3pm na at ilang oras na rin ang lumipas mula noong nagboating kami ng mga kaibigan ko, kasama si Enzo. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. May usapan kasi ang barkada na mag-iinuman daw kami mamaya sa tabing-dagat kasama si Enzo.
Ewan ko sa mga 'yon, pangtanggal daw ng stress ni Enzo. Hindi ako isang eksperto sa pag-ibig, pero kailan pa naging solusyon ang alak sa pagiging brokenhearted ng isang tao? Sakit ng ulo lang ang ibibigay nun.
Sa isang banda, may punto rin naman sila. Kapag lasing ka raw, hindi mo alintana yung mga problema mo. Hindi mo maiisip 'yon dahil ang alam mo lang ay nahihilo ka at nag e-enjoy ka sa ginagawa mo. Kaya lang, may consequences lahat ng ginagawa mo. Nakalimutan mo nga 'yong mga mabibigat na dinadala mo, sisingilin ka naman kinabukasan ng sakit ng ulo at hindi lang 'yan! Babalik ka sa tunay na mundo, kung saan nasaan ang mga problema mo! Oh, diba? Ganun naman talaga, eh.
Maaga kaming kumain ng dinner. Kaming lima lang at wala si Enzo. Balak sana naming yayain kaya lang, mukhang naka-room service ang taong 'yon. Mayaman, eh.
Natapos ang aming hapunan at muli kaming unakyat sa kaniya-kaniyang kwarto namin. 9pm kasi ang usapang magka-camp fire kami sa labas at 7pm palang ngayon. Naghanda naman ako ng aking susuotin at this time, hindi na sando. Masyado na akong nadala kagabi sa lamig kaya iniba ko naman, fitted white shirt. Ilang minuto pa ay nagpasya na akong maligo.
Tinagalan ko talaga sa banyo dahil ine-enjoy ko kasi yung medyo mainit na tubig mula sa shower, presko! Siguro mahigit kalahating oras ako doon bago ako lumabas. Hindi pa ako nakakapagbihis at nakatapis palang ng tuwalya, nang magring ang cellphone ko. Si mama, tumatawag.
"Hello ma, napatawag po kayo?" bati ko kay mama mula sa kabilang linya.
"Hello nak? Kamusta ka na? Tumatawag ako sa'yo kagabi pero di ka sumasagot. Ayos ka ba diyan?" nag-aalalang tanong ni mama. Nako, eto na naman siya.
"Ma, okay lang po ako. Pasensya na po, hindi ko alam na tumawag kayo kagabi. Iniwan ko kasi sa kwarto yung cellphone ko, eh. Kamusta na po?" paliwanag ko.
"Ayos lang kami dito. I'm just worried dahil baka kung ano na ang nangyari sa inyo dyan. Are you sure, okay ka?" tanong pang muli ni mama na sobrang kulit.
"Yeah, ma. 100 percent sure! Atsaka, wala ba kayong tiwala sa'kin? 22 na ko ma, don't treat me like a 15 year-old boy haha. Diba kayo naman nag-udyok sa'kin na sumama dito? Huwag na po kayong mag-alala." paliwanag kong muli sa kanya.
"Oh siya, sige na. Just be happy there, ha? Huwag mo munang isipin mga work-work na 'yan. Enjoyin mo 'yan. Mag-iingat ka." bilin pa niya.
"Opo. I'll do it for you. Bye." sagot ko at binaba na ang telepono.
Hay nako, si mama talaga.
Masyado kung mag-alala. Since birth hanggang ngayong 22 years old na ako. Kaya mahal ko 'yon, eh! Medyo makulit lang at maingay minsan. Masyado pang-indenial, miss lang ako nun eh. Haha.
Matapos 'yon ay napansin ko ang oras, quarter to 9pm na pala. Nagbihis na kaagad ako ng white shirt at ng trunks na susuotin ko.
Wala na akong oras para maglagay ng kung ano-anu sa buhok ko kaya nagsuot nalang ako ng cap. Ang nag-iisang sombrerong dala ko. Medyo swag yung itsura niya na may tatak na ER. Ernest Rivas kasi yung pangalan nung cap.
Matapos akong makapag-ayos ng aking sarili ay nagpasya na akong lumabas ng kwarto para bumaba.
Agad akong pumasok sa elevator at pinindot 'yon para sumara. Bago pa 'yon tuluyang sumarado ay may kamay na pumigil dito para bumukas ulit ito. Pumasok na siya at nagulat ako ng si Enzo pala iyon. Binati ko agad siya na nagulat rin ng makita ako.
"Uy, pare. Kamusta?" bati ko sa kanya.
"Ayos naman." tipid na sagot niya na hindi akma sa emosyon niya ngayon.
Ayos lang daw siya pero yung itsura niya mukhang hindi okay. Bakit ang dali lang para sa kanyang sabihin na okay siya, kahit ang totoo hindi naman talaga?
"Akala ko nauna na kayo sa baba, kaya nagmamadali akong lumabas. Nandito ka pa pala?" sambit ko.
"Oo, eh. Mabagal lang siguro ako." sagot niya na diretsong nakaharap sa pinto ng elevator.
Hindi na ako muling nagsalita pa at bagkus hinintay nalang magbukas yung elevator. Nang magbukas iyon ay sabay kaming lumabas at naglakad palabas ng hotel. Natanaw ko na agad sa labas ang mga kaibigan ko, medyo malayo sila sa'min dahil nandoon sila mismo malapit sa dagat. Habang patuloy kaming naglalakad ni Enzo ay bigla siyang nagsalita.
"Nice cap." nakangiti sabi niya na pinuna ang suot kong medyo swagger na sombrero.
"Thank you." sagot ko nalang at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nang malapit na kami sa kanila ay agad kaming sinalubong nila Renz at Vin.
"Oh? Andito na pala yung dalawa, eh." sambit ni Renz na naka-topless.
"Kanina pa namin kayo hinihintay. Bakit ang tagal niyo?" tanong ni Vin.
"Oo nga, bakit ang tagal niyong dalawa?" dagdag pa ni Kate na naka-pout.
"Pasensya na guys, tumawag kasi si mama eh. Alam niyo naman 'yon, masyadong mapag-alala. Kinamusta na naman ako, kaya 'yon. Nagtagal ako." paliwanag ko habang umuupo sa buhangin.
"Ako naman, nakatulog ako kaya medyo natagalan ako sa pag-aayos." sabi naman ni Enzo.
"Ah, ganun ba? Sige, maupo na tayo ng masimulan na 'tong inuman!" sambit ni Renz na sumigaw pa ng malakas.
Sa aming limang magkakaibigan, si Renz yung pinaka-lasenggo o lasenggero. Siya kasi lagi yung may dala ng beer o alak sa tuwing magkakaroon kami ng moment na ganito.
"Anong iinumin natin?" tanong ni Kate.
"Edi, eto!" tugon ni Renz habang hawak-hawak ang tatlong bote ng Vodka.
Binuksan niya yung isang bote at binigyan kami sa mga basong nakapalibot sa'min. Wait. Seryoso? Ito yung iinumin namin?
"Hindi ba 'to nakakalasing?" nag-aalangang tanong ko.
"Malamang! Ano ka ba, Rylan? Hahaha." natatawang sabi ni Vin.
"Baka kasi malasing tayong lahat at kung ano'ng mangyari sa'tin." sagot ko.
"Hindi 'yan, Rylan. Kaya natin 'to." sambit pa ni Luna.
"Alam niyo namang hindi ako umiinom ng ibang alak bukod sa beer diba?" nag-aalangan pa ring sagot ko.
Sorry naman, beer lang kasi ako komportable eh. Wala lang, mas gusto ko yung lasa niya. At kapag beer yung iniinom ko, mas kontrolado ko kung malalasing ako o hindi. Hindi katulad niting vodka na 'to na mukhang iba pa yata yung flavor. Hay.
"You're not a teenager, pare. 22 ka na, kaya mo na 'to." sabi pa ni Renz at tinaas ang hawak niyang bote.
Wala naman na akong nagawa pa at hindi nalang kumontra sa gusto nila. Tinanggap ko nalang 'yon dahil baka sabihin nila na KJ ako.
"CHEERS! FOR OUR NEW FRIEND! ENZO!" sigaw ni Renz habang tinataas naman yung baso niya.
"FOR OUR NEW BROKENHEARTED FRIEND, RATHER! HAHAHA," pag-uulit pa ni Vin na ikinagulat ng lahat.
Tama bang sabihin niya pa 'yon? Tiningnan ko nalang kung anong magiging reaksyon niya sa sinabi ni Vin. Nagulat naman ako ng bigla niyang itaas ang kanyang baso at sumang-ayon lang sa sinabi nung dalawa.
"CHEERS!" nakangiting sambit niya.
Lahat naman sila ay naki-cheers na rin ng itaas ni Enzo yung baso niya. Tinaas ko na rin lang yung baso ko para maki-cheers na rin sa kanila. Ininom ko agad 'yon at nilunok kong lahat. Sa una ay medyo mapait ngunit 'yon napalitan ng tamis ng magtagal. Hindi na rin masama.
Maya-maya pa ay napunta yung usapan kay Enzo.
"So, Enzo. Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." sambit ni Luna.
"Buhay ko? Wala namang maganda sa buhay ko. Sigurado ako, hindi kayo magiging interesado.
"Pwede ba 'yon? Sige na naman, oh? Kahit konti lang." pamimilit pa ni Kate.
"Simple lang. British ang dad ko, Pinay naman ang mom ko. Nakatira kami sa Paris, France at 23 years old na 'ko. Yun." pagke-kwento niya.
"Sa Paris ka nakatira? Wow, maganda doon diba?" tanong pa ni Luna.
"Sigurado ako maraming chicks doon." dagdag naman ni Renz na pinaka-chickboy sa'ming lahat.
"Oo nga, pare. Maraming magagandang chicks doon. Baka naman may kakilala ka, pakilala mo naman kami. Haha." biro pa ni Vin.
"Hoy, kayong dalawa! Magsitigil nga kayo. May mga girlfriend na kayo, ha? Baka gusto niyong isumbong ko kayo!" banta ni Luna sa dalawa.
"Yes, marami ngang magaganda at sexy doon. Kaya lang, hindi ko type." tugon ni Enzo.
"Ha? Bakit naman, pare?" nagtatakang tanong ni Renz sa kanya.
"Wala naman. Iba kasi ang pinay, eh. Yung katulad ni mom. Maalaga at mapagmahal. Yun yung gusto ko." sagot ni Enzo na nakatulala.
"Ganun ba si Janna?" sambit ko.
"How did you know her name?" gulat na sabi niya na napatingin sa akin.
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya, na narinig ko siya kagabi habang binabanggit yung pangalan na 'yon. Lahat naman sila ay napatingin kay Enzo dahil sa narinig.
"Sinong Janna?" sabay na tanong nung dalawang babae.
"Janna? Siya ba yung?" putol na sabi ni Vin na hindi na pinagpatuloy ang pagsasalita ng makitang nalungkot bigla si Enzo.
Naging malungkot na naman siya ng marinig ang pangalan na 'yon. Kahit hindi niya sabihin, alam kong siya 'yong babaeng sinasabi niya. Sino ka ba talaga Janna?