KABANATA 2 - Bintang -

1073 Words
MARIE "Marie!! Lumabas ka ditong bata ka, ano tong nabalitaan ko na inakit mo daw ang Tsong Berto mo walanghiya ka talaga lumabas ka diyan."Rinig ko ang malakas na boses ni Tiyang. " Inday, mahiya ka naman, dito kapa sa tapat namin nag-sisigaw nakakaeskandalo kana."Wika ni Aling Lupe na tumulong sakin. " Asan naba ang pamangkin ko! wag mo itago Lupe kong ayaw mo din magkagulo tayo dito sa labas."Matapang na sagot ni Tiyang. Dahil sa hiya ko kay Aling Lupe sa ginagawa ni Tiyang tuluyan na akong lumabas sa pintuan. Dalidaling hinatak ni Tiyang ang buhok ko at kinaladkad pauwi sa bahay namin. "Tiyang tama na po! pakiusap masakit po!" Umiiyak kong pagmamakaawa kay Tiyang. " Ano tong kinukwento mo kanila Lupe na pinagtangkaan kang gahasain ni Tsong Berto mo. Umayos ka sa sinasabi mo Marie, hindi ako lolokohin ng Tsong mo. Maliban nalang kong nag-pakita ka ng motibo sakanya at inakit mo siya!" Mahabang wika ni Tiyang. "Tiyang magagawa ko ba yon sayo, kahit kelan hindi ko po naisip na akitin si Tsong dahil kayo nalang ang natitirang pamilya ko."Umiiyak kong ani kay Tiyang habang hawak ko ang buhok ko. Matapos niya akong saktan ay pumasok na ako sa aking silid. Nakita ko pa kong paano ngumisi si Tsong Berto. Habag na habag ako sa nangyayari sa akin. Pinagmasdan ko ang mukha ko at katawan ko sa salamin. Ang dami Kong pasa buhat sa mga pagsasampal at pagbubuhat ng kamay ni Tiyang sa akin. Sa murang edad ko hindi ba dapat nagaaral ako, pero kaibahan sa lahat ang nangyayari sakin. Ang realidad ng buhay ko na kahit kelan hindi ko mararanasan. Ang lupit naman ng kapalaran sa akin kong patuloy magpapatuloy ang lahat ng ito sa buhay ko ano nalang kinabukasan ang mag-hihintay sa akin. Matapos kong ayusin ang sarili ko, pumunta ako kay Aling Tata para hanguin ang binebenta kong gulay sa palengke, pagkatapos ko magbenta dederetso naman ako kay Aling Mayet para hugasan ang mga nagamit sa karinderya. Ganito umiikot ang mundo ko dahil sa hindi ako nakapag-aral, nag-tratrabaho nalang ako na pwede kong pagkakitaan. Pero lahat ng kinikita ko ay kinukuha din ni Tiyang para daw sa pagpapatira niya sa akin at sa kinakain ko. Wala akong magawa kundi ibigay nalang sakanya ang lahat na meron ako dahil wala naman akong pamimilian. Sa buhay ko ngayon hindi ako pwede mag-inarte bukod doon wala akong pinag-aralan, kong magiging choosy pa ako magiging kawawa lang ako sa huli. Alam ko na hindi naman natutulog ang diyos, mga pagsubok lang ito na binibigay niya pero kaya ko itong lampasan. Maaga ako natapos sa paghuhugas kay Aling Mayet kaya naisipan kong dumaan muna sa simbahan, kapag andito kasi ako pakiramdam ko ang saya ng puso ko. Dito lang ako nakakahanap ng kapahingahan na hindi ko matagpuan tuwing uuwe ako sa bahay ni Tiyang. Dinalangin ko sa diyos ang lahat mg hirap at pasakit na nararanasan ko. Hiniling ko na sana makatagpo ako nang tunay na pagmamahal na kahit kelan hindi ko naranasan, yong balang araw may tatanggap sa akin kahit na isa akong mangmang at walang alam sa buhay. Ilang minuto pa ang nilagi ko sa loob ng simbahan at napagpasyahan ko nang umuwi. Habang naglalakad ako pauwi nakita ko ang kaibigan ko at matagal ng nanliligaw sakin na si Aston kahit na pilit kong tinatanggihan ang panliligaw niya ay hindi siya sumusuko. " Marie sama ka samin ni Aston, kain tayo ng pares dun sa paresan ni Duwanie libre niya daw." Wika ng kaibigan kong si Hena. " Sige na Marie pumayag kana ako naman ang taya, saka ngayon lang naman kita uli nakita." Wika naman ni Aston. Pinaunlakan ko ang pa-anyaya ni Hena at Aston tutal maaga pa naman, saka si Hena lang ang kaibigan ko sa lugar namin kaya pinagbigyan ko nadin siya. Madalang lang kasi magawi si Hena sa lugar namin kapag dinadalaw niya lang ang kanyang ina, dahil nakatira ito sa poder ng kanyang ama ng maghiwalay ang magulang niya. Masaya kaming mag-kahawak kamay ni Hena habang papunta sa paresan ni Duwanie, balibalita kasi sa lugar nila na dinudumug ng tao ang paresan niya dahil sa masarap na timpla mg kanyang pares. Pagkarating namin sa paresan ni Duwanie madaming tao nga, pero dahil kilala ni Aston ang nagseserve ng pagkain ay mabilis kaming nakakuha. Habang kumakain kami ni Hena nakita ko ang matiim ni titig ni Aston sa akin. " Aston makatingin ka kay Marie wagas, parang inimagine mo na sa ibang dimesyon kayo ah." Wika ni Hena napansin niya din pala akala ko kasi ako lang ang nakakapansin sa mga titig niya sa akin. " Marie, sana pagbigyan mo ko ligawan ka sa pagkakataon g ito, alam ko mga bata pa tayo pero handa naman akong maghintay para mapatunayan sayo na malinis ang hangarin ko sayo." wika ni Aston sa akin. Naramdaman ko ang sinseridad sa kanyang sinabi kaya tumango nalang ako, wala naman masama kong susubukan kong buksan ang puso, kahit na bata pa ako alam ko naman ang pinasok ko. Dahil sa pagtango ko nakita ko ang isang masayang mukha ni Aston na akala mo nanalo sa lotto. Sumigaw pa ng yes kaya tawa ng tawa si Hena sakanya. " Hoyyy! Aston akala mo naman sinagot ka sa sigaw mo nakakahiya oh pinagtitinginan tayo dito. Tumigil ka nga at umupo ka." Saad ni Hena kay Aston. " Sino ba ang hindi matutuwa, binigyan na ako ng chance ni Marie, Ang tagal ko ng nanliligaw pero ngayon lang siya umoo na ligawan ko siya, kaya ang saya ko."Tugon ni Aston kay Hena. Natatawa nalang ako sa pagtatalo nilang dalawa. Imbes na tumawa ay kinain ko nalang sa pares ang atensyon ko. Ang sarap pa naman ng pares baka pag-lumamig ito ay ,hindi na masarap kainin. Natapos ang aming pagkain at paglalakad pauwi sa puro biruan at tawanan. Ngayon ko lang napansin na masayahin pala si Aston akala ko kasi masungit, pero ngayon nakikita ko ang kanyang mga tawa na sobrang lakas. Kaya napangiti tuloy ako dahil sakanila ni Hena. Nang makauwi ako sa bahay ay nilinis ko na nag dapat linisin at nagluto muna ako bago ako pumasok sa silid ko para makapagpahinga. Katulad ng dati walang sawa akong nanalangin sa diyos na maging maayos ang buhay ko at makamit ko lahat mg pangarap ko kahit na alam ko na imposible pero hindi padin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw matutupad ko din ito.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD