Chapter Fifteen

1066 Words
7 days na kami dito sa Palawan. Isang buong linggong puro saya at dramahan. Isang linggo na rin lang ay matatapos na ang aming pananatili dito sa resort. Ang ika-anim at pito na siguro ang dalawang pinaka-weirdong araw na naranasan ko dito sa El Nido. Una, yung tatlong signs na hiningi ko mula kay Lord. Lahat 'yon ay nakita ko kay Enzo, as in sa kanya lang. Pangalawa, yung pag-save niya sa'kin kahapon sa pagkalunod ko sa dagat at yung mga sinabi niya na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Pangatlo, yung nararamdaman kong kakaiba para kay Enzo na patuloy kong nararamdaman hanggang ngayon. Hindi ko alam kung normal pa 'to dahil sa tuwing makikita o makakasama ko siya, mas bumibilis yung pagkabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko naman ito nararamdaman sa kanya nitong mga nakalipas na araw, ngayon lang talaga. Hindi ako sigurado pero habang tumatagal na nakakasama ko siya, lalo siyang napapalapit sa'kin. Hindi ko alam kung paano 'to sasabihin o ipapaliwanag manlang sa sarili ko pero habang tumatakbo ang oras, nagugustuhan ko na siya. Alam kong isa 'tong malaking kahibangan at sabihin na nating kabaklaan pero hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman kong 'to sa kanya. Hindi ko alam kung paano 'to nagsimulang mabuo sa isip ko. Ang alam ko lang, masyadong mabilis lahat. Abnormal na yata ako, eh. Asar. Straight ako at 'yon ang totoo. Never in my life na sumagi manlang sa isip ko na magkaroon ako ng kahit katiting na pagtingin sa kapwa ko lalake. Hindi talaga, 'yan ang totoo. Babae ang gusto ko at hindi 'yon magbabago. Siguro masyado lang akong nahihibang o baka masyado lang akong maraming nainom na tubig nung nalunod ako. Kaya napasukan siguro yung ulo ko at nararamdaman ko 'to. Ewan. Siguro masyado lang akong nag-iisip sa mga ganitong bagay na hindi naman dapat i-issue sa sarili ko. Ugh. 12PM na at saktong nakahiga ako sa kama ko nang may kumatok bigla sa pinto. "Nandyan na, saglit lang." sambit ko doon sa kumakatok at tumayo na ako para buksan iyon. "Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala? Tara na, mag-lunch na tayo. Nandoon na sila sa baba." bungad sa'kin ni Kate nang buksan ko ang pinto. "Pasensya na, nahilo lang kasi ako eh. Tara?" sabi ko at sumama na sa kanya sa baba. Pagkalabas namin ng elevator ay dumiretso kami sa bench na lagi naming kinakainan. Nandun na rin ang mga kaibigan ko at si.......Enzo? Nang makita siya ay biglang na namang bumilis yung t***k ng puso ko at kinabahan habang papalapit sa kinauupuan nila. Lumapit na kami at ang umupo. Katabi ko si Enzo dahil wala akong choice na mauupuan kasi occupied na nila lahat. Kumuha na ako ng plato at pagkain. Tahimik kong kinain ang aking pagkain habang sila naman ay patuloy na nagke-kwentuhan. Sa totoo lang? Wala talaga ako sa lugar makipagtalastasan ngayon. Wala talaga. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay bigla akong kinausap ni Enzo. "Okay ka lang ba? Pansin ko, kanina ka pa hindi nagsasalita dyan, eh. May problema ba?" nagtatakang tanong niya sabay hawak sa balikat ko. Nabigla ako ng hawakan niya yung balikat ko kung kaya't napalunok ako ng bahagya. Hindi ko alam kung bakit ako napa-praning ng ganito. Hindi naman ako ganito nitong mga nakaraang araw, ah? "Wala, medyo nahihilo lang ako." sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. "Sigurado ka ba? Namumutla ka, eh. Baka may sakit ka?" tanong pa niya. "Wala, ayos lang ako. Wala lang talaga ako sa lagay magsalita. Pasensya na." sagot ko pero ang totoo, naiilang ako sa kanya. Tumango nalang siya at nakipagkwentuhan na sa iba. Ako nama'y medyo naiilang pa rin sa kanya. Ewan ko pero parang may nagbago. Hindi ko alam kung sa kanya o sa akin pero hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko. Masyadong magulo. Matapos kumain, dumiretso na ulit ako sa aking kwarto dahil medyo wala ako sa mood para makipagkwentuhan sa kanila. Pagdating ko doon ay nahiga agad ko sa aking kama at sinubukan kong ipikit ang mata para maidlip. Nang maalalang katatapos ko lang kumain ay bumangon ako at naupo. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang mga messages na hindi ko nabasa. Unang-una doon ang text ni text ni mama. Agad kong binuksan iyon para basahin ang mahaba nitong laman. From: Mama, Anak, kamusta ka na? Okay ka na ba? Masakit pa ba ang ulo mo dahil sa nangyari sa'yo kahapon? Gusto mo bang pumunta ako dyan para alagaan ka? Received 8am Nang mabasa ko ang text ni mama na 'yon ay napahilamos nalang ako sa mukha. Eto na naman si mama, masyado na naman siyang nag-aalala sa'kin. Nireplyan ko naman kaagad siya matapos 'yon. To: Mama, Ma, ayos na po ako. Huwag na po kayong mag-alala at mag-abala pang pumunta dito. Okay na po ako. :) Sent!!! Matapos iyon ay itatabi ko na sana ang cellphone na hawak ko ngunit napansin ko ang isa pang unread message sa inbox ko. Unknown number iyon at hindi ko alam kung kanino galing kaya binuksan ko nalang para basahin. From: 09524475*** Gising ka pa ba? Kamusta na ang pakiramdam mo? Si Enzo nga pala 'to. Pahinga ka ng mabuti. Good night. :) Received 11pm Pagkatapos kong basahin ang message na 'yon ay natigilan ako bigla. Naalala ko, binigay ko nga pala yung number ko sa kanya noong isang gabi. Ilang minuto kong pinakatitigan ang message na 'yon galing kay Enzo at hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko. Bumibilis na naman kasi at hindi ko na naman makontrol ang sarili ko. Itinabi ko na muna iyon sa lamesa at hindi na muna naisipang magreply sa kanya. Hindi ko na rin pala nai-save ang number niya. Nahiga na ulit ako at sumubok ulit pumikit. Ano bang nangyayari sa'kin? Pakiramdam ko napakaraming bagay na tumatakbo sa isip ko. Mga bagay na hindi ko dapat nararamdaman o pinag-iisipan manlang. Isang linggo palang kami dito at mula ng makilala si Enzo. Hindi ako bakla at kahit kailan hindi ko pinag-isipan ng ganun ang sarili ko. Ayoko munang bigyan ng kahulugan 'tong nararamdaman ko para kay Enzo. Wala namang kasiguraduhan 'tong mga iniisip ko sa kanya at isa pa, siguro magulo lang talaga ang utak ko ngayon. Ewan ko pero kung ano man 'to, hindi ako sigurado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD