Helena POV Pagdating ko sa may kanto, nandoon na si Shean, nakaabang, may ngiti sa labi. Napatitig ako sa kanya. Ewan ko ba, pero parang biglang gumaan ang pakiramdam ko. Parang nabawasan ang bigat na dala ko mula sa loob ng bahay. “Tara na?” sabi niya, nakangiti. “Baka masanay ako niyan,” biro ko, nakangiti rin. “Okay lang na masanay ka,” sagot niya agad. “Gusto ko nga ’yon.” Biglang tumibok ang puso ko. Ano ka ba, Helena, saway ko sa sarili ko. Bata lang si Shean. Sumakay na ako sa sasakyan. Katulad ng mga nakaraang araw, bago ako bumaba sa school, may inabot na naman siyang paper bag. Alam ko na agad kung ano ’yon. “Shean…” tawag ko, medyo naiilang. “Hindi mo na kailangang gawin ’to.” Ngumiti lang siya. “Alam ko. Pero gusto ko.” Wala na akong nasabi. Habang naglalakad ako p

