Chapter 12 Mga Taong Dumaan

1132 Words

Helena POV Makalipas ang dalawang taon. Birthday ko ngayon, thirty-four years old na ako. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, pinipilit kong ayusin ang mga gulo sa paligid ko; ngayon, tahimik na lang akong nagbibilang ng mga taong lumipas. May munting handaan sa bahay. Walang bisita. Kami-kami lang, tulad ng nakasanayan. Simple. Tahimik. Doon ko nalaman na may boyfriend na pala si Clarisse. Wala akong imik nang ipakilala niya ito sa amin. Mukhang maayos naman ang binata, may itsura at magalang. Ang pangalan niya ay David. May dala pa siyang cake para sa amin, may ngiti sa labi na halatang gustong bumuo ng magandang impresyon. Kitang-kita ang tuwa ng kuya ko. Gustong-gusto niya si David, lalo na nang malaman niyang may kaya ito sa buhay. Parang biglang gumaan ang aura sa sala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD