Dumiretso na kami sa hotel na walking distance lang mula sa dagat. Ang astig nga, eh. Kahit anong oras pwede kang magswimming. Malaki yung hotel na pagche-check-inan namin. Si Kate na yung nag-booked sa'min lahat dahil siya yung may hawak ng promo. Since lima kaming lahat na covered ng promo, limang rooms din ang gagamitin namin. May mga number ang bawat kwarto at halos magkakatabi lang yung mga kwarto naming lima. Si Renz sa room # 05, # 07 yung kay Vin, at magkasunod naman yung dalawang babae na nasa room # 10 at 11. Ako naman ay nasa room # 15, panghuli sa mga kaibigan ko. Yung mga kasunod naming kwarto naman ay para sa iba pang guest tulad namin.
"Oh, paano guys? Kita nalang tayo mamayang 4pm? Swimming time?" sabik na sabi ni Luna habang umaakyat nakasakay kami ng elivator.
"Okay 'yan, besh! I'm so excited na talaga!" tugon ni Kate na may pa-talon talon pa.
2pm na at kailangan muna naming magpahinga para mamaya. Medyo nakakapagod kasi yung biyahe sa eroplano at van, eh. Nang magbukas na yung elivator sa 2nd floor ay agad kaming pumunta sa aming mga kwarto.
"4pm guys!" pahabol ni Kate.
"Okay, sige." pagsang-ayon naming tatlong lalake sa kanya bago pumasok sa kaniya-kaniyang kwarto.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay nag-dive agad ako sa napakalambot na kama nito dahil sa sobrang pagod. Pakiramdam ko ang sakit ng batok ko. Hindi kasi ako makatulog ng maayos sa eroplano kanina, eh. Hinubad ko nalang ang aking sapatos at nilapag ang dala kong bag sa sahig. Ang lamig sa loob ng kwarto dahil sa aircon kaya hindi rin nagtagal ay nakatulog ako.
Paggising ko ay pasado alas tres na ng hapon. Inayos ko na ang mga gamit ko at dumiretso ng banyo para magshower. Wala kasi akong balak magswimming mamaya, gusto ko munang enjoyin yung tanawin nitong buong resort. Matapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng isang kaswal na fitted short at isang grey na sando. Nag-ayos na ako ng aking buhok at naglagay na ng pabango sa katawan ko. Nang makapag-ayos na ako ng aking sarili ay lumabas na ako para bumaba sa pagkikitaan naming magkakaibigan. Pagkababa ko ay nakita ko sila Vin at Renz na naka-shorts lang na walang pang-itaas na damit. Nilapitan ko naman agad sila.
"Nasaan yung dalawa?" tanong ko sa kanila dahil wala yung dalawang babae.
"Alam mo naman yung mga 'yon. Sigurado, nag-aayos pa yun ngayon." sagot ni Renz habang sinusuot ang kanyang shades.
"Ah, ganoon ba? Sige, hintayin nalang natin." tugon ko.
"Oh, andyan na pala sila eh." sambit ni Vin kaya napatingin ako sa likod ko.
Pagtingin ko ay nakita ko sila Kate at Luna wearing only their undies. At sobrang hot nila, yeah sobra. Kung hindi ko nga lang kaibigan 'tong mga to ay baka nagkagusto na ako sa kanila. Ang se-sexy nila suot yung kanilang blue and pink bikinis. Nakatali yung buhok nila habang nakasuot ng shades, na lalong nagpa-sexy sa kanila. Wow.
"Wow. Ang sexy, oh." sambit ni Renz na napasipol pa ng bahagya.
"Grabe, revealing men! Hot niyo, girls!" natutuwang sabi nitong si Vin.
"Ofcourse, we are!" sagot nung dalawa na napa-kindat pa.
"Ayos 'yang suot niyo, ah? Lalo kayong gumanda." bati ko sa kanila.
"We know right! Thanks!" sambit ni Kate na pumowsing pa ala modelo.
"So, let's go guys?" pagyayaya ni Luna.
"Sige, kayo nalang muna. Dito muna ako." nakangiting sabi ko sa kabila.
"Bakit? Tara na kasi! Swimming time, remember?" maarteng sagot ni Kate.
"Oo nga, pare. Tara na!" dagdag ni Vin.
"Wala pa ko sa mood, eh. Maybe, mamaya nalang?" sagot ko at hindi naman sila nagpumilit pa.
"Okay, suit yourself pare." nakangiting tugon ni Renz at tumakbo na papunta sa dagat.
"Bahala ka dyan, swimming muna kami. Bye!" sabi ni Luna at tumakbo na rin kasama yung tatlo.
Ako nama'y naiwan doong nakatayo habang pinapanood silang magtampisaw sa tubig. Ang kukulit talaga nila, parang mga bata lang? Hahaha.
Naglakad-lakad nalang ako para libutin ang paligid ng resort. Medyo maraming tao dito sa resort pero hindi sobrang dami dahil halos mga turista lang yung mga nandito. Halos lahat ng mga nakikita at nakakasalubong ko mga foreigner. September palang kasi ngayon kaya hindi masyadong marami ang pumupunta dito. Pumunta ulit ako doon sa pinaka-unang bahagi ng resort kung saan kami nagtigil kanina para kumuha ng mga litrato. May mga benches doon na konti lang ang mga tao. Naisipan kong umupo sa buhangin dahil maganda ang tanawin mula dito.
Nabaling ang atensyon ko sa isang bench sa kaliwa ko. Nakita ko ulit yung lalake kanina na mukhang kano at umiinom ulit siya. Siguro, may pinagdadaanan 'tong taong 'to kaya ganun nalang siya lumaklak ng alak? Kanina pa siya doon, eh. Makikita mo sa buhangin yung mga boteng nagkalat na sa tingin ko'y sa kanya. Mukha siyang miserable. Nakasuot din siya ng sandong fit na fit sa kanya at isang short na. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya. Gwapo rin 'tong isang 'to, medyo na-insecure tuloy ako sa kanya. Well, gwapo ako pero nai-insecure lang talaga ako kapag may nakikita akong lalakeng mas tisoy sa'kin.
Nakatitig lang ako sa kanya at pilit na kinikilatis yung buo niyang katawan. Mukhang malaki ang pangangatawan nito na makikita sa kanyang mga malalaking biceps. Hindi naman ako nakaramdam ng insecurity sa parteng 'yon dahil pagdating sa katawan ay may ibubuga rin ako. Nagji-gym rin kasi ako kaso tuwing weekend nalang. Masyado na akong busy, eh.
Sa pagtitig ko sa kanya ay bigla siyang napatingin sa akin. Agad ko namang iniwas yung tingin ko at diretso nalang tiningnan ang dagat. Mahirap na, baka kung ano pa'ng isipin nito. Kahit nakatingin ako sa harap ng dagat ay ramdam kong nakatingin pa rin siya sa'kin. Para akong tinutusok kaya agad ko siyang nilingon at nakatingin nga siya sa'kin. Nakatitig siya habang hawak ang iniinon niyang beer. Binigyan ko lang siya ng seryong tingin bago ako tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi na ako lumingon pa at dumiretso nalang sa paglalakad pabalik sa hotel. Nasa kalagitnaan palang ako ng aking paglalakad ay nagulat ako ng biglang may nagtakip ng mata ko at may bumuhat sa akin.
"Hey! Stop it!" pagpupumiglas ko pero huli na ang lahat at nasa tubig na ako.
Pagmulat ko ay nakita ko ang nagtatawanan kong mga kaibigan. Sila pala yun, ha? Kahit kailan talaga nakakaasar sila!
"I hate you, guys!" inis kong sabi sa kanila na patuloy ang pagtawa.
"Hahaha! Nakita kasi naman pare, masyado kang seryoso." natatawang sabi ni Vin habang binabasa ako. Shet.
"Oo nga, Rylan. Nandito tayo para mag-enjoy! Hindi para magsenti! Hahaha!" pahabol pa ni Kate.
Ano? Senti? Hindi naman ako nagse-senti, ah? Para namamasyal lang ako mag-isa, senti na agad? Loko 'to, ah?
"Maglove-life na kasi.." pagsingit ni Renz at binasa ako ng tubig. Eto na naman tayo.
"Oo nga Rylan para naman hindi ka lagi nag-iisa!" sambit ni Luna na binasa rin ako gaya ni Renz.
"Oo nga! Dapat talaga magka-girlfriend ka na! Sigurado ako, marami dyang magkakandarapa sa'yo. Sa gwapo mong 'yan? Di'ba, guys?!" eksaheradong sabi Kate na binabasa rin ako ng tubig. Ugh.
"I agree, pare." pagsang-ayon ni Vin at lahat sila pinagtulungan ako hanggang sa mabasa ang buo kong katawan. What the?!
Sabi ko na, eh. Kukulitin na naman nila ako sa bagay na 'to. Sinabi ko namang wala pa sa isip ko ang love life. Pinaliwanag ko na sa kanila na darating din ako sa puntong 'yon. At hindi pa 'yon ngayon.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ko pa iniisip ang magka-love life ngayon? Di'ba nga, priority first? At ang priority ko ngayon ay ang pagsisimula ng buhay ko. Next time na yung love-love na 'yan. Okay?" sambit ko sabay hampas sa kanila ng tubig isa-isa.
"Same old answer," sabi ni Kate na nakasimangot na naman.
"Bahala ka nga, pare." dagdag pa ni Renz.
"Alam niyo, tutal binasa niyo na rin naman ako. Ituloy na natin 'to! Maligo nalang tayo." sambit ko at lumublob na ulit sa tubig.
Natapos kaming maligo alas sais na ng gabi. Agad kaming umakyat sa aming mga kwarto para magpalit ng damit at matapos iyon, bumaba na kami para kumain ng dinner sa labas ng hotel. Ang sarap nung mga luto dito sa resort, sobrang nabusog kami. Lalo na yung mga seafoods, panalo! 8pm ng matapos kaming kumain at nagpasya kaming pumunta muna sa tabi ng dagat para magcamp fire. Medyo malamig kasi dito, eh.
"Unang araw palang natin dito sa El Nido, ang saya na ano?" sambit ng nakatulalang si Kate.
"Tama ka dyan, besh. Marami pa tayong araw na mananatili dito, kaya mas mag-e enjoy pa tayo!" sabik na tugon naman nitong si Luna.
"Much better kung kasama natin si Wifey.." seryosong sabi ni Vin na ang tinutukoy ay si Veronica, ang girlfriend niya.
"Oo nga, sana nandito rin si Baby." dagdag ni Renz na tinutukoy ang girlfriend niyang si Ashley.
Halata sa mga matatamlay nilang mukha ang pagka-lungkot dahil sa pagkamiss nila sa mga nobya nila.
"Ako nga rin, eh. Miss ko na ang bebe loves ko.." nakapout na sabi ni Kate na tinutukoy ang boyfriend niyang si Bryan.
"Ako rin kaya! Miss ko na rin yung boyfie ko, tagal na niya rin hindi bumabalik eh." sambit ni Luna na tinutukoy naman si Bryan.
Anong problema ng mga 'to? Ganun ba 'yong epekto ng camp fire na 'to para magdrama sila? Yan ang hirap sa may girlfriend/boyfriend, eh. Tss.
"Alam niyo, ang drama niyong apat. Akala ko ba nandito tayo para magsaya? O bakit ganyan kayo?" tanong ko sa kanila na lahat mga malulungkot yung mukha na parang namatayan.
"Hay nako, Rylan! Hindi mo naman alam yung pakiramdam dahil wala ka namang girlfriend." malungkot na sagot ni Luna.
"You don't know what we feel." dagdag ni Kate na ikinagulat ko.
Yep, tama naman sila. Hindi ko nga siguro alam yung pakiramdam ng may namimiss dahil wala naman akong girlfriend. Pero mas mabuti na 'yon dahil masaya naman ako kahit single ako. 'Diba?
"Masaya naman ako kahit wala akong girlfriend, ah? Okay na 'yon." nakangiting sagot ko sa kanila. Tama naman ako diba?
"Alam mo pare, hindi lahat ng single ay masaya at hindi porke single ka ay sasaya ka." sambit ni Renz.
"Tama. Minsan, kailangan mo rin ng taong mamahalin mo at magmamahal sa'yo. Single ka nga, pero ang tanong? Masaya ka ba talaga?" dagdag ni Vin na hindi ko inaasahang manggagaling sa kanila.
Wow. Love guru na ba sila ngayon? Astig, ah? Saan nila nakuha yung mga ganung salita? Ganun ba talaga kapag nagmamahal? Dumadamj ang alam? Tss. Pero bakit ganun nalang yung dating sa'kin ng mga salita nila? Parang apektado ako sa loob ko, hindi ko maintindihan. Naapektuhan yung emosyon ko sa mga salitang sinabi nila. Tila nagduda tuloy ako sa sarili ko. Masaya naman ako, ah? Di'ba? Di'ba? Ayokong masyadong pakaisipin pero masaya nga ba talaga ako?
"Ewan ko sa inyo." sagot ko nalang at tumahimik na rin. Baka kasi kapag nagsalita pa ako ay kung ano pang masabi nila na hindi ko magustuhan.
Tahimik lang kami ng mga oras na 'yon. Ewan ko, parang may dumaang anghel ng matagal o talagang malungkot lang sila dahil sa mga nobyo't nobya nila. Pati tuloy ako, nahawa sa mga kadramahan nila. Badtrip!
"10pm na pala guys, oh? Tara na sa hotel. Antok na ako, eh." pagyayaya ni Renz.
"Sige, ako rin eh." sambit ni Kate. "Tara na, Luna."
Nagsi-tayuan na silang lahat maliban sa'kin. Ewan ko, wala pa akong balak tumayo eh. Hindi pa rin kasi ako inaantok.
"Ikaw, pare? Hindi ka pa ba sasama sa'min?" tanong ni Vin.
"Hindi pa ako inaatok, eh. Magpapahangin muna ako. Mauna nalang kayo." sagot ko.
"Sigurado ka?" tanong pa ni Kate.
"Yes. Papasok na rin ako mamaya. Sige na, mauna na kayo." nakangiting tugon ko sa kanila.
"Sige, pare. Sabi mo, eh." sabi ni Vin at naglakad na palayo.
"Good night, Rylan." sambit ni Luna na halatang inaantok na.
"Good night, guys!" sabi ko bago sila umalis papunta sa hotel.
Umalis na nga sila at naiwan akong mag-isang nakaupo kasama ang usok na lumalabas sa walang lingas na kahoy. Wala na yung apoy na nagbibigay init sa akin kaya nakaramdam ulit ako ng lamig ng katawan. Wala ng tao dahil lahat sila ay natutulog na siguro. Mabuti nalang at may mga ilaw sa paligid nitong resort kaya nakikita ko pa ang kabuuan ng dagat. Hindi ko maipaliwang kung bakit bigla akong tinamaan sa mga sinabi ng mga kaibigan ko kanina. Kailangan ba talagang magka-love life para sumaya? Ugh.
Sa pagkakatitig ko sa dagat ay napukaw ang pansin ko sa kaliwa ko at napansin ko sa malayo yung lalakeng nakita ko kanina. Nakaupo rin siya sa buhangin katulad ko ngunit may kalayuan yung kinauupuan niya mula sa akin. May hawak na naman siyang alak at nilalaklak na naman iyon. Kanina pa 'yon, ah? Ano kayang problema ng isang 'yon para mag-inom siya ng ganun katagal?
Tumayo ako at naglakad patungo sa direksyon niya. Mukhang kailangan niya ng kausap at mukhang malaki ang problema ng taong 'to. Nang malapit na ako sa kanya ay naisipan kong h'wag nalang ituloy 'yon at tumalikod na para bumalik sa pwesto ko kanina. Bago pa ako makalayo ay nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Sandali lang," narinig kong sabi niya na nagpatigil sa paglalakad ko at humarap sa kanya.