sigurado, isa sa mga makakasalubong kong babae dito ay mayroong ganun.
Nang makontento, nahiga na ulit ako at natulog. Ilang sandali pa ay nahimbing na ako sa aking kama.
Nagising ako 1PM na ng hapon. Medyo mahaba pala ang naging pag-idlip ko at pakiramdam ko, mas ayos na ako ngayon kesa kanina. Nagpalit na ako ng sando bago naisipang bumaba kung nasaan ang mga kaibigan ko.
Pagdating ko sa baba ay nakita ko silang naliligo sa dagat, maliban kay Enzo na nakaupo lang sa isang bato malapit sa kanila.
"Oh, Rylan? Gising ka na pala?! Halika na dito, maligo na tayo! Hindi naman gaano mainit, oh?!" sigaw sa'kin ni Luna habang nagtatampisaw sila sa tubig.
"Oo nga, pare! Yayain mo na rin 'yang si Enzo na maligo! Tara na!" sambit ni Renz at nagdive na pailalim ng tubig.
"Sige, mamaya!" nakangiting sagot ko kanila na masayang lumalangoy doon.
Nilapitan ko naman si Enzo at tinabihan ito sa pagkakaupo. Nanunuod lang siya kila Renz at nakangiting pinagmamasdan ito.
"Pwedeng umupo?" nakangiting tanong ko.
"Oo naman, pare. Wala rin kasi akong kausap dito, eh. Musta tulog mo?" tanong niya.
"Ayos naman, mas magaan na pakiramdam ko ngayon kesa kaninang umaga." tugon ko.
"Ah, gano'n ba? Bakit ka nga pala napuyat kagabi? Anong ginawa mo?" tanong niya kaya't natigilan ako.
Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na kaya ako napuyat at nakatulog ng 3AM ay dahil sa kaiisip sa sign na hihingin ko kay Lord. Masyado naman yatang nakakahiya kung sasabihin ko pa ang tungkol doon. Kaya no choice, kailangan kong gumawa ng konting kasinungalingan. Hehe.
"Ah, wala. Hindi lang talaga ako makatulog nun." sagot ko sabay baling ng tingin sa iba.
Tumango nalang siya at bumaling na ulit yung atensyon sa mga kaibigan naming naliligo. Ako nama'y napukaw ang pansin sa mga babaeng dadaan sa harap namin ngayon. Tatlong babaeng magaganda at sexy sa suot nilang underwears. Sadyang inabangan ko talaga sila para tingnan kung sino sa kanila ang mayroong dalawang taling sa tiyan. Isa-isa ko silang mabilis na tiningnan bago sila makalampas sa akin, ngunit wala akong nakita. May ilang mga dumaan pang mga babaeng kita ang tiyan ngunit wala sa kanila ang hinahanap ko. Hays.
Ilang sandali pa dahil sa pagkainip ay naisipan kong tumayo at pagmasdan ang mga nagsasaya kong kaibigan. Medyo nainggit ako sa ginagawa nila kaya naisipan kong hubarin ang sandong suot ko at maligo kasama sila. Ngunit bago ako pumunta doon ay lumapit muna ako kay Enzo para yayain siyang sumama.
"Pare, tara sumama sa kanila?" alok ko sa kanya.
"Sige, naiinitan na rin kasi ako eh." sagot niya at walang ano-ano pa'y naghubad na rin ng sandong suot niya.
Sa di ko malamang dahilan ay bigla akong napatingin sa tiyan niya. Nabigla ako ng hindi lang abs ang nakita ko, pati ang dalawang magkasunod na taling na malapit sa pusod niya. What the?
Sa gulat ko ay bigla akong natigilan ng makita iyon. Eksaktong-eksakto sa hinihingi kong sign, pero bakit sa kanya? Medyo naguluhan ako sa nakita kaya agad ko siyang tinanong.
"May dalawang taling ka pala dyan sa tiyan mo? Astig, ah." wala sa tong sabi ko.
"Ah, ito? Oo, lucky moles daw 'yan sabi ni Mommy. Bakit?" tugon niya sabay turo nung posisyon ng dalawang taling sa tiyan niya.
"Wala lang naman, napansin ko lang." seryosong sagot ko at tumalikod na sa kanya.
"Tara na, pare." nakangiting sabi niya at dumiretso na sa tubig.
Ako nama'y hindi pa rin makaget-over sa mga nangyayari sa'kin ngayong araw na 'to. Una, yung sign na red and white stripes na sando. Pangalawa, yung dalawang taling na sign na hinahanap ko. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit lahat ng 'yon kay Enzo ko nakikita? Ang weird.
Nagswimming nalang ako kasama sila. Natapos iyon mga bandang alas-sais na ng gabi. Dumiretso na kami sa aming mga kwarto upang magbihis at nang matapos kaming mag-ayoa, bumaba na rin para kumain ng dinner. Iniisip ko pa rin talaga yung tungkol sa mga signs na hinihingi ko, nagkataon lang siguro.
Katatapos lang naming kumain ng may naisip na naman akong isang sign na siguradong mangyayare. Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan bago magpasya ang lahat na bumalik na sa kanilang mga kwarto. Ako naman ay nagpaiwan para sa pangatlong sign na susubukan kong hingin.
Kung sino man ang lumapit sa'kin para hingin ang personal contact number ko, siya na 'yon! Naikwento kasi sa'kin ni Renz na dito sa Palawan kapag gwapo ka o may itsura, babae mismo ang lalapit sa'yo para kunin ang cellphone numbee mo. Kaya for the 3rd sign, 'yon ang gagawin ko.
Matapos umakyat nila sa kanilang mga kwarto ay ako nama'y naglakad-lakas muna sa tabi ng beach. Medyo marami pa yung tao dahil 9AM palang naman at namamasyal pa yung iba. Medyo marami yung mga kababaihan dito kaya siguro, yung pangatlong sign na hinihingi ko at effective na.
Maraming mga babaeng tinitingnan ako at nakatingin sa pagdaan ko. Akala ko may lalapit sa'kin pero wala. Wala ni-isang babaeng lumapit sa'kin. Lahat sila nakatingin lang sa'kin at hindi gumagawa ng move para lapitan ako. Well, ano pa bang aasahan ko? Palpak na naman.
Nagpasya akong maglakad na pabalik sa hotel. Ano nga bang mapapala ko sa mga sign na 'yan? Hindi naman totoo 'yan, eh. Pinapaasa lang niyan ang tao. Atsaka, bakit ko ba pipilitin kung wala talaga? Hindi naman ako nagmamadali sa paghahanap ng babaeng magiging girlfriend, eh. Hindi naman hinahanap ang love eh, dumadating 'yan. Nagsasayang pala ako ng oras, eh. Tss.
Habang naglalakad ako ay nakapasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong short at nakayuko akong nagpatuloy. Ilang sandali pa ay may napansin akong nakatayo sa harap ko. Agad akong humarap doon at napansing si Enzo pala 'yon.
"Oh, pare? Bakit nandito ka pa? Akala ko, pumasok ka na sa loob?" tanong ko sa kanya.
"Oo nga pero bumaba ukit ako para hanapin ka." tugon niya.
"Hanapin ako? Bakit?" tanong ko.
"Nakuha ko na lahat ng mga numbers nila. Yung sa'yo nalang yung kulang. Pwede bang makuha ang number mo?" nakangiting tanong niya habang hawak ang kanyang cellphone.
Nang mga oras na 'yon ay parang nagimbal ang buong pagkatao ko, nang marinig ko iyon mula sa kanya. Tila sasabog ang utak ko ng sabihin niya ang bagay na 'yon. Ang pangatlong sign na hinihingi ko, sa kanya ko na naman nakuha?! This is not happening, men!
"Uy, pare. Ayos ka lang ba?" tanong niya ng mapansing hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
"O-okay lang a-ko." utal na sabi ko sabay kuha ng cellphone niya at type ng number ko. "Eto na, oh."
"Salamat." nakangiting sagot niya.
Matapos 'yon ay bumalik na ako sa pagkalito sa mga weirdong bagay na nagpapagulo sa isip ko. Bakit lahat ng signs na hinihingi ko ay kay Enzo ko nakikita at nakukuha? Anong meron sa kanya? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? O sadyang nasisiraan na ako ng bait? Ang weird ng araw na 'to.
Bumalik kami ng sabay ni Enzi sa hotel ng halos walang imikan. Malalim kasi ang iniisip ko tungkol sa bagay na 'yon na sobrang weird. Ewan, itutulog ko nalang siguro 'to para bukas wala na. RIP Signs.