Helena POV Inihatid niya ako pauwi, pero nang makarating kami sa may kanto, nagpasya kaming maglakad papasok. Masikip kasi ang iskinita sa loob. “Naku, dapat hindi mo na ako hinatid hanggang dito,” sabi ko. “Nakakahiya naman sa’yo. Hanggang kanto na lang sana.” “It’s okay,” sagot ni Shean. “Wala naman ’yon sa akin.” Habang naglalakad kami, ramdam ko ang mga matang nakatingin. Ang mga kapitbahay kong chismosa, literal na nakatitig lang kay Shean, halatang nagulat at namangha. Yung mga dalaga naman, hindi maitago ang paghanga. May ilan pang nagbubulungan. Napailing na lang ako. Pagdating namin sa bahay, pinapasok ko siya sa loob. Bigla siyang tumigil sa may pintuan, parang nag-aalangan. At doon ko napansin—sa unang pagkakataon, parang nahiya ang lahat sa loob ng bahay. Para bang may p

