Chapter 6 Tahimik na Laban

1047 Words
Helena POV Nagpaalam na ako kay Sir Miguel, ang ama ni Kathlea. Kuya ni Shean. Sinabi ko na lamang na may personal akong aasikasuhin at kailangan ko nang huminto sa pagtuturo kay Kathlea. Sa totoo lang, ang dahilan kung bakit ako nag-resign. Ayoko nang makita si Shean. Ayoko nang magkaroon pa kami ng kahit anong ugnayan. Puwera na lamang sa school. Masakit ang mga salitang binitawan niya, parang muling binuksan ang mga sugat na matagal ko nang pilit isinasara. Sa isang iglap, naging kapareho siya ng pamilya ko… at ni Aries, mga taong minamaliit ako, hinusgahan, at hindi kailanman sinubukang unawain. Biglang tumulo ang luha ko. Ganito ba talaga kapag nagkamali ka minsan? Habambuhay ka na bang huhusgahan, kahit pilitin mong magbago, kahit hindi mo naman sinadyang masaktan ang iba? Hindi ko naman alam noon na may asawa si Aries. Nagulat ako nang abutan pa ako ni Sir Miguel ng sobre. “Sir, I’m sorry,” agad kong sabi. “I can’t accept this.” Umiling siya. “It’s for you,” mahinahon niyang sagot. “For being a good teacher to Kathlea.” Nakangiti kong tinanggap iyon, kahit mabigat ang loob ko. “Thank you po,” mahina kong sabi. Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Kathlea sa sala. Nakatingin siya sa ibang direksiyon, hindi ako nilingon. Alam kong masama ang loob niya. Hindi na ako nagsalita. Wala na akong lakas para magpaliwanag. Tahimik akong naglakad palabas dala ang desisyong mabigat, pero alam kong kailangan. Dahil minsan, ang paglayo ay hindi pagtakas… kundi pagligtas sa sarili. Habang naglalakad ako papunta sa gate, sinamahan ako ni Aling Flor. Tahimik lang kami, hanggang sa hindi sinasadya, napalingon ako sa likuran. Nandoon si Shean. Wala siyang suot na pang-itaas, tanging basketball shorts lang. May hawak siyang bola, halatang kagagaling lang sa paglalaro. Butil-butil ang pawis sa balat niya, kumikislap sa liwanag ng hapon, isang presensyang mahirap hindi mapansin. Napangisi siya nang mahuli niya ang tingin ko. At doon ko naramdaman ang kakaiba. Hindi kilig. Hindi paghanga. Kundi kilabot. Dahan-dahan niyang tiningnan ang buong pagkatao ko, mula ulo hanggang paa, isang tinging ngayon ko lang napansin. Hindi ako tinignan bilang guro. Hindi bilang mas matanda. Kundi bilang isang babae. Isang babaeng gusto niya. O marahil… hinahangad. Bigla akong napahigpit sa hawak ko sa bag. Iniwas ko ang tingin ko at nagmadaling maglakad palayo, pilit binubura ang pakiramdam na gumapang sa batok ko. At sa bawat hakbang palayo, malinaw na malinaw sa isip ko ang isang bagay: Tama ang desisyon kong umalis. Dahil ang mga mata niya, hindi na inosente. Pag-uwi ko sa bahay, maaga pa. Naabutan ko ang karaniwang gulo, may nag-aaral sa mesa, may nanonood ng TV na naka-full volume, at si Ate Lena na nagluluto habang walang tigil ang saway sa mga bata dahil sa pag-aaway. Isa-isang nagmano sa akin ang mga pamangkin ko bago bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Tahimik akong pumasok sa kwarto ko. Doon lang ako may kapayapaan, kahit luma at maliit ang silid na iyon. Isang lugar na akin lang. Napabuntong-hininga ako at inilapag ang bag. Napatingin ako sa cellphone ko. Luma na ito, umaandar na lang kapag gusto niya. Kumikislap-kislap ang screen, at mabilis pang ma-lowbat. Kailangan ko na talagang bumili ng power bank, naisip ko. Pero tulad ng dati, kapag para sa sarili ko, ang hirap gumastos. Kapag para sa pamilya, wala akong pag-aalinlangan. Binuksan ko ang cellphone. Sunod-sunod ang mga text message. Mula kay Shean. Mga mensaheng puno ng pag-aalala. Mga salitang malambing, Mensahe niya ito kagabi na hindi ko agad nabasa. May mga ingat ka, nakauwi ka na ba, please reply. Natigilan ako. Kaya pala ganon ang asal niya kahapon, napabulong ako. Dahil hindi ko siya nireplyan. Parang bata, oo. Isip-bata. Mabilis magtampo. Mabilis mag-react. Pero bakit may kirot sa dibdib ko? Bakit may guilt? Napailing ako sa sarili ko. Bakit ako nagguguilty? Grabe nga ang pambabastos niya sa akin kahapon. Nilabag niya ang hangganan ko. Sinigawan niya ako sa harap ng klase. At kung ano anong pangbabastos ang sinabi sa akin. Hindi ko kasalanan na hindi ako sumagot. At kahit anong pilit kong ipaliwanag sa sarili ko, may isang katotohanang ayaw ko mang aminin, mas madali palang magalit kaysa harapin ang damdaming pilit mong iwasan. Tahimik kong pinatay ang screen ng cellphone. Hindi pa ako handang sumagot. Hindi pa ako handang magpatawad. Ipinatong ko ang cellphone sa kama at huminga nang malalim. Tahimik ang kwarto ko, pero maingay ang isip ko. Sa labas, rinig ko pa rin ang pagtatalo ng mga bata at ang paos na boses ni Ate Lena na nag-aawat. Dati, sanay na ako sa ingay. Ngayon, parang mas mabigat. Umilaw muli ang cellphone. Isang bagong text. I’m sorry about earlier. I crossed the line. I shouldn’t have raised my voice. Napapikit ako. Hindi ko inaasahang iyon ang susunod na mababasa ko. Hindi lambing. Hindi pilit. Paumanhin. Sumunod pa ang isa. I didn’t mean to disrespect you. I was angry at myself. Napahawak ako sa dibdib ko. Galit sa sarili, naisip ko. Pareho kami. Pero hindi sapat ang sorry para burahin ang nangyari. Hindi sapat para gawing tama ang mali. Biglang may kumatok sa pinto. “Tita,” mahinang tawag ni Clarisse. “Kain na po.” “Okay sige,” sagot ko, pilit inaayos ang boses. “Susunod ako.” Pag-alis niya, bumalik ang tingin ko sa screen. Mababa na ang battery—10% na lang. Napangiti ako sa sarili. Kahit sa gamit ko, huli lagi ako. Dahan-dahan akong nag-type. Isang linya lang. Walang lambing. Malamig. Please don’t message me anymore. We need boundaries. Pinindot ko ang send bago pa ako magbago ng isip. Sandaling katahimikan. Walang reply. Ibinaba ko ang cellphone at tumayo. Kailangan kong kumain. Kailangan kong huminga. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko kung sino ako bago ang lahat ng ito, isang guro, isang babae na may piniling dignidad kahit masakit. Sa hapag-kainan, ngumiti ako sa mga bata. Tinulungan si Nanay maghain. Normal na gabi. Normal na buhay. Pero alam kong may binago ang isang mensahe—hindi dahil sa sagot ko, kundi dahil sa desisyong pinili kong panindigan. At sa gabing iyon, bago ako matulog, isang pangako ang binitiwan ko sa sarili: Hindi ako babalik sa anumang magpapababa sa akin ule, kahit pa minsan, may pilit na gustong pasukin ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD