Chapter Five

1746 Words
Nagising ako sa isang pamilyar na kantang tumutugtog. Sa tingin ko'y galing iyon sa labas ng hotel. Pinakinggan ko lang iyon habang nakahiga pa rin at nakapikit ang mata hanggang sa matanto ang title nung kanta. Sa wari ko'y Lumipas na ang kadiliman ng araw Dahan-dahan pang gumigising At ngayo'y babawi na Muntik na Nasanay ako sa'king pag-iisa Kaya nang iwanan ang Bakas ng kahapon ko Naalala ko na yung title ng kanta. Tuloy Pa Rin by Neocolours. Isa sa mga pinaka-paborito kong kanta. Nang marinig ko 'yon ay naalala ko yung high school days ko pa. Tanda ko noon, nagsisimula palang ako kumanta at pangarap ko talagang maging singer. Yep, singing ang unang pangarap ko. Kaya lang, hindi ko na itinuloy dahil medyo mahina dati yung confidence ko. Kaya ayun, nagfocus nalang ako sa pagpe-paint. Kinanta ko ang kantang 'yan nang minsang may salihan akong singing contest sa school. Medyo kinakabahan ako noon pero sa huli ako yung nanalo. Akala ko nga tuloy-tuloy na yung pagkanta ko, eh. Hanggang sa na-reakized kong hindi pala para sa'kin ang pagkanta. Madalas, sinasabi nilang magaling ako at kaya ko. Pero ako mismo yung nagda-down ng sarili ko. Ewan ko, nang mga panahong 'yon kasi masyado akong depress sa pag-aaral kaya pati pagkanta napabayaan ko na. Ayoko namang biguin sila mama at papa sa pag-aaral ko dahil malaki ang pagtitiwalang binigay nila sa'kin. Kaya nagpromise akong mas uunahin muna yung alam kong mas mag-aangat sa'kin at 'yon ang pagpinta. Kaya mula noon, mas nagfocus na ako sa pagpe-paint. Nakalimutan ko na nga yata yung pagkanta, eh. Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko Nagbago man ang hugis ng puso mo Handa na 'kong hamunin ang aking mundo 'Pagkat tuloy pa rin Bumangon na ako at pumasok na ng banyo para maghilamos. Naligo na rin ako at pagkatapos ay nagbihis na. Nang masigurado kong maayos na ang itsura ko ay bumaba na ako sa baba ng hotel para magbreakfast kasama ang mga kaibigan ko. Naabutan ko silang nakaupo na lahat sa dining table at ako nalang ang hinihintay. "Good morning, guys!" bati ko sa kanila na agad naman akong napansin. "Good morning Rylan!" bati sa'kin nila Luna at Kate. "Uy, andyan na pala si Rylan eh! Musta, pare?" tanong ni Vin habang tinatapik ang balikat ko. "Ayos naman, sarap ng tulog ko." sagot ko at umupo na. "Anong oras ka na pala natulog kagabi, pare?" tanong naman ni Renz. "Siguro 12 na rin. Medyo nagtagal kasi ako sa beach, eh." sagot ko at hindi mapigilang i-humm ang kantang narinig ko kanina. Parang na-Lss ako sa Tuloy Pa Rin. "Wow, narinig mo rin pala  'yon Rylan? Mukhang nagustuhan mo yung kanta, ah?" nakangiting sambit ni Kate. "Yep, naalala ko lang noong high school pa tayo. Isa 'yan sa mga paborito kong kantahin at tugtugin sa gitara. Nakakamiss lang." tugon ko at ngumiting pabalik sa kanya. "Alam naming magugustuhan mo yun, pare. We requested that song for you." sabi nitong si Vin. "So, ano Rylan? Is that a sign na babalikan mo ang pagkanta?" sabik na tanong ni Luna. Nagulat ako sa tanong niya. So, kaya nila ni-request yung kantang 'yon para maisipan kong kumanta ulit, after a long time? Ayos din sila, ah? Hindi ko muna sinagot ang tanong 'yon sa'kin ni Luna dahil dumating na 'yong magse-serve sa'min ng pagkain. "Narinig ko lang yung kantang 'yon, babalik na agad? Hindi naman ganun kadali 'yon. Atsaka diba marami akong inaasikaso?" sagot ko habang kumukuha na ng aking pagkain sa mesa. "Ay, sayang naman kung gano'n. Hindi mo na magagamit si Brady." dismayadong tugon ni Luna. Si Brady, ang gitarang matagal ko nang hindi nagagamit simula noong bitawan ko ang pagkanta. "Kumain na nga lang tayo. H'wag nalang nating pag-usapan 'yan." nakangiting sabi ko at sumubo na ng pagkain. "Sabi mo, eh." sagot ni Luna. Sa kalagitnaan ng aming pagkain biglang nagtanong si Vin sa'kin. "Ano nga palang ginawa mo pa kagabi, pare?" "Wala, nagpahangin lang. Atsaka may nakilala ako kagabi, papakilala ko kayo mamaya sa kanya." sambit ko habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko. "Whoa. Chix 'yan, noh?" tugon ni Vin. "Sira, hindi!" sagot ko. "Babae 'ba, Rylan?" tanong pa nitong si Renz. "Mga sira talaga kayo! Lalake 'yon." "He's right. Lalake nga 'yon. Nakita ko kasi sila kagabi. Lasing na lasing." pagsingit ni Luna. "What?! Nag-iinom ka na ngayon, Rylan?" eksaheradong tanong sa'kin ni Vin. "Ng hindi kami sinasama? Ugh." sambit pa nitong si Renz at kunwari'y nalungkot. "Hindi naman ako lasing na lasing. Dalawang bote lang naman 'yon. At isa pa, dinamayan ko lang yung tao. Brokemhearted, eh." sagot ko sa kanila. "So, nag-advice ka sa kanya?"  tanong ni Kate. "Nope. Alam niyo namang wala akong alam sa pag-ibig, diba?" sagot ko. "Ikaw pare, ha? Gumugimik ka ng hindi namin alam. Hindi ka nagsasabi, sana nakapag-inuman din kami." litanya ni Renz na animo'y nagtatampo. "Pasensya na talaga pare, ha? Biglaan naman kasi 'yon, eh. Atsaka, hindi ko naman sana intensyon uminom at isang bagay pa, hindi 'yon gimik." sagot ko. "Isama mo naman kami minsan, pare." sambit ni Vin. "Mga ugok talaga kayo! Oo, sige. Next time." nakangiting sagot ko. 20 minutes lang ay natapos na kami sa pagkain. Pakiramdam ko, puputok na 'tong tiyan ko sa sobrang daming kinain ko. Ang sarap kasi ng mga hinahanda nila sa'min dito, eh. H'wag lang sana akong tumaba dahil baka matabunan yung mga muscles ko sa katawan. Haha. "So, it's our day 2 here. Ano na'ng gagawin natin ngayon?" sabik na tanong ni Kate. "Sun bathing?" sambit ni Luna. "Jet skiing?" suhestyon ni Renz. "Water surfing?" sambit naman ni Vin. "Kahit ano nalang, okay ako." tugon ko sa kanila. "Sige, boating tayo!"  sambit ni Kate. Lahat naman kami ay sumang-ayon sa sinabi ni Kate kaya agad kaming tumayo mula sa pagkakaupo at humiram ng bangka na gagamitin naming lima. Habang inaayos ang bangkang sasakyan namin ay nakita ko si Enzo na papalapit sa direksyon namin. Nakasuot siya ng shades at mukhang katatapos lang nitong maligo. Binati ko agad siya ng mapansin niya ako. "Uy, pare! Kamusta? Ako yung kainuman mo kagabi, tanda mo pa?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Rylan? Oo naman, pare. Thank you nga pala sa paghatid mo sa'kin sa kwarto ko last night, ha? Kung wala ka, siguro nagpakalunod na 'ko sa dagat."  seryosong tugon niya at tinapik ang balikat ko. "Wala 'yon. Teka, may ipapakilala ako sa'yo." sabi ko sabay tawag sa mga kaibigan ko sa likod. "Meet my friends, Kate, Luna, Renz and Vin. Guys, this is Enzo." pakilala ko sa kanila. "Hi, nice to meet you Enzo." sambit ni Kate at Luna. "Nice meeting you, pare." sambit naman nila Renz at Vin. "Kayo rin, guys. Nice meeting you too." nakangiting tugon ni Enzo at isa-isa niyang kinamayan ang mga kaibigan ko. "May gagawin ka ba? Why don't you join us? Magbo-boating kami." pagyayaya ko sa kanya. "Well, wala naman akong gagawin kaya kung okay lang, sige." sambit niya. "Let's go, guys!" sabi ni Renz habang sumasakay na ng bangka. "Tara?" nakangiting sabi ko kay Enzo. Ngumiti lang siya at sumunod na sa akin sa pagsampa sa bangka. Ang weird lang? Bakit mukha namang hindi siya brokenhearted ngayon? Mukhang ayos naman siya, eh. Paddle yung gagamitin namin at sila Vin at Renz yung nagpresintang magproseso noon. Malawak naman yung bangka kaya maayos kaming nakaupong anim doon. Nasa unahan sila Renz at Vin na nagpa-paddle, kaming apat naman ay nasa likuran nila. Nasa kaliwa ako katabi si Enzo at yung dalawang babae. "So, Enzo? Ano nga palang ginagawa mo dito sa El Nido? Bakasyon?" tanong ni Luna na katabi niya sa kanan. "Yep, parang ganun na nga. Dito kasi nakatira yung girlfriend ko sa Palawan. So, I've decided to go here but.." pagputol niya sa sasabibihin niya. "But?" "But she broked my heart," matapos niyang sabihin 'yon ay napansin kong nagbago 'yong facial expression niya. Parang naging malungkot siya. "Weh? Sa gwapo mong 'yan, nagawa ka pa niyang saktan?" pagsingit naman ni Kate na nagre-retouch ng make up niya. Hindi naman siya sumagot bagkus ay tumingin na naman sa malayo. Mukhang apektado nga siya sa paghihiwalay nila nung girlfriend niya. "2 years sila together kaya masakit talaga 'yon." sambit ko. "Minahal ko siya ng totoo, eh. Akala ko, mahal niya rin ako gaya ng pagmamahal ko. Mas pinili niyang sumama sa Ex niya " dagdag pa ni Enzo na halatang naiinis. "Ouch, alam mo kung ako sa'yo Enzo? I'm going to let go na. Eh, hindi ka na niya mahal, eh. Masasaktan ka lang." nagulat naman ako ng sabihin iyon ni Luna. Hayss. Parang hindi naman 'to nakakatulong. "It's not that easy. Siya yung naging mundo ko at kapag wala siya, hindi ko makakaya." sagot ni Enzo na tila emosyunal sa mga sinabi niya. "Alam mo pare, kahit gaano mo kamahal ang isang tao. Kung hindi ka na niya mahal, hindi ka na niya mahal." pagsingit naman ni Vin mula sa unahan namin. Ang daming alam ng mga kaibigan kong 'to? Basta talaga pag-ibig ang usapan, lagi silang nagiging matalino. Ewan pero ang gagaling humugot ng advice, eh. "Guys, di naman kayo nakakatulong eh. Pinapabigat niyo yung loob nitong si Enzo." sambit ko dahil mukha namang hindi epektibo yung mga sinasabi nila dahil against yun sa nararamdaman nung tao. "Vin is right. May punto siya doon." sambit ni Kate. "2 months palang kaming hiwalay, eh. At ang sakit pa rin. Gusto kong kalimutan siya para matabunan 'yong sakit dito sa dibdib ko pero everytime na gagawin ko 'yon, mas lalo ko siyang hinahanap." malungkot niyang tugon sa'min. Ano ba 'yan? Lahat nalag ba ng tao may problema sa love? Nakaka-op na minsan, eh. Sa katulad kong wala namang karanasan sa pag-ibig na 'yan. Minsan nga, iniisip ko kung bakit kahit wala akong love life ay nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman nila? Ewan. "Iinom natin 'yan mamaya, pare! Mas masarap pag-usapan 'yan pag kaharap ang alak. Ano game?" sambit ng nagsasagwan na si Renz. "Oo nga naman, Enzo." pagsang-ayon ni Luna na tinapik-tapik pa ang likod nito. Tiningnan ko naman ang magiging reaksyon ni Enzo sa sinabi ng mga kaibigan ko at pumayag naman siya. "Game." sagot niya. Medyo malayo na yung narating ng aming bangka at nagpasya na kaming bumalik sa resort. Ako at si Enzo na yung humawak nung paddle dahil mukhang pagod na yung dalawa. Ayos din 'tong tao na 'to. Kahit nasasaktan na, nagagawa pa rin ngumiti para sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD