Chapter 21 Sa Dulo ng Araw

1105 Words

Helena POV Matagal akong nakatayo sa gitna ng shop. Parang ayokong gumalaw, baka kasi kapag kumurap ako, mawala lahat. “Helena,” tawag ni Shean, mahina. “Okay ka lang?” Tumango ako, pero ramdam kong nanginginig ang tuhod ko. “Okay… sobra.” Lumapit ako sa salamin. Nakita ko ang sarili ko, simple lang ang suot, pagod pa rin ang mga mata, pero may kakaibang liwanag. Parang may nabago. “Sa’yo ’to lahat,” sabi ni Shean. “Ikaw pa rin ang masusunod. Ikaw ang may pangalan diyan.” “Pero…” napatingin ako sa kanya. “Hindi ko ’to kakayanin mag-isa.” Ngumiti siya. “Hindi ka nag-iisa.” Tahimik akong napangiti. Hindi ko na tinanong kung hanggang kailan siya nandiyan. Ayokong sirain ang sandaling iyon. May biglang pumasok na babae. Tumingin-tingin siya sa mga damit. “Open na po ba?” tanong niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD