MARIE
Lumipas man ang ilang taon naging matiyaga si Aston sa paliligaw sakin. Kasintahan ko na siya sinagot ko siya noong 18th Birthday ko. Wala man akong handa atleast masaya ako na pinararamdam sakin ni Aston ang pagmamahal niya sa akin.
Minsan nga lang madalas niya hingiin sakin ang isang bagay na hindi ko kayang ibigay. Mabuti na lamang at naunawaan niya ako na hindi pa ako handa sa ganoong bagay. Baka ito pa ang maging dahilan para lalong magalit si Tiyang sa akin.
Laking pasasalamat ko din na naging tahimik ang buhay ko sa bahay ni Tiyang nakikita ko padin ang mga titig ni Tsong Berto pero kampante ako na hindi niya na gagawin sakin ang bagay na iyon dahil nilalabanan ko na siya.
Dumalang nadin ang pananakit ni Tiyang sa akin at hindi nadin siya masyadong nag-hihigpit basta ibigay ko lang sakanya ang sahod ko. Mas mainam na yon kahit papaano ay maayos na sila makitungo sa akin.
Anniversary namin ni Aston ngayon, sosopresahin ko siya. Pupunta ako ngayon sa apartment na tinitirhan niya. Ngayon ko ibibigay ang matagal na niyang hinihiling sa akin, deserve niya naman siguro yon kasi sa tagal na nanligaw siya sakin at naging kasintahan ay deserve niya ng reward.
Nang makarating ako sa apartment niya laking pagtataka ko nang makita ko na hindi nakalocked ang pintuan niya at may kaunting bukas. Kaya pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto. Habang papasok ako sa loob may naririnig akong ungol at halinghing na nagmumula sa kwarto. Napansin ko din ang mga nagkalat na damit sa sahig damit ng isang babae at damit ni Aston.
Habang papalapit ako sa kanyang silid palakas nang palakas ang naririnig kong mga ungol at pagmumura nila sa sarap. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan sa silid niya habang nanginginig ang kamay ko.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakita ko, ang matalik kong kaibigan na si Hena ay pinaliligaya ang kasintahan ko habang subo niya ang torotot nito na patuloy niya pinapatunog. Habang ang kasintahan ko ay may hawak na d***o na nakapasok sa tambuli ng aking kaibigan.
Ang mga walanghiya! Akala ko naman totoong kaibigan sila, totoong nagmamalasakit sa akin pero nagkamali na naman ako, sila nalang ang meron ako pero bakit ganon sila padin pala ang gagawa sakin nang ganito. Ang sakit lang dahil lahat ng tiwala ko binuhos ko sakanila.
Ang luha at hikbi ko ay nauwi na sa hagulgol hangang sa tumigil sila sakanilang ginagawa at nakatingin sa akin. Titig na titig ako kay Aston na tila parang wala lang ang nangyari sa pagkakahuli ko sakanila ng matalik Kong kaibigan. Si Hena naman isang nakakalokong tingin at ngisi ang binigay niya sa akin.
Mukhang matagal na nila akong niloloko, pero ang tanga ko at hindi ko man lang naramdaman na may namamagitan na sakanila.
" Honey mamaya na natin ituloy nawalan na ako ng gana harapin muna natin si Marie." Wika ni Hena habang umalis na sa harap ni Aston at binalandra sa harapan ko ang kahubaran niya na pinagmalaki pa. hindi na nahiya.
Maging si Aston ay tumayo na at tanging boxer lang ang suot, ang kanyang torotot ay bakat padin at nanatiling nakatayo dahil sa naudlot na pagtunog.
" Bakit Hena nagawa mo sakin to naging mabuti naman akong kaibigan sayo pero bakit?" Tanong ko kay Hena habang umiiyak.
" Alam mo kong bakit Marie ang tanga mo kasi at mangmang ka. Ang sarap kasi ni Aston ng minsan na malasing kami ay may nangyari samin hangang sa tinuloy na namin tutal naman ngiinarte ka sakanya. Dapat nga magpasalamat ka sakin kasi ang pagkukulang mo sakanya ako Aag nagbibigay." Paliwanag ni Hena sa akin.
" Akala ko totoong kaibigan ka Hena pero nagkamali ako, tama ka wala akong pinag-aralan pero hindi dahilan to para ganituhin niyo ko. Masarap ba sa pakiramdam na lokohin niyo ko na habang pinaliligaya ka ni Aston sana naiisip nyo na masasaktan niyo ako sa gingawa ninyo. Kahit konti ba tinuring mo kong kaibigan sumagot ka Hena!" Wika ko muli sakanya.
" Tama na drama, umuwi kana Marie baka hinahanap kana sainyo."Wika naman ni Aston.
Bumaling ako sakanya at tiningnan siya ng puno nang sakit habang bumabalong ang mga luha ko dahil sa pagtataksil nila sa akin ni Hena.
" Ikaw Aston minahal naman kita at totoo lahat ng pinakita ko sayo pero bakit nagawa mo din sakin to. Sayang lang pala ang ibinigay kong pagmamahal sayo." Baling ko kay Aston.
" Marie kahit kelan hindi ko naisip na makasama ang kagaya mo na walang maipagmamalalaki, isa kalang basura sa paningin ko buti nga maganda ka pero bukod doon wala kang maipagmamalaki dahil isa kang mangmang at madaling paikutin sa palad. Ang Arte mo pa hangang halik lang ang binibigay mo sakin, hindi kagaya ni Hena lahat ng gusto ko ginagawa niya."Sagot sa akin ni Aston.
" Tama bagay kayo ng kaibigan ko isang "MAPAGPANGGAP" at ikaw isang "MAPAGHANGAD" salamat sainyong dalawa sa konting panahon na nakasama ko kayo at salamat din sa ginawa niyo na may natutunan ako na hindi dapat basta basta magtitiwala.
Tandaan niyong dalawa sa gabing ito pagsisihan niyo ang ginawa niyo sakin at sa muli nating paghaharap ibang Marie na ang makikita niyo. Saka nga pala Aston, Happy Anniversary and Goodbye! maging masaya sana kayo ni Hena."Ani ko sakanila at umalis na.
Kasabay nang huling binitawan kong salita na nagpadurog sa kin ay nilisan ko ang lugar kong saan saksi ng kabiguan ko sa mga taong pinagkatiwalaan ko nang lubos.
Hindi ko namalayan na nasa simbahan na pala ako habang naglalakad na puno ng luha ang aking mukha.
Walang tigil ang pagiyak ko dahil sa sakit na dinulot nila sakin. Umiiyak ako ng umiiyak sa harapan ng diyos at ibinigay sakanya lahat ng hinanakit dahil alam ko tanging siya lang ang makakatulong at makakaunawa sakin.
Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako basta basta mag-titiwala sa kahit na kanino man at isang palaban na Marie na ang makikilala nila, babaguhin ko ang sarili ko para wala na ang pwedeng manloko sakin, kahit na wala akong pinag-aralan.....