"Ay, palaka! Sorry! Sorry po! Hindi ko naman alam na nandito kayo." I heard the frantic voice of Maria. Paanong napunta rito si Maria? Nandirito na siya? I immediately opened my eyes and I saw Maria standing outside the bathroom. Bagong paligo ito at nakabalot ang buhok ng towel. Nakasuot na ito ng ternong pajama. "What is she doing here?" Galit na tanong ni Adelle sa akin. Hindi ako nakasagot. I don’t know what is she doing here. Or shall I say, hindi ko alam kung paano siyang nakauwi ng bahay na hindi ko nalalaman. Kaya paanong nandito siya ngayon? “What?! At bakit siya nandito sa kwarto mo? And she’s even using your bathroom.” Adelle is fuming mad while looking to Maria. "Naligo lang po ako, Maam Adelle." Sagot naman ni Maria. "Lalabas na po ako. Tapusin niyo

