Helena POV Magkasama kami ni Jassie na pumunta sa birthday ni Shean sa sikat na hotel. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, napahinto na ako. Ang ganda ng lugar, maliwanag, elegante, at puro naka-formal ang mga bisita. “Jas,” bulong ko, medyo kinakabahan, “hindi ba nakakahiya? Ang sosyal nila.” “Okay lang ’yan, Ate,” pabulong niyang sagot sabay hagikhik. “Mag-pretend na lang tayo na mayaman at sosyal. Ngayon lang naman ’to. Bukas balik na ulit sa totoong buhay.” Napangiti ako. Luko rin talaga ’tong batang ’to, bulong ko sa sarili ko. Naging close na rin kami ni Jassie nitong mga nakaraang linggo. Mabait siya, kalog, at ang gaan kasama, parang nawawala ang kaba kapag katabi ko siya. Nang makita kami ni Shean, agad siyang lumapit. Kita ko ang tuwa sa mukha niya. “Glad you came,” sabi ni

