Helena POV Pag-uwi ko sa bahay, todo-asikaso sa akin si Kuya Richard. Ibang-iba ang timpla ng boses niya, parang kanina lang, siya rin ang nanlait. “Sorry, Helena,” sabi niya, may pilit na lambing. “Sa mga nasabi ko kaninang umaga. Kung ikaw talaga ang gusto ni Shean, walang problema. Age doesn’t matter. Ang mahalaga, nagmamahalan kayo.” Napakunot-noo ako. “Buti naman ginagamit mo na ang utak mo ngayon,” tuloy niya, masayang-masaya. “Suwerte natin kung nagkataon. Aangat tayo.” Para siyang nanalo sa lotto. “Kuya,” putol ko, inis, “hindi ko boyfriend si Shean. At hindi rin siya nanliligaw, okay?” “Sus,” kibit-balikat niya. “Kapag ang lalaki nagbibigay ng interest, may gusto ’yon.” Nagkatinginan na lang kami ni Ate Lena. Wala nang saysay makipagtalo. Maya-maya, pumasok na si Kuya sa

