"Sandali lang," narinig kong sabi niya kaya agad akong natigilan at humarap sa kanya.
Nang humarap ako ay nakatingin siya sa'kin habang umiinom ng hawak niyang beer. Seryoso yung mukha niya na tila kinikilatis ako. Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa tingin niya. Iimik na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
"Bakit? Anong kailangan mo?" seryosong tanong niya bago lumagok ulit sa iniinom niyang alak.
Teka, paano ba'to? Kinakabahan kasi ako kung ano ang sasabihin ko. Baka kasi mamaya masamang tao pala 'to tapos magalit siya at masamain niya yung sasabihin ko. Huminga muna ako ng malamim bago sumagot sa tanong niya.
"Pasensya ka na, ha? Napansin ko lang kasi, kanina ka pa nag-iinom."
"Gusto mo rin mag-inom? Eto, oh." sabi niya sabay abot sa'kin ng beer.
"Hindi. Ang ibig kong sabihin, mukhang malaki yung problema mo dahil mula kanina ka pa nag-iinom. Baka kailangan mo ng kausap?" hindi ko siguradong sambit sa kanya.
"Malaki talaga, sobra." nakangising sabi niya habang nakatingin sa malayo.
Nang sabihin niya iyon ay nakumpirma kong may problema nga ang isang 'to. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa at umupo na sa tabi niya.
"I'm Rylan," pakilala ko sa kanya at inabot ang kanang kamay ko.
"Enzo," sabi niya ngunit hindi tinanggap ang pakikipagkamay ko at lumagok na naman ng alak na hawak niya.
"Taga-dito ka sa El Nido?" tanong ko sa kanya.
"No, 3 weeks lang ako dito. I'm from Paris." sagot niya. Kaya pala medyo may accent yung pagsasalita niya.
"Bakasyon?" tanong ko pa.
"Yep, ikaw?"
"Sinama lang ako ng mga kaibigan ko dito. 2 weeks lang din. Ngayon yung unang araw namin." sagot ko.
"Parehas pala tayo. Last 2 weeks ko na rin lang dito. I've been here since last week. I'm going to France after this. Wala rin naman na akong reason pa para magstay dito, eh." litanya niya na parang may malalim na kahulugan.
"Bakit? Babae 'yan, noh?" tanong ko sa kanya.
Ilang minuto rin siyang hindi nagsalita at uminom ulit ng bagong bukas niyang beer. Kumuha pa siya ng isang bote sa case na nasa gilid niya. Binuksan iyon at ibinigay sa'kin. Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko 'yon dahil hindi naman ako mahilig uminom pero dahil nakakatakot siyang tumingin ay tinanggap ko na lang.
"There was a girl na minahal ko, we've together for 2 years pero sinaktan niya lang ako." pagkasabi niya nun ay nakumpirma kong pag-ibig nga ang problema niya.
"Kaya ka nag-iinom ngayon?" tanong ko.
"2 months na kaming break pero still, masakit pa rin. Pinagpaljt niya ko sa iba nang hindi ko nalalaman. Pinagmukha niya kong tanga," sagot niya na mahahalata mong lasing na dahil sa kanyang pagsasalita.
Hindi ko naman alam kung ano yung isasagot ko sa kanya. Wala naman akong experience pagdating sa love lalo na kung tungkol sa heartbreak 'yan. Hindi ko pa nararanasan, eh. Kaya hindi ko alam ang pakiramdam.
"Saklap nga nyan. Hindi ko pa nararanasan 'yan kaya hindi ko alam ang pakiramdam. Kung gaano man kasakit ang nararamdaman mo, I'm sure you'll get over it. Hintay ka lang." iyon nalang yung nasabi ko kahit parang walang sense 'yon dahil hindi naman ako love guru katulad ng mga kaibigan kong magaling humugot.
"It's not that easy, pare! I love her! Mahal na mahal ko siya but she chose to broke my heart! Siya lang yung babaeng minahal ko." sigaw niya at nakita kong tumulo ang kanyang luha sa mga mata niya. He's crying.
Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng umiiyak sa harap ko. Although, normal lang 'yon pero parang nakakabilib kung iisipin. Mahal na mahal niya nga yung babaeng tinutukoy niya at mukhang nasaktan siya ng sobra. Hindi naman iiyak ang isang lalake kung walang sapat at mabigat na dahilan.
Ininom ko yung beer na binigay niya sa akin at pinilit na lunukin ang laman nun. Ito lang yung pwede kong gawin para damayan siya. Wala naman kasi akong alam tungkol sa pag-ibig, eh. No girlfriend since birth kasi ako kaya wala akong mabibigay na advice sa kanya. Tiningnan ko siya and he's still crying, yung iyak ng lalake. Silent pero deep inside, sobrang nasasaktan na. Ewan ko pero kahit hindi ko siya kilala, bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Hindi ko alam pero parang unti-unti kong nararamdaman yung sakit na nararamdaman niya. I don't know him at ngayon ko lang siya nakita, ngayon ko lang nakausap ang taong 'to pero parang ang gaan na ng loob ko sa pakikipag-usap sa kanya.
Nilagok ko ang beer na hawak ko at nagustuhan ko iyon kaya kumuha pa ako ng isa. Wala na rin siyang hawak na beer kaya ako na mismo ang kusang nagbigay sa kanya.
"Pasensya ka na talaga, pare. Wala talaga akong alam pagdating sa love, eh. Kaya wala akong maibibigay na payo sa'yo. Hindi pa kasi ako nagkaka-girlfriend." sambit ko.
"Bakit naman? Wala ka bang natitipuhang babae?" tanong nito na halatang lasing na rin sa pagsasalita niya.
"Wala, eh. At kung meron man, isasantabi ko 'yon dahil may mga priority ako kesa sa mga love-love na 'yan." sagot ko at nilagok ulit yung beer na hawak ko.
"Alam mo pare, dalawa lang 'yan eh. Either torpe ka o you're a g---" hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita niya at nagsalita agad ako.
"No, I'm not gay. Straight ako, pare. Masyado lang talaga akong busy sa pagbi-build up ng bagong buhay ko." sagot ko sa kanya na halos pumikit na sa kalasingan.
"Okay, sabi mo eh. Ano bang pinagkakaabalahan mo?" tanong niya pa.
"Kaga-graduate ko palang at nagsisimula ako ng business ko. Painting shop, 'yon yung pinagkakaabalahan ko." sagot ko.
"Ah, ganoon ba?" Nice to meet you pare." sambit niya na makikipagkamay sa'kin. Tindi nito ha? Kanina ayaw tapos ngayon gusto?
Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya. Ilang sandali pa ay naubos ko rin ang pangalawang bote ng beer na ininom ko. Nakaramdam na ako ng konting pagkahilo kaya nagpasya na akong magpaalam sa kanya.
"Pare, kailangan ko nang bumalik sa hotel. Mauna na 'ko sa'yo. Antok na rin ako, eh." paalam ko sabay tayo mula sa pagkakaupo.
"S-sige pare! Nice meeting you ulit, R-Rylan right?" nauutal na sambit niya at pinili tumayo ngunit nawalan siya ng balanse dala na rin ng sobrang kalasingan.
Agad ko naman siyang inalalayan sa pagtayo at kinapitan para hindi na siya muling matumba pa. Natatawa niya akong hinarap habang nakikipagkamay ulit sa'kin. What the?
"Pare, okay ka lang? Kaya mo pa ba? Mukhang lasing na lasing ka na, ah?" tanong ko sa kanya na sobrang likot gumalaw.
"I'm okay, pare. Nice meeting you ulit. I'm Enzo." wala sa sariling tugon niya at pinilit makipagkamay sa'kin.
Tinanggap ko nalang 'yon at inalalayan siya dahil ano mang oras ay maaari siyang matumba.
"Sinabi mo na kanina, pare. Saan ka ba naka-check in? Hatid na kita." pagpe-presinta ko.
"It's okay, pare. I can manage." sagot niya kaya binitawan ko na ang paghawak ko sa kanya. Kaya niya daw, eh. Madali ako kausap.
Nang subukan niyang maglakad ay natumba na naman siya dahil hindi siya maka-balanse. Masyado na kasi siyang lasing, eh. Kaya ayan, hilong-hilo. Nilapitan ko na siya at inalalayan ulit na tumayo.
"Tara na, pare. Saan ba yung kwarto mo? Ako na maghahatid sa'yo. Baka mapano ka pa dito sa labas, kargo ko pa. Halika na," inakay ko siya hanggang makarating kami sa hotel at makasakay ng elevator.
Pasalamat siya, mabait akong tao. Kung hindi, pinabayaan ko na siyang maiwan doon sa tabing dagat. Baka kasi malunod siya doon, eh. Ako pa mapagbibintangan kapag nagkataon o di naman kaya, kargo pa ng konsensya ko.
"Anong room number mo, pare?" tanong ko sa kanya na hingal na hingal.
"R-r-room #24," utal niyang sabi habang malikot na gumagalaw na nagpapabigat sa pag-akay ko sa kanya. Ang bigat niya, grabe.
"Malapit na tayo. Huwag kang susuka, ha? Susuntukin kita." banta ko sa kanya pero hindi naman siya umimik.
Nang bumukas ang elevator ay agad kong hinanap yung room #24 kung saan siya naka-check in. Siyam na room ang pagitan noon mula sa kwarto ko. Binuksan ko agad iyon at dineretso siya sa kama niya. Lasing na lasing siya at mukhang nakatulog na.
"Janna.." natigilan ako ng sambitin niya iyon. Nakapikit pa rin siya at mukhang nananaginip.
Janna? Pangalan 'yon ng babae, ah? Siguro 'yon yung sinasabi niyang babaeng mahal na mahal niya pero sinaktan lang siya. Kawawa naman ang isang 'to, naging miserable dahil sa pagmamahal. Tss.
"Alis na 'ko, pare." sabi ko at isinara na ang pinto ng kwarto niya.
Paglabas ko ay agad akong napahilamos ng aking kamay sa mukha dahil sa pawis na tumatagaktak mula sa ulo ko. Grabe, nakakapagod siyang akayin dahil sa sobrang bigat niya. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng biglang lumabas si Luna sa kwarto niya at tinawag ako.
"Psst!"
"Oh, bakit gising ka pa Luna? Akala ko ba natulog na kayo kanina pa?" tanong ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa'kin at hinampas ako ng marahan.
"Sino 'yon, Rylan?" tanong niya sabay turo doon sa kwarto ni Enzo.
"Ah, bago kong kaibigan." sagot ko kahit hindi ko pa sigurado kung kaibigan ko na nga talaga siya.
"Gano'n ba? Teka, nakainom ka ba?" tanong niya.
"Dalawang bote lang, sinamahan ko kasi siya." sagot ko na ramdam na rin ang hilo.
"Wow, Rylan ikaw ba talaga 'yan? Umiimom ka na pala ngayon at this late? 12am na kaya kung di mo alam." sambit ni Luna habang hinahampas ang braso ko.
"Sira ka talaga, Luna. Sige na, papasok na 'ko sa loob. Matutulog na 'ko. Ikaw rin." sabi ko at binuksan na ang pinto ng aking kwarto.
"Sige, mabuti pa nga. Magkwento ka bukas, ah? Night!" paalam niya at dumiretso na sa kwarto niya.
Ako nama'y pumasok na sa loob ng aking kwarto at nahiga. Hindi naman ganun karami yung nainom ko pero nahihilo ako. Lalo pa kaya kung si Enzo 'yon? Sigurado ako, hilong-hilo 'yon lalo pa bukas. Hello hang-over siya.
It's been a long day, unang araw ko palang dito sa El Nido at kahit papaano ay nag-enjoy naman ako. Nakapagbonding ako kasama ang mga kaibigan ko, nakapagkwentuhan kami at ang pinaka-weird sa lahat, nakakilala ako ng isang taong may malaking problema sa pag-ibig. Enzo is good. Akala ko nga masamang tao siya noong una pero ayos din naman pala. Magaan agad ang loob ko sa kanya kahit kakakilala ko palang sa taong 'yon. Ewan ko pero pakiramdam ko, ayos siyang maging kaibigan. Sana lang at kilala niya pa 'ko bukas pag nahulasan na siya.
Ilang sandali pa ay hindi ko namalayan ang unti-unting pagpikit ko hanggang sa nakatulog na ako.