Helena POV Kalagitnaan na ng gabi nang mapansin kong medyo lasing na si Jassie. Tumatawa na siya nang malakas, medyo hirap na ring maglakad. Kaya inalalayan ko muna siya. “Jas, hinay-hinay lang,” bulong ko. “Okay lang ako, Ate,” sagot niya, sabay tawa ulit. Sandali akong nagpaalam para mag-CR. Pagbalik ko, napahinto ako. Nakita ko si Jassie na lumapit kay Keano, medyo nangungulit, halatang tipsy. Si Keano naman, tahimik lang. Hindi palangiti, medyo suplado ang aura. Pero kahit ganun, hindi niya iniwasan si Jassie. Hawak niya ang braso nito para hindi matumba, may bahid ng pag-aalala sa kilos niya. “Easy,” sabi ni Keano, halatang maingat. “You’ve had enough.” Napangiti ako habang pinapanood sila. Ewan ko ba, pero kinilig ako. Hindi yung kilig para sa sarili ko, kundi dahil ramdam k

