Matapos ang mga weird na pangyayari kahapon, hindi na ako humingi pa ng kahit anong signs. Baka kasi iba na naman ang maging kalabasan and besides, wala rin namang patutunguhan iyon.
Maaga akong nagising kasama ang mga kaibigan ko at si Enzo. 6AM palang siguro ay bumaba na kami ng hotel para kumain ng breakfast. May pupuntahan daw kami sabi ni Renz na mukhang sabik na sabik sa lugar na ipapakita sa'min. Wala akong idea kung saan 'yon kaya sumunod nalang kami sa kanya. Naglalakad kami ngayon sa mala-bundok na lugar na malapit lang sa may resort.
"Matagal pa ba? Kanina pa tayo naglalakad, eh." inis na reklamo ni Kate kay Renz.
"Malapit na, sandali nalang." sagot ni Renz na nasa unahan namin.
"Saan ba kasi 'yon, Renz? Sigurado ka bang alam mo yung lugar na pupuntahan natin?" tanong naman ni Luna na hinihingal na.
Medyo matarik kasi yung bundok na nilalakaran namin kaya medyo pagod na kaming lahat.
"Oo, ako pa ba? Tiwala lang." kompyansang sagot ni Renz na patuloy lang sa paglalakad.
"Pare, saan mo ba kasi nakita yung lugar na pupuntahan natin? Anong meron doon? Wala bang clue manlang?" tanong ni Vin.
"Sa google, pare. Basta, surprise nalang. Magugustuhan niyo yun sigurado!" nakangiting tugon ni Renz.
Ako nama'y hindi makapagsalita dahil sa hingal ko. Nakakapagod at gusto ko munang magpahinga. Kinuha ko yung mineral water ko sa loob ng bag na suot ko. Wala na palang laman, ubos na pala kanina pa. Hays. Paano na ngayon 'to? Uhaw na uhaw na 'ko. Shet.
"Okay ka lang, pare?" tanong sa'kin ni Enzo nang makitang tumigil ako sa paglalakad.
"Oo, ayos lang ako. Napagod lang." nakangiting sabi ko habang patuloy sa pagtagaktak yung mga pawis ko.
"Eto pare, oh." sambit niya sabay abot sa'kin nung mineral water na hawak niya.
"Huwag na, sa'yo 'yan eh. Baka maubos ko 'yan kapag ininom ko pa." biro ko.
"Hindi, sige na. Hindi naman ako nauuhaw, eh. Alam kong uhaw ka na rin." sabi niya kaya napilitan akong kunin 'yon sa kanya.
"Salamat, Enzo." nakangiting sabi ko matapos inumin 'yon.
"Wala 'yon. Tara na, maiiwanan na tayo." sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa aming lugar na pupuntahan.
"Tada! Eto na 'yon guys! Nandito na tayo sa sinasabi ko! Look!" sigaw ni Renz habang pinapakita ang kabuuan ng lugar.
Nang makita namin yung sinasabi ni Renz ay halos lahat kami namangha dahil sa ganda ng lugar. Isa siyang mala-higanteng bato na sa tuktok ay matatanaw mo lahat sa ibaba. Nang sumilip kami sa ibaba ay nakita namin ang tubig sa ilalim nito. Tanaw rin namin ang resort na hindi gaanong kalayuan mula doon.
"Wow, sobrang ganda dito!" bulalas ni Luna na inikot ng mata ang buong paligid.
"Ganda diba?" sambit naman ni Renz.
"Tara, picture-picture tayo!" pagyayaya ni Kate na naglabas ng cellphone.
Lahat kami nagsama-sama at nag-groupie sa kanya-kanyang mga cellphones. Matapos iyon ay umupo na kaming lahat. Ibinaba ko muna ang bag na suot ko at inilapag ang cellphone na hawak ko.
"Alam niyo? Masarap daw tumalon dyan. Hindi naman ganun kataas, eh." sambit ni Renz.
"No way, noh! Baka mamaya ma-dead tayo dyan!" tugon ni Kate.
"Tara subukan natin!" sabi ni Luna at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.
Nagulat kami ng makitang susubukan niyang tumalon doon kaya agad akong tumayo para pigilan siya.
"Luna, huwag!" sigaw ni Vin.
"Besh!" sigaw naman ni Kate.
Bago pa siya makatalon ay agad ko siyang hinablot palayo doon, pero sa di inaasahang pagkakataon ay ako ang napunta sa pwesto niya at hindi ko na na-kontrol ang lahat.
"Rylan, ingat!" sigaw ni Enzo.
"Si Rylan mahuhulog!" nagpa-panic na sigaw ni Luna kaya lahat sila napatayo.
Ako nama'y nadulas sa mga bato at damong inaapakan ko kung kaya't hindi ko na namalayang unti-unti na pala akong nahuhulog. Napasigaw nalang ako ngunit huli na ang lahat at bumagsak na ako sa ilalim ng tubig. Marunong akong lumangoy pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Napupulikat yata ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Unti-unti akong nagpanic hanggang sa unti-unti na akong hindi makahinga. Napansin ko nalang ang isang taong sumisid at hinawakan ang kamay ko. Matapos iyon ay unti-unti na akong nawalan ng malay.
Namalayan ko nalang ang mga boses ng mga kaibigan ko. Hindi ko masyadong maintindihan at marinig iyon dahil nanghihina pa ako at hindi makahinga ng maayos.
"Omg, What happened to him?"
"Anong gagawin natin?"
"Iligtas niyo siya! Bilisan niyo! Gumawa kayo ng paraan!"
"Sinong marunonf dito mag-CPR?"
" Cardiopulmonary resuscitation, may maalam ba nun sa inyo?"
"Ako, kaya ko! Nagtraining na kami nito. Alam ko yung gagawin."
"Sige pare, gawin mo na!"
Naramdaman ko nalang ang pagbigat ng dibdib ko pero hindi pa rin ako makahinga.
"Anong nangyare, pare?"
"Bakit hindi pa rin siya gumigising?"
"Kailangan mo siyang i-mouth to mouth,"
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang hangin na dumaloy sa bibig ko kung kaya't nakaramdam ako ng relief. Unti-unti akong nakahinga ng maluwag at nailabas ang mga tubig na bumara sa loob ko.
Nang magkamalay na agad ako ay unti-unti akong bumwelo ng pag-ubo dahil sa mga tubig na nainom ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad na bumugad sa'kin ang mukha ni Enzo. Basang-basa siya at iwinawagayway ang kamay sa harap ko.
"Pare, okay ka na? Uy." sambit niya sabay hawak ng mukha ko.
"Rylan? Okay ka na ba? Nag-alala kami sa'yo!" medyo emosyunal na sabi ni Kate.
"I'm so sorry, Rylan. Kasalanan ko 'to." umiiyak na sambit naman ni Luna.
"Akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo, pare. Mabuti nalang at ligtas ka." seryosong sabi ni Vin at tinapik-tapik ang braso ko.
"Uy, magsalita ka naman pare. Okay ka na ba talaga?" tanong pa ni Renz.
"Don't worry, ayos lang ako." mahinang tugon ko sa kanila na hinahabol pa ang aking paghinga.
"Sorry talaga, Rylan. Kung hindi ako nagbirong tatalon, hindi ka sana napahamak." umiiyak pa ring sambit ni Luna.
"It's okay, wala kang kasalanan." sagot ko ngunit nawalan na rin ako ng malay matapos iyon.
"Pare," huling salitang narinig ko mula kay Enzo bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Nagising ako na nasa loob na ako ng aking kwarto at iba na ang suot kong damit. Agad akong bumangon para tingnan kung anong oras na. 1PM na ng hapon at hindi ko maalala ang mga nangyari. Ang tanging naaalala ko lang ay nahulog ako sa bundok na pinuntahan namin kanina at bumagsak ako sa tubig.
Nabigla ako ng may pumasok sa kwarto ko. Si Enzo na may dalang maliit na basket.
"Oh, pare? Gising ka na pala?" nakangiting sabi niya at lumapit sa tabi ko.
"Kagigising ko lang, anong nangyari?" tanong ko sa kanya.
"Nahulog ka kanina doon sa bundok. Nawalan ka ng malay matapos kitang i-CPR. Sabi ng doktor, may slight asthma history ka raw kaya hindi mo masyadong nakayanan yung paghinga kanina. Pinag-alala mo kaming lahat, kamusta na ang pakiramdam mo?" paliwanag niya.
"Ayos na ako, napagod lang siguro mula sa pag-akyat ng bundok kanina. Akala ko, katapusan ko na kanina nung hindi ko maramdaman yung mga binti ko. Akala ko, tuluyan na akong malulunod. Ikaw ba yung nagligtas sa'kin sa ilalim ng tubig kanina?" tanong ko sa kanya na umuupo sa tabi ko.
"Oo, ako nga. Tumalon agad ako nang makita naming hindi ka na lumutang ulit. Nag-alala ako sa'yo, pare." seryosong sabi niya na ramdam ko yung kaba.
"Salamat, Enzo. Sa pagligtas ng buhay ko. Akala ko malalagutan na ako ng hininga kanina. Mabuti nalang nandyan ka." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Wala 'yon. Hindi naman kita hahayaang napahamak, eh. Atsaka isa pa, tutulungan mo pa kong magmove-on diba?" biro niya.
"Ibig sabihin, kung hindi kita tutulungan magmove-on. Hindi mo 'ko ililigtas?" medyo seryosong tanong ko sa kanya.
"Ano ka ba naman, pare? Syempre, ililigtas pa rin kita. Ikaw pa? Importante ka sa'kin, eh." nakangiting tugon niya sabay akbay sa'kin.
Nang mga oras na iyon ay hindi ko maintindihan yung biglaang pagbilis ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa loob ko at tila kumakabog yung dibdib ko. Lumakas pa yun ng lumakas habang nakaakbay sa'kin si Enzo.
Ngayon ko lang naramdaman 'to at hindi ko alam kung bakit ganito nalang yung epekto sa'kin ng mga sinabi niya. Pakiramdam ko may nagbago sa loob ko at dahil 'yon sa kanya. Hindi ko sigurado kung ano 'yon pero hindi ito tama. UGH.