Helena POV Pagdating namin sa disco bar, sinalubong agad kami ng malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Parang ibang mundo—maingay, buhay, at walang pakialam sa edad o problema. Umupo kami sa isang mesa sa gilid. Umorder sila ng drinks, ako, tubig muna. “Relax ka lang,” sabi ni Lorna habang hinihila ako papalapit sa dance floor. “Isang gabi lang ’to.” Ngumiti ako, pilit. Hindi ako sanay sa ganitong ingay. Pero habang tumatagal, napansin kong unti-unting lumuluwag ang balikat ko. Tumawa ako sa mga biro ni Jay, sumabay sa kumpas ng musika kahit nakaupo lang. Parang matagal na rin pala akong hindi tumatawa nang ganito, yung walang iniisip na responsibilidad. Maya-maya, may lumapit na lalaki. Maayos manamit, may ngiti. “Can I buy you a drink?” tanong niya. “Thank you, but I’m good,” sago

