"Paano mo nalaman yung pangalan niya?" tanong muli ng seryosong si Enzo.
"Narinig ko sa'yo kagabi, pare. Binabanggit mo 'yan nung hinatid kita sa kwarto mo. Lasing na lasing ka, eh." sambit ko sa kanya.
"So, tell us. Sino 'yong Janna? Girlfriend mo? Yung sinasabi mong pinagpalit ka?" bulalas ni Kate na ikinagulat ko. Kahit kailan talaga, masyado siyang madaldal.
"Teka! Bago mo sagutin 'yan, tagay muna tayong lahat. Hehe." pagsingit ni Renz habang nilalagyan kami ng inumin sa baso.
Agad ko namang ininom 'yon at hindi ko na naramdaman yung pait bagkus ay matamis na ito sa panglasa ko. Masarap pala.
Nang matapos ang tagay na 'yon ay nakatingin kaming lahat kay Enzo na seryoso ang mukha. Tila hinihintay nila yung kwento ni Enzo tungkol sa kung sino si Janna, sa buhay niya. Hindi rin naman nagtagal ay nagsalita na siya at nagkwento na sa'min tungkol kay Janna.
"Yep, Janna is my girlfriend. Ex girlfriend, rather. We've been 2 years together. Nakilala ko siya ng minsan kaming pumunta sa Manila. Unang kita ko palang sa kanya, nagustuhan ko na siya. It sounds corny pero tumibok na 'yong puso ko sa kanya. And then, for the second time around nakita ko ulit siya. Kaibigan pala siya ng pinsan ko, baduy man pero parang naniwala ako na destiny kami. So, I asked ny cousin for her name and number at binigay niya naman iyon sa'kin. Simula noon, katext ko na siya at kung minsan, ka-chat sa f*******:. When I'm in Paris, I talked to her on skype. I asked her if may chance ako sa kanya and she said yes. So that's it, I courted her. Nalaman ko na she lives here in Palawan. We've met each other everytime I'll go here. 4 months ko siyang niligawan at sinisigurado kong siya na yung babaeng mamahalin ko habambuhay. Hanggang sa isang araw, sinagot na niya ako. Sobrang saya ko noon, as in sobra. Yung babaeng pinapangarap ko, girlfriend ko na. Masaya ang unang taon ng relasyon namin. I've stay a long time here in Manila just to meet her in Palawan, everytime na magde-date kami. Hindi kasi ako permanente dito sa Pinas dahil my family always went back to Paris. Akala ko okay lang sa kanya yung sitwasyon namin pero hindi pala. And.." pagputol niya sa mahabang pagke-kwento.
"And?" sambit ng maluha-luhang si Kate. Wala pa nga, OA nito?
"What's next? Anong nangyare?" emosyunal ring tanong ni Luna. Isa pa 'to.
Ako naman at yung dalawa pa ay nakikinig lang sa kwento nitong si Enzo.
"And for our 2nd year, 2 months na akong walang contact sa kanya. Alalang-alala ako sa kanya nun, hindi ko alam kung ano na'ng nangyari sa kanya. Nasa Paris ako that time. Hindi naman ako basta-basta makakaalis ng bansa just to visit her dahil noong mga panahong 'yon, walang-wala ako. My family suffered from a failing business. I've been contacting her on f*******: but before I know, she already blocked me to her account. Litong-lito ako nun, I don't know what's wrong and what happened to her. So I've made a decision. 2 months ago, I've arrived from Paris just to look after here in Palawan. I bought flowers and chocolates for her. Pinuntahan ko siya dito sa bahay niya pero nagulat ako ng makitang may kasama na siyang iba. Kung tatanungin niyo kung ano ang ginawa ko? I punched the face of that f*cking guy who's flirting my girlfriend. Nagsuntukan kami pero inawat niya kami at nagulat ako sa mga sinabi niya. Pinapaalis na niya ko sa buhay niya dahil hindi na raw niya ko kailangan at alam niyo yung pinakamasakit doon? Yung sabihin niya mismo sa harap ko at sa mga taong nakapaligid sa'min na hindi na niya ako mahal. I thought it was just a joke at pinilit kong yakapin siya but pinagtulukan niya lang ako. Hindi na niya raw ako mahal dahil noong mga panahong wala ako sa tabi niya, yung ex-boyfriend niyang tarantado ang nandoon para i-comfort siya. Ilang araw akong bumalik para sabihin sa kanyang mahal na mahal ko pa rin siya pero lagi niya akong tinataboy. Wala na akong nagawa, nasaktan ako ng sobra-sobra. Pinapauwe na ako ng mga magulang ko para asikasuhin yung business namin sa Paris pero humingi ako ng tatlong linggo pa para manatili dito. At ito na nga ang huling dalawang linggo ko dito sa El Nido. Alam kong hindi kami madalas magkasama pero is that a reason para saktan niya ko ng ganito? For my last 2 weeks here? Masakit pa rin, eh. At ang gusto ko lang, makalimutan siya at yung sakit na binigay niya sa'kin. Kahit ang sinasabi ng puso ko, mahal ko pa rin siya." madamdaming kwento ni Enzo na umiiyak na ngayon.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot sa kwento niya. Never pa akong nagka-love life o nasaktan pero sobrang tagos sa puso yung naramdaman ko habang nagke-kwento siya nung naging break-up nila ng babaeng mahal niya. Ngayon alam ko na kung bakit ganun nalang siya ka-miserable noong unang beses ko siyang nakita. Sobra siyang nasaktan.
Umiiyak lang siya habang sila Kate at Luna ay hinahaplos ang likod niya. Si Renz at Vin naman ay natulala lang sa kwento ni Enzo. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit sobra nalang yung epekto sa'kin nung istorya ni Enzo. Siguro masyado lang akong naawa sa sitwasyon niya kaya nadadala ako sa emosyon ko.
"Ang saklap naman pala ng kwento mo Enzo, nakakaiyak naman." umiiyak na sabi ni Kate sa nakayukong si Enzo.
"It's okay Enzo, you'll get over it. Kahit masakit yung ginawa niya sa'yo, balang araw mare-realize niya kung sino yung pinakawalan niya." malungkot na sambit ni Luna habang patuloy na hinahaplos ang likod ni Enzo.
"Oo nga, pare. Alam naming sobrang minahal mo siya pero sinaktan ka niya. Move on, kahit gaano pa katagal 'yan. Makakahanap ka pa ng iba dyan." sambit ng nakikisimpatyang si Renz.
"They're right, pare. Hindi lang siya ang babae sa mundo na pwedeng magmahal sa'yo. I'm sure, marami pa dyan." dagdag ni Renz.
Ako nama'y walang masabi dahil syempre, ano namang masasabi ng isang tulad kong wala namang alam pagdating sa mga ganung bagay? Disadvantage ba 'yon? Ewan.
Nagpatuloy naman ang inuman namin. Lumipas ang oras at mabilis na naubos ang tatlong bote ng alak na dala ni Renz. Lasing na rin ang mga 'to. Ako nama'y hindi gaano dahil lagi akong nagpa-pass sa tagay na binibigay nila, ang dami kasi nila maglagay sa baso eh. Asar.
11m na at nagpasya nang bumalik ang lahat sa hotel, maliban sa'kin at kay Enzo.
"Hindi pa ba kayo papasok?" tanong ni Renz na halatang nahihilo na.
"Oo nga, late na oh? Mapupuyat kayo niyan." sambit pa ni Luna na hindi na rin ma-kontrol ang paglalakad.
"Sige na, mauna na kayo. Mamaya-maya ako susunod. Samahan ko muna 'to." mahinang sabi ko habang tinuturo si Enzo.
"Sige, ikaw bahala. Pasok na kami, ha?" sambit pa ni Renz habang akay-akay ang nahihilong si Vin.
"Good night boys!" sigaw pa ng lasing na si Kate. Nasobrahan yata sa alak.
Umalis na nga sila at naiwan kaming dalawa ni Enzo sa harap ng dagat. Tinabihan ko siya, habang siya naman ay kanina pang nakayuko. Ilang minuto rin kaming tahimik at hindi nagkikibuan. Nakatulala lang ako sa harap ng maalong dagat at nag-iisip kung anong pwede kong sabihin sa kanya. Gusto kong mapagaan yung loob pero hindi ko alam kung paano. Kung bakit ba naman kasi kahit isang bagay na tungkol sa pag-ibig, wala akong maisip. Hindi ba pwedeng kapag nagmahal at nasaktan, mag-move on agad? Hindi nga pala ganun kadali 'yon.
"Okay ka lang?" biglaang tanong ko sa kanya na alam ko naman ang sagot. Bakit 'yon ba ang naitanong ko sa kanya? Alam ko namang hindi siya okay. Hay!
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang ako. Hindi ako okay, Rylan. Hanggang ngayon kasi masakit pa rin, eh. Ang sakit-sakit." humarap siya sa'kin mula sa kanyang pagkayuko na may luha sa mata.
Umiiyak na naman siya? Hay, ano ba 'yan? Bakit ba ang bigat ng problema ng taong 'to? Parang gusto ko na rin umiyak, eh.
Lumapit pa ako sa kanya ng mas malapit para haplusin ang likod niya. Yun lang yung kaya kong gawin dahil kung magsasalita pa ako ay baka hindi lang makatulong sa kanya.
"Ang sakit lang, eh. Sobrang sakit nung ginawa niya sa'kin. Minahal ko naman siya, ah? Hindi pa ba sapat 'yon? Para saktan niya ako ng ganito, ngayon?" sambit niya na mahahata mong lasing na.
Nakinig lang ako sa pagke-kwento niya. Yun lang 'yong pwede kong maitulong sa kanya, ang makinig sa paglalabas niya ng sama ng loob. Mas mabuti na rin 'yon dahil kung hindi niya mailalabas yung nasa damdamin, baka sumabog siya.
"Minahal ko siya, Rylan pero sinaktan niya lang ako. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niyang p*******t sa'kin pero parang ang hirap? Gusto ko siyang kalimutan pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng buhay ko ng wala siya. Hindi ko kaya." emosyunal na sambit niya habang patuloy pa rin ang paglabas ng mga luha niya.
Nang mga oras na 'yon, naramdaman ko yung sakit at galit na nararamdan niya. Naramdaman ko kung paano siya nasaktan ng taong pinakamamahal niya, yung sakit nung pinagtabuyan siya ng babaeng akala niya ay para sa kanya. Para akong sinapul sa di ko nalalamang dahilan, sobrang sakit sa pakiramdam. Biglang sumikip yung dibdib ko at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay bigla nalang tumulo yung luha ko. Weird dahil wala ako sa sitwasyon niya para malaman kung ano 'yong totoong nararamdaman niya at kung gaano kasakit sa kanya 'yon. Pero yung kirot sa puso ko, hindi ko alam kung paano. Para akong nasaktan at na-brokenhearted sa pinaka-una kong pagkakataon. Hindi ko siya ganun kakilala dahil dalawang araw palang kaming nagkakasama pero gusto ko siyang maging kaibigan. Pakiramdam ko, sa sitwasyon niya ngayon? Kailangan niya ng tulong.
"Kaya mo. Tiwala lang." sambit ko habang patuloy na hinahaplos ang likod niya.
"Paano? Hindi ko kakayanin. Mahina ako." umiiyak na banggit niya na hindi na ma-control ang emosyon.
"Tutulungan kita. Kaibigan mo na ako ngayon. Lahat ng kaya kong gawin para sa ikagagaan ng loob mo, gagawin ko. I'll help you, huwag kang mag-alala. Kasama ang mga kaibigan ko, na kaibigan mo na rin ngayon. We'll going to make sure na sasaya ka ulit, kahit wala siya." nakangiti ngunit seryosong sabi ko sa kanya.
Nang sabihin ko 'yon ay tumigil siya sa pag-iyak at nagulat sa mga sinabi ko. Kahit ako man ay nagulat rin sa mga salitang binitawan ko. Nagbitaw ako ng pangako at kailangang kong panindigan 'yon.
"Salamat." tipid niyang sagot at tinapik ang balikat ko.