Helena POV Halos isang buwan na ang lumipas, pero hindi pa rin pumapasok si Shean. Hindi ko alam kung bakit, pero may mga sandaling nakakaramdam ako ng guilt sa nangyari. Siguro kung hindi ko na lang siya pinansin noon, kung hinayaan ko na lang. Pero agad ko ring pinipigilan ang isip kong iyon. Ang gusto ko lang naman ay malinaw na limitasyon, kung sino ako, at kung sino siya. Propesora ako. Estudyante siya. Hindi iyon komplikado. Alam ko ring may asar sa akin ang ilang babaeng estudyante. Naririnig ko ang mga bulungan nila, kahit hindi sila direktang nagsasalita sa akin. “Feelingera talaga si Ms. Helena,” sabi ng isa. “Hello, seriously? Akala niya gagawan siya ng masama ni Shean? In the worst case pa—re-rape? Eh ang tanda na niya.” Parang may sumaksak sa dibdib ko. Hindi nila maiint

