Chapter30 Hanggang Maging Tama

1065 Words

Helena POV Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school pero hindi mapakali ang isip ko. Paulit-ulit kong iniisip ang Kuya ko, kung ano ang ipapagawa sa kanya ni Shean, at kung hanggang saan niya kayang panindigan ang sarili niya kapag may responsibilidad na sa harap niya. Habang naglalakad ako sa hallway, tumunog ang phone ko. Kuya: Helen, grabe dito. Ang laki ng office. May pinapapirma sa’kin. Mukhang seryoso talaga si Sir Shean. Huminga ako nang malalim. Sana seryosohin mo rin, bulong ko sa sarili. Maya-maya, may isa pang mensahe. Kuya: Mukhang mabigat ’yung trabaho. May mga deadline. Hindi puwedeng puro alis. Pero kaya ko ’to. Para sa pamilya. Napatigil ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako o mag-aalala. Ilang beses ko na siyang narinig magsabi ng kaya ko ’to, pero nauuwi sa wala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD